Kabanata IX

892 Words
Hindi naman ako nagulat na parehas palang lesbiana itong sina Ieshia at Millen. Bata pa lang kami ni Emyrine, straight na siya. Nang makilala niya ang bisexual friend ko na si Wila, well, straight pa rin siya. Sadyang na-head over heels in love lang kay Wila. Saka wala namang rule sa mundo na hindi pwedeng magkagusto sa kapwa babae ang kasing ganda ni Ieshia. Duh! Kaya lakas maka-engot ng mga taong nasasayangan sa taong physically attractive na sexually attracted sa same s*x. Hindi ko lang ine-expect na sila pa ang magci-click. Medyo na-offend ako a. Pagdating ko, nagpaalam din si Millen. Nahiya siguro. "You really are trouble, you know? You damaged my car, and now, you ruined my sexy time. I ought to punish you." Nakatayo siya sa harap ko't nakahalukipkip. Nagbihis na siya ng simpleng short at tee, pero bakit feeling ko artista pa rin itong kasama ko? Ako naman ay nakaupo sa leather sofa niya. Para akong kriminal na ini-interrogate niya. "Ang rude mo, alam mo 'yon? Hindi mo man lang ba 'ko aalukin ng kape o juice man lang? May regalo pa naman ako sa 'yo." "You're not exactly welcome here." Kumunot ang noo niya. Her eyes darted to the canvas covered with plastic sheet by my knees. "Ano 'yan?" tango niya sa painting. Tiyak akong nakabungisngis ako habang tinatanggal ang balot ng painting. Excited ako na ipakita ito sa kaniya, mainly because proud ako sa kinalabasan nito. Inangat ko ito sa eye level niya. Seryoso pa rin ang mukha niya. Kinakabahan ako sa reaksyon niyang 'yan. Hindi naman sa nagpapa-deep pero may kakaibang koneksyon talaga sa pagitan ng artist at obra niya. Sa tuwing pumipinta ako, ibinubuhos ko ang sarili ko sa gawa ko—nag-iiwan ako roon ng piraso ng pagkatao ko. Kaya nga nawarak ako nang hindi man lang tinanggap ni Chiara ang regalo ko. "You made this?" tanong niya, her tone still veiled with mystery. Ibinaba niya ang salamin na katapat ng kama. Ipinalit niya roon ang regalo ko. Para naman akong shunga na hindi mapigilang ngumiti. "Sabi ko nga sa 'yo, wala akong pambayad." Bahagyang nanlaki ang mata niya. There was a genuine surprise in her face. Tapos ngumiti siya. Hindi iyong kadalasan niyang ginagawa. This time, mukhang na-appreciate naman niya ang ginawa ko. Ang kaso nagsalita. "s**t. Pinagti-trip-an lang naman kita." Nakahawak siya sa sentido—umiiling, tumatawa. Pakiramdam ko may bulkang gustong sumabog sa loob ko. Nagpanting ang tainga ko. Kung ano mang negatibong nararamdaman ko ay kaagad nawala nang dampian niya ako ng halik sa pisngi. Ang lambot ng labi niya, ang init niya... "For what it's worth, I love it," bulong niya sa bandang tainga ko. Naramdaman ko ang mga pesteng paru-paro na naglilipana sa tiyan ko. Ayaw akong tantanan, na maging ang puso ko ay nagwawala sa dibdib ko. "'Nyeta, kung 'di ka lang talaga maganda." Tumawa pa siya lalo. Sa inis, nag-walk out na lang ako. Nilibot ko ang crib niya. In fairness, yamings talaga. "First time kong makatanggap ng ganito," pagbahagi niya. Binuksan ko ang ref at kumuha ng alak. Naghanap ako ng baso sa cupboard. "Exclusive kayo ni Millen?" Sa paghahanap, bumungad sa akin ang isang puting bote. Pamilyar ito sa akin. Dahil napukaw na nito ang atensyon ko, kinuha ko ito at binasa. 10 mg METHADONE Hydrochloride Tablets USP Bumilis ang t***k ng puso ko. Ito na ang sagot sa pangangailangan ko, or at least, pansamantala lang. Of course. Saan pa ba 'ko hahanap ng supplies kung hindi sa mga adik din? Isang opioid ang methadone. Ginagamit ito bilang painkiller or para sa mga recovering addicts. Walang high pero balita ko parang heroin din daw siya. Nakasubok na rin ako no'n. Kaso hindi worth it para sa akin ang pagtusok ng karayom sa sarili ko. "Bakit, sisingit ka?" Halos mapatalon ako sa gulat sa boses niya. Mabilis kong siniksik sa likod ng pantalon ko ang gamot. "Pwede ba?" Alanganin akong tumawa nang humarap ako sa kaniya. Nakasandal si Ieshia sa entrada ng kusina habang naka-krus ang mga braso. Naroon na naman ang intense na paraan niya ng pagtitig. "Hindi kami exclusive. Pero hindi kaya ng sched ko na pagsabayin kayong dalawa kaya no thanks na lang." Gusto kong matawa dahil sa kayabangan ng isang 'to. Pero may ginawa akong masama kaya hindi ko magawa. "E 'di 'wag. Aagawin ko na lang siya sa 'yo," biro ko. Nagmamadali akong pumunta sa pinto para makatakas na. Kaunting hakbang na lang— Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Napaikot ako... Magkalapat ang mga katawan namin. Nasa likuran ko naman ang isa niyang kamay. The smell of jasmine assaulted every inch of my senses, and yet I couldn't bring myself to breathe. Malamig. Mainit. Walang angkop na salita para gamitin sa paraan kung paano ako binabaliw ni Ieshia Velarde. Ang haba ng pilik-mata niya. Ang sarap tingnan ng tsokolateng kulay ng mata niya. "Convince me, Callie. Convince me why I should drop Millen for you," she breathed. Bahagyang umawang ang bibig ko. Gusto ko siyang halikan. Ang lapit namin sa isa't isa. Titingkayad lang ako nang unti at matitikman ko na ang mapupula niyang labi. Hanggang sa maalala ko kung bakit ako tumatakas in the first place. Mabuti na lang at maliit ako. Unting baba na lang ng kamay niya sa likod ko, mararamdaman niya na 'yong methadone na ninakaw ko. Tinulak ko siya palayo sa akin. Mahirap, hindi dahil pinigilan niya 'ko. Mahirap kasi ayaw ko rin talagang lumayo. Pinilit kong ngumisi, iyong parati niyang ginawa. "Hindi ko gagawin 'yan, Ieshia. Hindi ako magmamakaawa sa kahit sinong babae. Hindi na rin kailangan. In the first place, hindi mo sasabihin sa 'kin 'yan kung hindi ka interesado na." Hindi na siya nakakibo nang umalis ako sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD