“Ay, Gelo, ijo! Ikaw pala iyan. Ano at napadalaw ka?” nakangiting bati ng isang matandang babae na nilapitan nina Angelo at Ashleigh. “Aling Kosing, ipinabibigay po kasi ni lolo sa inyo ang mga ito,” magalang na tugon ni Angelo kay Aling Kosing. “Ay, ano ang mga ito?” tanong ng matandang babae saka nito sinilip ang supot na inabot ni Angelo. “Ay, para saan ang mga ito? Bakit nag-abala pa siya?” “Ang sabi lang po niya ay ibigay namin sa inyo ang mga ito.” “Salamat, ijo huh. Pakisabi sa lolo mo,” nakangiting wika ni Aling Kosing kay Angelo at pagkuwan ay marahan itong bumalin ng tingin kay Ashleigh. Agad namang ngumiti ang dalaga sa matandang babae. “Ikaw pala, ija. Nagagalak akong makita kang muli.” “Masaya rin po akong makita kayong muli,” nakangiting tugon ni Ashleigh sa matanda. “K

