Hindi ako makapasok sa trabaho. Hindi ko kayang harapin si Doc. Maaalala ko lang ang pagbabanta ni Chiara.
Kahit ano o sinong dumidikit sa akin ay nadudungisan ko. Iyon ang sagot sa tanong ni Emyrine. Sa tingin ko lang talaga ay walang nararapat na pumasok sa magulo kong mundo.
Iyon ang mga palaisipang bumagabag sa akin sa maghapon. Parang suicide, except hindi ako physically namamatay kundi emotionally, at unti-unti.
Habang nakatulala sa kawalan ay para akong tinotorture ng walang hiya kong utak.
It took one hit. One second, nakatulala ako sa kawalan. Ang sunod kong alam ay sinisinghot ko na ang lahat ng cocaine na hawak ko.
Hindi naman ako nagsisisi. Pagkapasok nito sa sistema ko ay bigla akong nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko ang lakas ko, at wala akong ka-proble-problema. Para akong nakalutang sa hangin. Nakaupo sa sofa at nanonood ng telebisyon. Iyon nga lang, ang palabas ay ang buhay ko in real time.
Tanghaling tapat. Hindi naman summer pero grabe ang init dito sa apartment kahit nakasuot na 'ko ng sando at naka-sipit ang buhok ko.
Hindi rin ako makatulog. Hindi ako mapakali.
Pakiramdam ko ay isa akong kuryente na kailangang dumaloy sa lahat ng pupuwedeng daluyan.
Tumakbo ako papunta sa elevator. Aligaga akong nagpapadyak ng paa habang hinihintay itong huminto sa palapag na kinalalagyan ko.
Nakakagat ko ang mga kuko kong may kolorete.
Dumating na ito. Pagpasok ko, may dalawang mag-nobyong naroon. Kinindatan ko ang lalaki. Maganda kasi ang girlfriend niya at mukhang naka-score siya kagabi.
Akala ko maglalandian sila pero halos mabingi na ako dahil sa katahimikan. Pakiramdam ko naririnig ko ang pagtibok ng puso nila.
O baka puso ko iyon.
"Hoy!" Boses iyon ng babae.
Nilinga ko ang mga tao sa likod ko at tumuro sa sarili—nagtatanong.
"Hindi ba obvious na may girlfriend na ang tao at may pakindat-kindat ka pa dyan?!" singhal nito.
Umirap ako. Mas lalo pa yata siyang nanggalaiti kaya sumagot na ako. "Hindi rin ba obvious na tomboy ako? At excuse me, Miss; kahit pa straight ako, sa hitsurang 'yan ng boyfriend mo hindi ko 'yan papatulan! Mukhang isda! Pwe!"
Mukhang babanat si babae, o si lalaki? Basta, parehas silang mukhang beastmode.
Mabuti na lang at tumunog ang elevator at bumukas ang pinto. Kumaripas ako ng takbo habang natatawa sa nangyari.
Nang makababa sa gusali ay pumunta ako kaagad sa parking lot. Para akong mabubulag sa tindi ng sinag ng araw. Kakamadaling sumakay sa sasakyan, nalaglag ko pa ang susi habang binubuksan 'to.
"Pucha."
Pinulot ko ito, saka tumayo. Nauntog naman ako sa side mirror. "Tang—"
Nahihilo ako. Saglit akong pumikit. Pinapakalma ang sarili.
Tumingala ako at nagmulat ng mata.
Ang ganda ng langit. Ang sakit sa mata pero kapag tiniis mo, makikita mo ang mga imaheng binubuo ng mga ulap, at ang mensaheng pinaparating nila.
Nakapagdesisyon na 'ko.
Maagap akong pumasok sa sasakyan. Uuwi ako.
Ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko? Oo, masaya naman akong nag-aalaga ng mga hayop pero hindi ako 'yon.
I am more than that.
Hindi porque si Chiara ang nagturo sa 'king mag-pinta, tatalikuran ko na 'to. Hindi ako papayag na lahat ng magandang alaalang mayroon ako ay sirain niya.
Binilisan ko ang pagpapaandar ng sasakyan. Dapat akong magmadali. Ayaw ko namang abutan siya sa bahay.
Dilaw na ang signal sa traffic light. Pakiramdam ko malalampasan ko naman ang interseksyon bago maging pula. Mas lalo ko pang binilisan.
May kung anong enerhiya ang dumaluyong sa mga ugat ko.
Biglang huminto ang sasakyan sa harap ko. Napatigil ako sa paghinga. Kaagad kong tinapakan ang preno pero hindi umabot.
