bc

Luscious Poison

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
badgirl
neighbor
drama
sweet
bxg
expert
small town
enimies to lovers
scientist
like
intro-logo
Blurb

Life, sometimes, plays hard. It requires a lot of strength and determination in order to survive…or not. Sometimes it gives you mixed signals you’ll never understand. Sometimes, the thing you thought good, eventually transforms into hideous thing that will either help you or poison you, worst, kill you.

Tivona Keziah got it all. She’s a girl known for her strong personality. A girl who doesn’t know how to surrender in the game of life.

Tivona spends her life selling herbal medicines in order to sustain their need in everyday life. Her herbal medicines are famous as people claim that they’re effective.

On the other hand, Keeon Chavez is a medical student who works with his peers, researching about a certain plant found in Tivona’s hometown.

A clash between the herbal medicine vendor and a medical student will occur. A love between two total opposite people will occur. This game of life is different and the consequences are unbelievable. Two people will do everything to win.

Who will survive and who will be poisoned?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Mga suki, bili na kayo!” Marahan kog tinititigan ang bawat taong napapadaan sa harapan ng aking maliit na puwesto habang pilit na tinatawa ang atensyon nila. “Mga natural na gamot, mabisa para sa inyong mga karamdaman!” Ang ilan sa kanila ay napapatingin ngunit hanggang doon na lang iyon. Ramdam ko ang mbibilis na pagtulo ng aking pawis sa mukha ngunit hindi iyon sapat para mapahinto ako sa pagtitinda. “Ito ay para sa inyong kasu-kasuan!” Iniangat ko ang isang aliit na bote kung saan nakalagay ang katas ng isang halamang nakuha ko sa bundok. “Ito naman ay maaari para sa inyong sakit sa ulo!” Nagtaas pa ako ng isang bote. Halos mapunit ang aking bibig nang may isang aleng lumapit at tumingin sa mga paninda ko ngunit agad ding napsimangot nang walang imik siyang umalis. Madalas naman ang ganoong pangyayari ngunit tila hindi ako nasasanay. Araw ng palengke ngayon dahil martes ngunit ang inasahan kong mraming benta ay tila malabo na. Magtatanghali na pero kahit isa ay wala pa akong naibebenta. “Asang-asa ka naman na bibili ‘yung ale sayo? Bulok naman mga paninda mo,” ani ni Junia, ang anak ng isa ring nagtitinda ng herbal. “Hindi gaya nitong sa amin, sariwa lahat at talagang mabisa!” Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko, iniisip kung dapat ko ba siyang patulan. Siguro, hindi. Maasyado siyang mababa para patulan ng isang kagaya ko. “Mga Ate at Kuya, bili na po kayo ng herbal!” Sigaw kong muli, tuluyan na ngang iniignora si Junia. Kamuntikan na akong magyabang kay Junia nang apat na magkakasunod na tao ang lumapit at nagtanong sa mga paninda ko. “Opo, ito po ay mabisa lalo na sa sakit ng ulo. Ginagamit ko nga po ito palagi dahil madalas ay sumasakit ang aking ulo sa pag-aaral,” biro ko. Tatlo sa apat na iyon ang bumili. Malaki ang ngiti ko nang malingunan ang nakasimangot na Junia habang masama ang tingin sa akin. Ano ka ngayon? Inuuna kasi ang kayabangan kaya inaayawan sila ng grasya. Pagod na ako pero hindi pa ako pwedeng magligpit dahil marami pa ang tao. Walang mapaglagyan ang saya ko nang may iilang tao pa ang lumapit at bumili sa mga paninda ko. Sa loob lang halos mag-i-isang oras ay halos maubos na ang mga dala kong gamot. Siguradong matutuwa si nanay nito. “Opo, ale. Mabisa po talaga iyan!” Kaliwa’t kanan ang pagsagot ko sa bawat tanong ng mga tao. Wala na rin akong oras pa para tignan ang reaksiyon ni Junia sa dahil kailangan kong maging alerto. Uso pa naman ang mga mangungupit dito, mahirap na at baka biglang masira ang tuwa ko. “Magkan ba ito, ineng? Pwede ba ito sa kasu-kasuan?” Tinignan ko ang itinuturong gamot nang ale saka mabilis na tumango. “Opo, pwede po. Isang daan po ang boteng iyan pero kung gusto niyo po ng mas malaki, mayroon din po sa halagang one hundred ity,” paliwanag ko. “Para saan ito?” Tanong naman ng isa. Marahas kong hinawi ang iilang hibla ng buhok ko na humaang sa pawisan kog mukha. Mabuti na lang at sanay na akong humarap sa maraming tao kung hindi, naku. Sana pala ay isinama ko na si Inay. Ang inasahan kong dami ng tao ay hindi ganito. Ayos na sana kahit makasampu lang ngunit higit pa roon ng ibinigay. Alas dos na ng hapon nang magkaroon ako ng oras para mananghalian. Kanina pa nagrereklamo ang dragon ko sa tiyan ngunit hindi ako makakain sa dami ng taong bumili kaya ngayon, talaga naman para akong isang linggong hindi pinakain sa sobrang gutom. “Balita ko, ang dami mo raw benta ngayon?” Halos mapatalon ako nang may kamay na umakbay sa akin galing sa likuran. Nang lingunan iyon, saka lang medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang makitang si Peter iyon, isa sa mga masugid kong manliligaw. “Ngayon ka pa lang manananghalian?” Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at naupo sa harapan ko, nakasalo ang kaliwang palad sa kaniyang baba. “Oo, dami kasing tao kanina,” ani ko sabay subo. “Kung alam ko lang ay pinagdala sana kita ng pagkain. Nagluto si inay ng sardinas na may kamote. Hindi ba, paborito mo iyon?” Dahil puno pa ng kanin ang bibig, marahang tango na alng ang isinagot ko na agad din naman niyang sinuklian ng isang ngisi. Si Peter ang pinakamabait sa lahat ng manliligaw ko. May pagkabastos minsan, pero kumpara sa iba na pawang mga barumbado talaga at kilalang mga bastos sa baranggay. Si Peter ang may pinakamatinong ugali. Hindi perpekto pero pwede na. Payat ngunit matangkad si Peter, may kayumangging kulay at ang mga mata’y bilugan. Masipag din at palaging tumutulong sa bukid ng kaniyang ama o kaya ay minsan, suma-side line bilang kargador dito sa palengke. “Hay nako, Peter,” sabay naming nilingon si Junia na walang hiyang lumapit sa amin habang marahang ipinapaypay ang pula at maaki niyang pamaypay sa itapat ng kaniyang mukha, “ginagamit na naman ng babaeng iyaan ang ganda niya kaya ang daming namili sa kaniya kanina, karamihan ay matatandang lalaki pa.” Nagkibit balikat lamang si Peter sa kaniya, tila walang pakialam. Tiningala ko si Junia saka nginisian. “Atleast napapakinabangan ko ang ganda ko. Iyan ang lamang ko sa iyo dahil wala kang ganda na magagamit para akitin ang mga mamimili. Wala ka tuloy kinikita.” She looked so offended. Nanlaki ang mga mata niya at tila may gustong sabihin na hindi niya masabi. Ang lakas ng loob na magsimula ng gulo pero ngayong pinapatulan na siya, matatameme lang siya. “At least, marangal. Hindi kagaya mo na ginagamit ang kataw-“ “Paano mo nasabing ginagamit ko ang katawan ko para makapagbenta ng gamot gayong nandito lang ako, nakatayo at inaasikaso ang bawat bumibili? Kasalanan ko pa pala na sadyang malilikot ang mga mata ng ibang customer ko, ganon?” Binalingan ko si Peter na bahagyang hinaplos ang braso ko. Pakiramdam ko lahat ng balahibo sa bawat parte ng katawan ko ay nagsitayo dahil sa ginawa niyang iyon. Umusog ako ng kaunti palayo sa kaniya at pasimpleng iniiwas ang braso ko na agad namang napansin ni Junia. Ngumisi siya at tinignan ako na parang nanalo siya sa isang debate na ilang taon na naming pinagtatalunan. “See? Kahit si Peter, hinahayaan mong bastusin ka. ‘Yung katotohanan pa lang na hinahayaan mo siyang hawakan at haplusin ka ng ganoon, patunay na iyo-“ “Walang kwentang pag-iisip. Hindi ko alam kung bulag ka, sarado utak mo, o sadyang bobo ka lang talaga.” Iiling-iling kong usal bago sila taas noong tinalikuran. Hindi ko makuha kung anong klaseng utak mayroon si Junia. Balita ko naman, nangunguna siya sa klase pero bakit tila iba ang nakikita ko? Maari sigurong totoo, matalino siya sa klase ngunit napakatanga naman pagdating sa buhay sa labas ng paaralan. Pagdating ko sa tapat ng banyo ay sakto namang paglabas ng isang babae kaya imbes na maghintay pa sa labas ay pumasok na agad ako. Akmang isasara ko na ang pintuan nang biglang may kung sinong tumulak noon. “Ang tindi ng galit mo kay Junia, ah?” Kaswak na usal ni Peter habang pilit paring inihaharang ang kamay niya. “Mamaya na tayo mag usap, Peter. Ihing-ihi na ako.” Muli kong sinubukang isara ang pinto ngunit nanlaki ang mga mata ko nang malakas niyang itinulak iyon saka mabilis na pumasok sa loob. “Tangina?” Nakakakilabot at nakakadiri ang klase ng ngiting ipinapakita niya. Alam kong may pagkabastos siya minsan ngunit hindi ko inakalang kaya niyang umabot sa ganitong klaseng gawain. Madalas ay pawang mga salita lamang ang kaniyang pagkabastos kaya ibang klaseng gulat ang hatid sa akin ng nangyayari ngayon. “Hindi ko alam pero habang nag uusap kayo ni Junia patungkol sa ginagawa mo sa katawan mo, para akong nag-iinit…” Tangina. Mabilis na lumipad ang palad ko papunta sa kaliwang pisngi niya. Ramdam ko ang hapdi roon pero wala akong pakialam. Ang akala kong sampal na magpapagising sa kaniya mula sa makamundong kaisipan ay hindi umipekto. Isang malawak na ngiti pa ang iginawad niya bago mabilis na humakbang palapit sa akin. Agad kong iniharang ang kamay ko at nang nasa tamang lapit na ay mabilis kong sinipa ang pinakaiingat-ingatan niyang ari-arian. Namilipit siya sa akin kaya naman kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumakbo ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Nagpumiglas ako ngunit mabilis ang naging kilos niya kaya muli niya akong naipasok sa banyo. Tangina! “Paisa lang, arte naman, eh,” aniya habang ang mga mata’y nanlilisik na nakatitig sa akin, tila sinaniban ng kung anong masamang espirito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook