Chapter 3

1413 Words
Halos kasisikat pa lamang ng araw ngunit ang ingay sa palengke ay nagpapakita kung gaano kagising ang mga diwa ng mga tao. Kaliwa’t kanan ang mga sigawan, kani-kaniyang tawag sa atensiyon ng mga mamimili. Tahimik kong inilatag ang telang pinansasapin sa maliit na patungan kung saan ko inilalagay ang mga paninda ko habang ang katabi kong puwesto ay mukhang kanina pa nakahanda ang mga paninda. “Tanghali ka yata?” Nilingon ko ang nakangisi habang nakapamaywang na si Junia. “Kung sa bagay, kahit siguro mamaya ka pa maglatag ay makakarami ka pa rin dahil gumagamit ka naman ng ipinagbabawal na teknik, hindi ba?” Nagpatuloy ako sa paglalatag, balak sana siyang ignoraahin ngunit masyadong boring kung ganon kaya naman nakataas ang kaliwang kilay ko kasabay ng mapang-asar na ngiti nang lingunin ko siyang muli. “Hmm, oo. Hindi mo kasi pwedeng gamitin ang teknik na iyon dahil…” tinignan ko siya mula ulo, mukhang paa—I mean, mula ulo hanggang paa at pabalik sa kaniyang mukha, “wala ka no’ng basic requirement para sa teknik na iyon.” Maligaya kong pinagmasdan ang mukha niyang unti-unting nalulukot. Sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko ang mabilis na pagdaan ni Peter ngunit nagtuloy-tuloy lamang siya, hindi gaya noon na talagang humihinto siya para makausap ako. Wala naman akong pakialam. Kung ayaw na niyang manligaw ay bahala siya, walang pumipilit sa kaniya. Hindi rin naman siya kawalan. “Ate, magkano po ito?” Tumayo ako at mabilis na nginitian ang dalagitang lumapit upang ituro ang gamot na para sa sakit ng katawan. “Ito po ba ‘yung para sa sakit ng ulo? Inutusan lang po kasi ako ng mama ko kaya hindi ko alam.” “Ayos lang iyon.” Kinuha ko ang isa pang bote na katabi lang noong itinuro niya kanina. “Kung para sa sakit ng ulo, mas mabisa ito. Tig isang daan lang ang maliit at one fifty naman sa malaki.” Ilang sandali niyang tinitigan ang dalawang gamot bago nagpasyang bitiwan ‘yung para sa sakit ng katawan. “O, sige po. Ito na lang po.” Mabilis kong inilagay sa plastic ‘yung binili niya bago ko kinuha ang pera at sinuklian siya. Pagkatapos ay nakangisi kong sinulyapa si Junia na nakatitig at mukhang inggit na naman sa benta ko. Sa halip na makipag-asaran, mas pinili ko na lang na maupo at manahimik. Iisipin ko na lang kung anong gagawin ko oras na magkagulo rito dahil nararamdaman kong ano malapit na kaming paalisin. May bagong tayong clinic kasi sa may bandang bungad ng palengke at usap-usapan na mapapadala ang mga doktor doon. May mga naririnig din akong nagsasabi na tila may inaaral silang halaman na maaaring gawing gamot. Ewan ko ba, bakit pakiramdam ko ay balak lang nila kaming agawan ng trabaho. Maaari naman silang magtungo at magtayo ng clinic sa mas malalaking bayan pero bakit dito pa sa amin na napakaliit lang ng populasyon. Dahil tanaw lang mula sa pwesto ko ang bagong tayong clinic na ngayon ay puno ng dekorasyong mga bulaklak at kung ano-anong banner na nagsasabing welcome ang kung sino man dito, roon ko na lang itinuon ang titig ko. Mas mabuti na iyon kaysa sa pangit na mukha ni Junia ko ituon ang atensyon ko, masasayang lang. “Ganda, ito nga isa.” Muli akong kumilos ng mabilis at agad na ipinlastik ‘yung gamot na binili ng ale. Siya na ang nag shoot no’n sa plastik at hindi rin mawala ang ngiti niya nang iabot ko sa kaniya iyon. “Ubos na ‘yung akin, kabibili lang noong nakaraang linggo. Epektibo pala talaga kaya nagustuhan ko,” aniya pa. “Naku, opo. Matagal na rin pong gamit ng inay ko ang mga gamot na tinda namin kaya sigurado po akong epektibo talaga.” Nagpasalamat siya saka marahang umalis bitbit ang napakaraming plastik laman ng siguro’y mga pinamili niya. May iilang bumili rin kina Junia na nakilala ko sa mukha. Sila ‘yung mga madalas na bumili sa kanila. Wala naman akong pakialam, maganda nga iyon at ng sa ganoon ay naaabala siya at nakakalimutang mang-asar sa akin. Sa malayong banda ay tanaw ko ang marahang lakad ni Peter. Hindi ki maiwasang hindi siya tignan kaya nang tumama ang tingin niya sa akin ay talaga namang abot buwan ang gulat ko. Palapit siya sa pwesto