Ilang araw na ang lumipas. Ilang araw na hindi ako gumagamit.
Hindi ko inaasahang magiging mahirap ito. Noong una, sabi ko sa sarili ko, titipirin ko dahil wala pa 'kong balita kina Leslie at Alphonse. Wala rin naman akong kilalang ibang supplier.
Pero makalipas ang isang linggo, muntik ko nang tirahin ang natitira kong coke. Pinaalalahanan ko ang sarili kong hindi ako adik.
Para maalis ang diwa ko sa munting sikreto sa likod ng painting, naisip kong panahon na para sa pagbabago—pagbabago ng kulay ng buhok.
Simple lang ito this time. I went for a platinum color and green highlight sa edges.
Tatawagan ko si Emyrine or Wila but they have too much on their plates right now. Para sa akin, hindi naman totoo na porque best friend or best friends mo, alam na ang lahat ng nangyayari sa 'yo. Ang gusto mo lang ay ang best para sa kanila. Hindi ko sila hihilain sa madilim na mundo ko—especially not Wila.
She is already f****d up as she is.
Para saan pa ang hayop kong pinsan kung hindi niya lang din ako ikukunsinte sa ka-gaga-han ko? Ang kaso nagsumbong.
Hinulma kami ni Alphonse Junior sa iisang balat. We're both gay as f**k. Parehas kami ng recreational activity. Lastly, may kani-kaniya kaming official squad.
Kung si Emyrine at Wila ang sa akin, kabilang naman si Al sa Charlie's Angels.
Alam ko. Cringe-worthy as f**k.
With my brand new leather jacket on, pinasok ko ang Regal Brews.
Ang intense ng bawat sensasyong rumerehistro sa akin. The noise, smell, heat... everything.
Lumapit kaagad ako sa bar area—medyo pinagpapawisan na. Nanghingi ako ng baso ng scotch na mabilis namang naibigay sa akin.
Sa kabilang banda, may isa pang nagse-serve. He's showing off his bartending skills and saccharine sweet smile.
That's the guy, Calix. Iyan iyong lalaking pinagtsitsismisan ng Charlie's Angels noon. Mas bagay yata sa kanila Ang Calix's Devils. Makalaglag-panty raw sa gwapo.
At iyon nga, sa harap ng Calix na 'yon ay dalawang chikas, at tatlong nagfi-feeling chikas.
Pasimple akong tumabi kay Al.
"Kung bakla si Calix, bottom 'yan or top?" pagmumuni pa ng walang hiya.
Tumikhim ako. "Yummy, 'no?" saad ko.
Tiyak akong nakilala ako ni Al. Paano ba naman, he instantly snapped to my direction.
Namumutla siya. Para siyang dagang nakakita ng pusa samantalang siya nga itong mas malaki kaysa sa akin.
"Ay oo, baks! Nawe-wet na 'ko," komento ni Mel. Siya iyong nasa kabilang gilid ni Alphonse.
"Tinitigasan kamo," tugon naman ng isa pa sa gilid ni Mel, si Jaya.
Itong si Alphonse nakatulala pa rin sa kagandahan ko. Tinapik-tapik ko ang balikat niya.
"Calix, tatlong baso pa para sa mga naggagandahan kong kasama," tawag ko.
The two girls watching him giggled. Si Calix ay nagtaas ng kilay, pero sumunod pa rin.
Binigyan niya ang tatlo. Nagsalin siya ng pang-apat at inilapag iyon sa harap ko. "You know what, on the house," halos pabulong niyang hayag.
Tumili si Jaya. Pumutok yata ang non-existent niyang pantog.
Uminom ako. Binalingan ko si Alphonse, may sinasabi siya roon sa dalawa. Uminom din siya bago ako hilahin sa kung saan.
Dinala niya ako sa hallway papuntang comfort room. Seryoso ang mukha niya.
"Baks, I'm sorry," iyak niya.
"I'm sorry? Alam mo mas matatanggap ko pa 'yan kung hindi ka nagtago at hinarap mo 'ko one week ago e," sermon ko. "Pinagbantaan lang naman ni Chiara si Doc Jocel. Alam mo ba kung ga'no kahirap sa 'kin 'yon, Tsong?" Eksaherada kong iminaestro ang mga kamay ko sa harap.
Pero totoo naman. Mabuti nga at hindi pa umabot na mangingialam si Mommy sa Il Trio. Naging sanhi rin ng pagtatalo namin ni Mommy noon ang pag-invest ko sa business nina Emyrine.
Wala akong matinong pamilya kaya naman pinahahalagahan ko ang mga taong hindi ko man kadugo pero itinuturing kong pamilya.
"Come on, Cali-bear. Loyal ako sa 'yo. Sadyang malakas lang hatak ng lokaret mong nanay," dahilan niya. Hindi ko nga alam kung humihingi pa ba siya ng tawad sa lagay na 'yan.
"Wala na 'kong pake, Al." Tumingin ako sa magkabilang gilid ng pasilyo. Walang tao. "Wala na si Leslie. Malamang si Chiara may pakana no'n. May alam ka bang ibang mapagkukunan? Sina Sarge kaya meron?" pasimple kong tanong.
Nilayo niya ang katawan sa akin. Nakakunot ang noo niya. Kung tingnan niya 'ko, parang nanghuhusga. Kulang na lang banatan niya 'ko ng 'Seriously?'
"Ano?" pag-uulit ko.
"Tingnan ko. Tatawagan kita," sagot niya.
"Utang na loob, Alphonse Junior, huwag kang hindi magpaparamdam ha," banta ko.
Kung may hinihiling man akong nakuha ko kay Mommy bukod sa pera niya, iyon ay ang kapasidad niyang manindak. Sana.
"Oo na! Basta mag-ingat ka na! Baka ipa-rehab ka na ni Tita kapag nahuli ka pa niya."
I scoffed. Kalokohan. "Hindi ko kailangan ng rehab. Hindi ako adik."
Ngumiwi siya. "Dear, mas madaling i-claim na hindi ka adik kaysa pangatawanan ito. Tingnan mo nga, you hunted me for another hit."
Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya at nag-taas ng middle finger habang naglalakad palayo.
Whatever, Natalie. Imbes na masaksak kita, uuwi na lang ako at lalasapin ang natitira kong sweet powdered treat.