Nabunggo ko ang likod nito. Binabayo ng kabayo ang dibdib ko. Puki ng ina talaga.
Hinagilap ko ang wallet ko. May pera pa naman ako kahit papaano. Bumaba ako.
Doon ko napagtanto kung sino ang nasa harap ko—pulang Aston Martin.
Bumaba si Payne. Biglang nag-slow motion ang Earth.
Nakakunot ang noo niya pero ang hirap hindi pansinin kung gaano siya kaganda.
Naputol lang ang iniisip ko nang magsimulang magsi-busina ang mga nasa likod.
Lumapit si Payne sa akin. "What the fuck." Ang sarap pakinggan maski mura niya. Letseng boses 'yan, nakalalasing.
"Ano... magbabayad ako. Sorry."
Hindi ko alam kung nakikilala niya 'ko pero kung hindi man, ang saklap naman no'n. Walang nakakakalimot sa 'kin lalo na kapag nakasama na nila 'ko sa kwarto.
Busina na naman.
Bumuntong hininga siya. "Sunod ka sa 'kin sa Megamall." Tumalikod siya at sumakay. Pinaandar niya ang sobrang sexy'ng sasakyan at umalis na.
Ano raw? Mall? Inaaya ako mag-date?
Paspas akong sumunod. Grabe 'yon. Hindi ko pa nga pinopormahan, bumigay na kaagad. Gano'n na ba 'ko kaganda o gano'n na siya katigang?
Sinundan ko ang sasakyan niya sa parking area. Pumarada ako sa tabi niya. Naghanda ako ng limang libo, para very professional ang peg ko.
Paglabas ko, inabot ko sa kan'ya. Binilang niya. She chuckled and returned it to me.
Teka, anong nakakatawa? Loko 'to a.
"25,000. Mukha bang cheap 'tong auto ko?" sabi niya.
Lumuwa yata mata ko sa gulat. Aba pucha, kurakot 'to a!
"Teka, miss, gasgas lang 'yan. Wala pa nga yatang limang libo 'yan e." Pumameywang ako sa imbyerna. "At sa totoo lang ha? Sino bang siraulo ang magmamaneho ng ganyan sa kalsada ng Pilipinas? Ikaw 'tong naghahanap ng disgrasya e."
Nakangisi lang siya the whole time. Hindi ko alam pero parang minamaliit niya 'ko sa hitsura niyang 'yan.
"Take it or leave it. Gano'n kasimple. Magbabayad ka o aabot 'to sa korte," banta pa niya. Humalukipkip siya tapos sumandal sa sasakyan niya.
Ang yabang! Binabawi ko na. Maganda nga pero maldita naman!
Marahas kong tinupi ang pera ko at binalik sa pitaka. "Fine. Tingnan natin kung sinong matinong judge ang kakampi sa 'yo."
"Trust me, they will," balik niya. "Having a nice car screams how good of a lawyer I am. Although I'm not usually on the prosecution side."
Huminga ako nang malalim. Nakakapikon talaga ang kayabangan ng babaeng 'to! Binuksan ko ang pinto ng minivan. "Nye nye. Isipin mo ang gusto mong isipin. Hindi mo 'ko mahuhuthutan."
Sa isang iglap, isang pulgada na lang ang layo namin. Humampas ang likod ko sa sasakyan, and she's f*****g gripping my jaw, while looking down on me.
"Look at yourself. Your pupils are dilated. You're abnormally warm. And I don't know if it's just my effect on you but your heart is beating erratically. You're f*****g high again. Now tell me again how you won't pay me 25k."
Kinilabutan ako. Tama, kagaya ko nga pala siya. Pero at the same time, hindi ko siya kagaya. May something sa kaniya.
Her whole demeanor demands worship.
Bumitiw siya sa pagkakahawak sa mukha ko at nilayo ang sarili. Siya naman ang naglabas ng pitaka.
Hindi pa rin ako makahuma mula sa nangyari. Para akong natauhan... nagising.
"Here," aniya. May ngisi sa labi niya.
Ibinigay niya sa akin ang kaniyang ATM card.
Ieshia Velarde. Iyon ang nakalagay na pangalan.
"I-ye-shi... I-sha Be-lar-de?" sinubok kong basahin.
Umirap siya.
"Tingnan mo ang account number. Tandaan mo. I-deposit mo na lang dyan." Hinablot niya ang card mula sa akin. "And it's I-ye-sha Ve-lard."
Iyon ang huli niyang sinabi bago muling sumakay sa pulang sasakyan at iwan akong hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.