“Hi, Belle! Magandang hapon sa iyo,” nakangiting bati ni Makoy kay Ashleigh nang dumaan ito sa may bakuran ng bahay ni Mang Gener. Kasulukuyan kasi siyang nag-aayos ng mga sinampay roon kasama si Tonya. Maliit siyang ngumiti pabalik sa lalaki. “Ikaw pala, magandang hapon din sa iyo,” tugon niya pa rito. “Kumusta ka na?” tanong naman ni Makoy sa kanya. “Uhm… mabuti naman ako—” “Okay naman siya.” Nagulat at natigilan siya nang bigla na lamang sumagot mula sa likuran niya si Angelo. Hindi niya namalayan ang biglaang paglabas ng lalaki. Dahil doon ay kaagad na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Makoy. “Ikaw pala, Gelo. Nandyan ka pala.” “Malamang, bahay namin ‘to eh,” sarkastik na sagot ni Angelo kay Makoy saka ito naglakad palapit sa kanya. Hinarap siya ng lalaki at sandali silang nagtiti

