"TOTOO ba 'to? Babalik ka na sa pagpinta?"
Kasama ko ngayon si Emyrine sa mall. Mamimili ako ng canvas at paint materials.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko kahapon para bumalik sa bahay. Buti hindi ko itinuloy.
"Kailangan ko rin ng distraction e," pag-amin ko. Hindi ko na lang dinagdag na ang hinahanapan ko ng distraction ay ang problema ko sa supplier.
Worst case scenario, kakapit na ko sa deep web.
"Ikaw na lang lagi naglu-look out sa amin ni Wila. Kumusta na? How's work? Tita Chiara?"
Isa pa 'yon. Hindi pa ulit ako pumapasok hanggang ngayon. Kinokonsidera ko na rin na mag-resign.
Importante si Doc sa akin, pero kahinaan din siya. Kahinaang alam ni Chiara. Kahinaang gagamitin niya sa akin sa tuwing gusto niya akong pasunurin.
Pero syempre ay hindi ko aaminin kay Em 'yon.
"Ayos lang. Baka mag-resign na 'ko. Boring e."
May nakita akong Rembrandt Red Sable Gussow Series 240 No. 4. Nilagay ko sa cart. Pumunta kami sa cashier para magbayad.
"E 'di okay. Para mas may time ka sa passion mo."
Hindi ko na napansin si Emyrine. Naging busy na 'ko sa pagkuha ng number ng kahera. Cute e. Mukhang mahinhin.
"Okay naman cash flow? Kung gusto mo, ako magpapa-buena mano sa 'yo. Para naman magkabuhay sa bahay," sabi ni Em paglabas namin ng Deovir.
"Pet project lang 'to, Em. Huwag mo 'kong isipin," dahilan ko. "May balita ka kay Wila?"
Ngayong siya na ang pinag-uusapan, tila naubos ang enerhiya niya.
"Tumawag siya. Nangangamusta," sagot niya. Kita ko ang lungkot sa mata niya.
"Narinig ko lang somewhere. Moving on starts with acceptance raw. Pa'no ka makaka-move on n'yan e ikaw mismo hindi tanggap ang ginawa mo? Makikipag-break ka tapos umaasa ka na may chance pa kayo. Parang tanga lang, 'di ba?"
Natawa siya roon. Pero nandoon pa rin ang lungkot sa tinig niya. "Alam mo, ikaw 'yong kaibigan na bigay nang bigay ng advice pero wala namang lovelife."
"Hindi ko kailangan ng lovelife kung active naman ang s*x life ko. Kita mo, may date na 'ko kaagad mamaya." Kinindatan ko pa siya.
Siniko niya 'ko sa tagiliran habang natatawa. Hindi naman ako makaganti kasi ang dami kong bitbit.
"Siya nga pala, kaya binigay sa 'kin 'yong number kasi ilalakad daw kita sa friend niya. Mamaya may magte-text sa 'yo na Johnson, hintayin mo na lang."
Nanlaki ang mata ni Emyrine. "CALLIE!"
HINDI talaga basta project lang ang balak kong gawin.
Unang kita ko pa lang kay Ieshia, nagkaroon na 'ko ng pagnanasa na ipinta siya. Nahirapan din akong paniwalaan 'yon. After all, ilang taon na rin mula noong huli ko itong ginawa.
Gumawa ako ng oil painting niya. Her body was floating in the sea. 324 square inches.
Mahirap dahil medyo malaki at dahil kulang na rin ako sa practice.
But it was what kept me busy the past two weeks. It kept my mind occupied.
Halos makalimutan ko na ang assignment na ibinigay ko kay Alphonse hanggang sa finally, natapos ko rin.
Doon na lumabas ang mga sintomas. Feeling ko pagod ako palagi kahit hindi na 'ko pumapasok. Parang lagi rin akong gutom.
Kung anu-anong masasama ang pumapasok sa isip ko na ayaw ko lang i-entertain kahit may point naman. Madali lang naman talagang maatim ang ultimate freedom. Wala rin namang manghihinayang.
Napatingin ako sa painting. Mabuti pa't i-deliver ko na 'to.
Hindi ako nahirapang matukoy kung saan nakatira si Ieshia nang puntahan ko ang address nito. Ms. Fancy Pants likes living fancy. Makita ko pa lang ang Discovery Primea, sigurado na 'kong dito matatagpuan ang abogadong 'yon.
Pagpasok ko, halos masilaw ako. Ang linis ng lugar, at kintab ng sahig.
Tanghaling tapat pero lahat ng ilaw—maging ang chandelier—ay bukas.
Nakangiti ang receptionist nang lapitan ko. Inabot ko lang ang i.d. ko sa kaniya at tinuro na niya kung saang room si Ieshia.
Nasa 15th floor daw siya. Hinanap ko ang room niya at pinindot ang buzzer.
Mga ilang segundo na ang lumipas pero walang sagot. Letse 'to, ang bigat nitong dala ko e.
Pinindot ko ulit tapos kumatok nang dalawang beses. "Iesh—"
Biglang bumukas ang pinto. Bumungad doon si Ieshia, suot ang isang bathrobe.
Magulo ang buhok niya. Most importantly, she was shocked as hell. I was inclined to think this was a different girl from the usually composed lawyer I met weeks ago.
"Callie?"
"I uh..." Maging ako tuloy nagulat. May ginagawa pa yata 'tong himala a. Tumikhim ako. "Magbabayad na 'ko."
Nilampasan ko siya at dumiretso ng pasok sa unit niya. Perks ng pagiging maliit.
"Hoy teka!" Panic was written all over her voice. May tinatago ba 'to?
Pero wala akong pake, makaganti man lang.
Kaso ako ang nagulat pagpasok ko.
Nagkatitigan kami ni Millen, na walang saplot sa katawan bukod sa isang kumot, habang nasa ibabaw ng kama, kamang malamang ay pinagsaluhan nila ni Ieshia.
The f**k?
Narinig ko ang mabilis na yapak sa likod ko. Hindi naglaon ay nasa tabi ko na si Ieshia at nakahalukipkip.
"Huli ka na sa party, luv."