ko. Huminga ako nang malalim, naghahanda sa kung ano man ang sasabihin niya ngunit nang ilang hakbang na lang ang layo niya ay bigla siyang ngumisi at taas noong lumiko, tuluyang naglakad papalayo sa akin. Aaminin ko, gulat ako dahil akala ko talaga ay lalapit at kakausapin na niyang muli ako ngunit mukhang galit pa rin siya dahil sa nangyari kahapon. Siya pa talaga ang may ganang magalit at umiwas gayong ako dapat ang makaramdam no’n. Ibang klase rin ang kapal ng mukha niya. Ilang oras lang ang lumipas pagkatapos ng pananghalian ay napansin ko ang unti-unting pagbuo ng kumpulan sa bandang harapan ng palengke. Walang alinlangan akong tumayo at nagsimulang magligpit ng mga paninda. Maaga akong uuwi dahil tuwing may namumuong kumpulan na ganito ay madalas nauuwi sa riot kaya maganda na ‘yung handa. Napansin ko rin ang panonood ni Junia sa mga iyon bago lumapit sa kaniyang itay na prenteng nakaupo. Inilagay ko ang mga tirang paninda sa bag saka mabilis na sinuot iyon bago itinupi at itinabi ang mga pansapin ko. Kailangan kong magmadali. Pagkatapos maitabi ang mga kailangang itabi ay walang lingon kong nilisan ang pwesto. Tuloy-tuloy ang lakad ko kasabay ng mga tao papunta sa harapan ng palengke ngunit sila ay humihinto sa tapat ng clinic habang ako ay balak sanang magtuloy-tuloy para makauwi na kung hindi lang dahil sa lecheng putting van na biglang lumiko sa dadaanan ko. Napahinto ako kasabay ng biglaan ding paghinto ng nasabing van. Ito ‘yung tipo ng mga sasakyan na pangarap ko, eh. Malaki at maluwag, pwedeng pang-isahan at pangmaramihan. Akala ko ay bababa ang driver o sino mang sakay ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay umandar muli iyon. Tila alipin ang mga tao na kusang lumayo sa clinic nang mapansing doon ang tungo ng sasakyan. Hindi ko na sana iyon papansinin ngunit nang tuluyan iyong huminto sa tapat mismo ng clinic ay napukaw ang atensyon ko. Hindi kaya ito ‘yung mga doktor na sinasabi nila? Sa halip na umuwi, umikot ako at muling naglakad pabalik, palapit sa kumpulan ng mga tao na nag-aabang sa kung sino man lumabas sa sasakyan. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang bumukas na ang pintuan nito at iniluwa ang isang lalaking napakatangkad at may nakakasilaw na puti. Nakasuot ng maong na pantalon na tinernuhan ng polong kulay asul na kung makakapit sa katawan ay tila idinikit ng glue. Ang sapatos niyang kukay puti ay nagsusumigaw ng isang mamahaling brand. Kahit medyo malayo siya mula sa pwesto ay tila naaamoy ko pa rin ang bango niyang nananampal ng maraming pera. Ang buhok niyang medyo magulo, tila galing sa pagtulog habang ang mga mata niya ay tila nananaksak kung tumitig. Hindi ko makita ang ilong at labi niya pagkat natatakpan iyon ng putting facemask. Sinundan siya ng isa pang lalaki na mukha ring nananampal ng yaman. Hindi ko alam kung ilang minuto akong napatulala basta nagulat na lang ako na nasa bandang gitna na ako, nakatitig sa mga mayayamang nilalang sa harapan ko. “Excuse me? May kailangan ka po ba?” anang lalaking naka asul. Anong klaseng tubig ba ang iniinom nito at tila lumuluwa ng pera ang boses niya? “Miss, kung may kailangan ka, pasok ka lang sa clinic. Tumatanggap na kaki ng mga pasyente mula ngayon.” Nakangiti pa niyang dugtong bago mabilis na lumakad palayo sa akin. May ibinulong ‘yung kasamahan niyang naka pula sa kaniya. Pati paraan ng pagbulong, halatang pangmayaman. Hindi ko alam kung may ganoon ba pero basta. Nagsusumigaw silang lahat ng yaman. Akala ko’y tuluyan na siyang papasok ngunit muntikan na siyang mabunggo noong isang kasamahan niya nang bigla siyang huminto at muli akong nilingon. Napakurap ako ng tatlong beses nang maglakad siya palapit sa akin. Kikiligin na sana ako dahil mukhang na-love at first sight siya ngunit nagulat ako nang hatakin niya ang bag ko saka walang sabing binuksan iyon! Tumaas ang isang kilay niya at prenteng nilingon saka tinanguan ‘yung kasamahan niya. “Siya nga,” aniya saka ako muling nilingon. “Sama ka sa amin, miss. May importante lang kaming itatanong.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD