Kabanata IV

891 Words
May dalawang bagay akong natutunan. Una, masyadong maraming storytelling sa NA. As in marami. Pangalawa, ang pangalan ni Ms. Morena Beauty ay Payne, or at least, iyon ang pagpapakilala niya. Hindi siya nagsalita the whole time. Nakinig lang siya—kagaya ko. Inaabangan ko pa naman iyon dahil sobrang boring na. Ni hindi nga niya 'ko tinapunan ng tingin. "14 years. 15 next month. 14 years na hindi ako humihithit," panguwento ng babaeng nagpakilala bilang Bullet. She has a pixie cut and pale complexion. It is a contrast to her black eyeliner and lipstick. "Habang lumalaki ang numero, mas natatakot ako. Isang subok lang, isang pagkakamali... alam kong mawawala ang pinaghirapan ko sa loob ng mga taong 'yon." "Thanks for sharing," sabay-sabay na sabi ng mga nakikinig, parang choir. Hinawakan ni Marc ang kamay ni Bullet. "You're an inspiration to us," anito. "Think of it as a demon lurking in the corner of each of us. It wouldn't win as long as you keep fighting." Kumikinang ang mata ni Bullet, marahil sa luhang nagbabadyang bumagsak. Nagsimulang magbigay ng closing speech si Marc. Nang matapos ito, kaagad tumayo si Payne at nagmamadaling lumabas. "Sana next week makita uli kita dito," sabi ni Marc sa akin. Iyong iba, nanatili. May meryenda rin kasing nakahanda. Para siguro sa open conversation. Gusto ko namang umalis para masundan si Payne. "Tingnan natin," mailap kong tugon. Ready to go na ako nang magsalita uli siya. Pisti naman o. "This is a safe space, Caliber. I hope you can open up to us next time." Safe space, huh? More like depressing shithole. I forced a smile at him. "Sabi mo nga kanina, nasa loob ang demonyo natin. Walang safe space para sa adik na lulong sa droga. Parehas nating alam na lahat ng hahawakan ng mga kagaya natin, masisira." Natulala siya sa sinabi ko. Nginitian ko pa siyang muli, this time, sarcastic. Tapos diretso labas. Buntong hininga. Natakasan ko rin. Unfortunately, hindi ko na naabutan si Payne. Nakita ko siyang sumakay sa isang maroon Aston Martin Vanquish Volante. Nalaglag na naman ang panga ko. Isa sa dream cars ko 'yan, kung hindi lang nagkakahalagang 15.45 million pesos. Dumaan siya sa harap ko. Napansin siguro niyang tulala ako dahil kumindat siya habang nakangisi, tapos umalis na sila ni dream car. Bumuntong hininga ulit ako. Kaninong demonyo ko kailangang ibenta ang kaluluwa ko para roon? Dahil hindi nagpaparamdam si Alphonse at kailangan kong ma-distract sa mga bagay-bagay, bumisita ako sa bahay ng best friend ko. Nakailang katok na 'ko pero walang sumasagot. Mabuti na lang at may kopya ako ng susi kaya binuksan ko na lang. Pumunta akong kusina, nagbukas ng dalawang bote ng Sapporo premium beer, at kaagad ininuman ang isa. Naghalughog ako sa bahay. Sabi na nga ba, nagmumukmok siya sa kwarto. I have gone from one depressing s**t to another. Pero ang totoo niyan, she needs me just as much as I need her. Inilapag ko sa side table ang bote na hindi ko pa nainuman. "Hulaan ko kung ilang araw ka nang hindi naliligo," bungad ko. Umirap siya sa akin, pero hindi sumagot. "Miss mo?" tanong ko. Umupo ako sa gilid ng kama. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Namumugto ang mata niya. Oily na ang buhok niya. Naka-pajamas pa rin siya kahit tanghali na. "Lumabas pa lang ako sa pinto no'n, na-miss ko na siya." Humagulgol ulit siya. Umusog ako para tabihan at akbayan siya. I rubbed her forearm. Lumagok ako ulit ng beer. Dahil mas matangkad siya kumpara sa akin, hindi umabot ang paa ko sa kaniya. "Ginawa mo ang sa tingin mong tama, Emyrine." "Pero bakit ang sakit, Cals?" "Mas madali naman talagang gawin ang mali, 'di ba? Kaya nga ang daming gago sa mundo." Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko. Nakikiliti ako ng marahang paghinga niya. "Makakalimutan mo rin 'yon! Huwag ka kasing magkulong dito. Paano mo mami-meet 'yong susunod na magkakandarapa dyan sa beauty mo?" Natawa siya. Hindi ko namalayang naubos ko na rin ang Sapporo. Kinuha ko na lang iyong dapat sa kan'ya at iyon ang pinagdiskitahan. "Wala kang karapatang pagsalitaan ako, wala ka namang sineseryoso e." At ibinaling pa niya ang topic sa akin ah? "Exactly! Parang panty lang 'yan. Kapag hindi na pwede, palitan na kaysa mangamoy ka pa." "Hay nako, Callie. Makahahanap ka rin ng katapat mo." "Ha!" hindi ko napigilang bulalas. "No thanks. I don't exactly have the best experience with that. Walang matinong parent figure, tapos kayo pa ni Wila." Inilayo niya ang saril sa 'kin. "So, kasalanan pala namin ni Wila kaya takot ka umibig, ha?" Natawa ako. Natawa na rin siya. Hinampas ko siya ng unan. Umamba siyang gaganti nang itaas ko ang mga kamay ko. Oh well, wala talagang hindi tinatalaban ng super weapon kong Cute-sy Caliber. Umiiling siyang tumayo. Success. Nagising ko ang diwa niya, enough para hindi magpalunod sa heartbreak. Nagtanggal siya ng pajama at tumingin sa aparador ng pambihis. "Hindi naman sa takot," pahabol ko. Napahinto siya sa ginagawa. Parang nang-iinsulto pa. Siya na ang may mahabang binti. "Hindi ko pa lang talaga nararamdaman 'yang great love na sinasabi n'yo. Iyong pisikal mong nararamdaman ang longing mo sa kan'ya; bawat segundo gusto mo nakikita mo siya, kapag nandyan naman siya, parang pinipiga ang puso mo sa kung anu-anong letseng emosyon; walang ibang mahalaga kung hindi ang kasiyahan niya." Ngumiti siya—malungkot na ngiti habang nakatungo. May naaalala siya, si Wila Carmona. Hindi siya nagsasalita kaya ako na lang ang humirit. "Basta para sa akin, lust over love. Walang sakit, unless mahilig ka sa BDSM." Itinuloy niya ang pagbato sa akin—ng pajamang malamang ilang araw na niyang suot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD