Ieshia Velarde—or whatever her name is—is a bully.
At hindi ako umaatras sa bullies. Dahil sa kung sino ako, sexuality ko, status ko, marami na 'kong karanasan sa ganyan.
Hindi ang abo-gagong 'yon ang magpapatumba sa 'kin.
Pagdating ng susunod na NA meeting, umatin ako. Ang laki ng ngiti ni Marc. Akala niya yata uubra sa lahat ang charm niya. Nakalimutan ko yatang sabihin sa kaniya na babae rin ang pinagnanasaan ko.
Para naman akong pinapako ng tingin ni Payne... ni Ieshia. Mabigat ang intensidad sa likod ng kulay tsokolate niyang mga mata.
I took a seat across from her. She did not budge.
Malamlam ang ilaw sa ibabaw namin. Pakiramdam ko nasa casino kami, nasa gitna ng isang laro. Kaso masyadong tahimik.
"Shall we offer a short prayer?" panimula ni Marc.
A short but stout man stood from his seat. Tumabi ito kay Marc. Kung tama ang alaala ko, si Martin ito.
Si Martin ang nag-lead ng prayer. Personally, hindi ako naniniwala sa ganyan. Lumaki ako nang namumuhay nang praktikal. Sambahin at mabuhay para sa nandyan lamang.
Pagkatapos ng dasal, nagsiupuan na ulit. Kami-kami lang ulit ang nasa shop. Nire-rent kaya nila ang buong lugar tuwing may meeting?
"Hindi ako nakapag-prepare last week. Hindi ko alam na darating si Caliber," hayag ni Marc. Naglabas siya ng papel. Inabot niya ito sa akin. "A secret weapon to assist you in your demons."
Simple lang naman ang nakasulat. Mga paalala sa sarili laban sa adiksyon.
Just for Today
Tell yourself:
JUST FOR TODAY my thoughts will be on my recovery, living and enjoying life without the use of drugs.
JUST FOR TODAY I will have faith in someone on NA who believes in me and wants to help me in my recovery.
JUST FOR TODAY I will have a program. I will try to follow it to the best of my ability.
JUST FOR TODAY, through NA, I will try to get a better perspective on my life.
JUST FOR TODAY I will be unafraid. My thoughts will be on my new associations, people who are not using and who have found a new way of life. So long as I follow that way, I have nothing to fear.
Wiw. I forced a smile at him kahit hashtag-cringy. Pakiramdam ko fragile ang lalaking 'to. Ayaw ko naman basagin ang trip niya sa buhay.
May tinaas siyang chip na color red. May naka-engrave roon na tatsulok. Sa gitna ay may numerong 1. Sa bandang taas naman nakasulat ang TO THINE OWN SELF BE TRUE.
Inabot niya iyon kay Martin. "I'm proud of you." Parang maluha-luha ang huli, yumakap siya kay Marc.
"Ang tawag dito ay sobriety coin. From the name itself, it signifies a win. A win against our fight against addiction. A win in a fight that never ends."
Habang nag-ii-speech si Marc, tumatango-tango ang mga nakikinig. If I'm taking this seriously, which I'm not, malamang makabagbag damdamin din ito para sa akin.
"Bawat kulay ng chip, may meaning. Blue for 24 hours, red for 1 and 5 months, emerald for three, so on and so forth."
Sa halip, nakatitig ako kay Ieshia. Siya lang naman talaga ang ipinunta ko ngayon.
Siguro'y naramdaman niya ang pagtuon ko ng atensyon sa kaniya dahil bumaling siya sa akin. Ngumisi siya. Letseng demonyita 'to. Hinahamon yata ako.
As usual, boring ulit ang meeting. Marc proceeded to explaining the basic rules of this program. Anonymity, respect and s**t like that.
"For our new friends, mag-rerevisit tayo sa steps to recovery. Ang unang hakbang, na para sa akin ay ang pinakamahirap... Ang unang hakbang, kagaya sa lahat ng problema... ay acceptance. Admitting powerlessness over our addiction.
As cliché as it sounds, yes. Ang pinakamatinding kalaban natin ay ang sarili natin. There's no going forward if we can't acknowledge there's a barrier."
Tiningnan niya kami isa-isa. Hindi nangingilatis, kung hindi nangungusap. Soul to soul. Heart to heart.
Naramdaman ko ang mga balahibo kong nagsisitayuan.
"Adik ako," biglang sabi ni Bullet.
Sinundan siya ni Martin. "Adik ako." Hindi naglaon ay sinabi na rin iyon ng iba pa sa grupo.
Until it was down to Ieshia and me. Ewan ko ba pero inaabangan kong mag-crack siya, na mauna siyang bumigay. Nakatingin sa amin ang iba. Nag-eexpect sila na may sasabihin kami.
Even Marc was awfully silent.
Bumuntong hininga si Ieshia. "Let the new girl off the hook, Marc. She's not ready."
Wait, did she just save my ass?
Nanlaki naman ang mga mata ni Marc. Itinaas niya ang kamay at nagbilang sa daliri. "11 words! Wow. Ngayon ka lang nagsalita nang gano'n kahaba," bulalas nito. Ay. 'Yon lang pala, oa nito. "You must be special," aniya sa akin.
"Well, hindi ko itatanggi 'yan."
Nagtaas ng kilay si Ieshia samantalang natawa si Marc.
Mula roon ay nagpatuloy siya sa susunod na eleven steps, which all sounded bullshit to me, to be honest.
Hindi umalis si Ieshia nang matapos ang meeting. She stayed for a cup of coffee and donuts. Kausap niya si Bullet.
Iniisip ko kung lalapit ako. Hindi ko alam kung anong ine-expect ko. Akala ko magkakaroon kami ng mega catfight kapag nagkita kami ulit pero wala pala.
Bahala na.
"Alam n'yo ba na may journal si Kelly E. Green at Brian A. Feinstein na nagsasabing mas prone to substance abuse ang LGB-community?" singit ko. "So sino sa tingin n'yo sa 'ting tatlo ang hindi straight?"
Natawa si Bullet. Akala niya siguro nagbibiro ako. Ieshia does not look as amused as she does. Nanunukat ang tingin nito.
"I like the hair," komento ni Bullet. "Millen." Inilahad niya ang kamay sa akin para makipag-handshake. Wait, first name basis na?
Inakbayan ko siya at pumagitna sa kanila ni Ieshia. Aakbayan ko rin si Ms. Lawyer kung hindi lang siya matangkad e.
"Wala bang brownies dito?" tanong ko habang sumisilip sa lamesa. "By the way, ikaw 'yung fourteen years nang walang tama, 'no?"
Tumango siya, mukhang proud sa sarili. "Mahirap pero kinakaya."
"Wow, lodi. Magkano na barya mo?"
Feeling ko bentang-benta ang mga waley kong jokes kasi ngiti nang ngiti itong si Millen. Mukha lang siyang intimidating dahil sa emo get-up pero mabait naman pala.
"Kayong dalawa ang dapat magkwento. Itong si Payne, isang buwan na ring dumadalo pero hindi naman nagsasalita palagi," sabi ni Millen.
Inalis ko ang braso kay Millen at humarap kay Ieshia. "Ikaw, anong ginagamit mo?"
Okay na rin 'to. Baka makakilala ng bagong supplier dahil wala pa ring balita kay Alphonse.
Tinapunan niya 'ko ng masamang tingin.
"O sabi ni Marc i-admit daw," hirit ko nang nakataas ang mga kamay.
Ngumiti siya. Isang misteryosong ngiti. "Pain," maikli niyang tugon.
Pinagloloko ba 'ko nito? Ako na nga itong nagiging polite e.
"Cocaine ka rin? Sumasakit batok at dibdib ko do'n e."
Bago pa siya makasagot, nagsalita si Millen. "Guys, alis na 'ko. May work pa e." Nag-beso siya sa amin ni Ieshia. "Ingat!"
"Sila mag-ingat sa 'kin," pahabol ko habang palabas siya sa pinto.
"I don't expect you to understand, Callie." That damn eargasmic voice.
Nakaka-tense hindi lang dahil sa ganda nito, kundi sa sinabi niya mismo. Kilala niya 'ko. Tinawag niya 'ko sa mismong pangalan ko.
"Don't act so surprised, luv. I know your plate number. I had my friends run it." Umirap ako. Handa na 'kong balikan siya ng pabalang na sagot pero sumundot uli siya. "Don't think I've forgotten your debt, Callie."
Aba nag-enjoy yata siya masyado sa pangalan ko. Pero in fairness, ang sarap pakinggan.
"Sige na, Ms. Fancy Pants. Ikaw na ang magaling."
Tinalikuran ko siya. Aalis na lang ako bago pa 'ko mapahamak sa isang 'to.
Ang kaso sumunod.
"Nahiya naman kasi ang monthly salary ko sa 25,000 na hinihingi mo."
"Come on. Kasasabi ko lang na kilala kita. You're Chiara Vee Angeles' only child. Don't give me that crap."
Nakarating kami sa minivan. Nando'n pa rin ang dents mula sa pagkakabunggo ko sa kaniya.
"Sorry pero 'di ko talaga afford." Nanindigan ako. Tutal pumunta naman talaga ako para i-realtalk siya. "Kung gusto mo benta ko na lang katawan ko sa 'yo. Mapapasaya kita to the point na baka ikaw pa magkautang sa 'kin."
Bahagya siyang ngumiti. Hindi ito mahahalata kung hindi siya tititigan. Hindi naman mahirap gawin 'yon sa ganda ba naman niyang 'yan.
"Oh, trust me, luv. Hindi mo 'ko kakayanin."
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Putik, ba't parang ako ang nahihiya sa sinasabi niya?!
Pabagsak kong sinara ang pinto pagkasakay ko. She leaned into the window. Ang bango niya. Parang jasmine.
At alam ko lang ito dahil kabisado ko na yata ang iba't ibang bulaklak kabibili para sa mga chikas.
"When should I expect your payment?" tanong niya in that oh-so-hot voice.
Tutal sumasakay na rin naman siya, might as well sabayan ko na 'to.
"Bigay mo address mo at ide-deliver ko sa 'yo personally."