Kabanata X

1250 Words
DAHIL sa Ieshia na iyan, hindi ako mapakali maski pag-uwi ko. I've been with beautiful women before. May standards naman ako, ano. But I don't think any one of them can compare to Ieshia. Still, may pangangailangan akong kailangang mapunan. Tinawagan ko si Nadine habang nagmamaneho pabalik sa apartment. Hindi ko alam kung may shift siya sa Deovir ngayon pero susubukan ko na rin. Tumunog ang phone. Nag-iwan na naman ng mensahe si Doc Jocel. Nakaka-tempt sagutin, lalo na't wala na 'kong pera. Muling tumunog ang phone ko. Sumagot si Nadine, magkikita kami mamaya. I guess pwede naman akong magpakupkop muna sa kaniya. I popped two tablets of methadone. Napahinga ako nang malalim. Gumaan na kaagad ang pakiramdam ko. I have Ieshia to thank for this. Kinagabihan, nanood kami ng sine ni Nadine. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ang hyper ko masyado. Tawa ako nang tawa sa palabas kahit romance naman ito. Nasisigawan tuloy ako ng ibang nanonood. Finally, naisip kong pagdiskitahan ang kasama ko. Doon din naman ito uuwi e. Pinatong ko ang kamay ko sa legs niya. Mabilis nag-react ang katawan niya at nanigas siya kahit nakasuot naman siya ng pants "Callie!" sermon niya. Hindi rin naman siya nakatiis at hinila ako sa nearest comfort room. Pagkapasok na pagkapasok ng cubicle, kaagad nagtama ang aming mga labi. Her fingers tangled in my wavy hair as I mash her sweet lips with mine. Nag-explore ang mapaglaro kong nga kamay sa katawan niya. From the curve of her waist to the hills in her gifted chest. Hindi ako mahilig sa mga babaeng may malaking boobs, but I know how to appreciate. She moaned loudly, na para bang wala kami sa pampublikong lugar. Hindi ko nga alam kung may mga nakakarinig ba sa amin. Pero hindi iyon mahalaga. Not when we're dying to taste each other. I sucked the part where Nadine's shoulder and neck meet. She drew air through gritted teeth. Hindi naglaon ay gumapang ang kamay ko sa loob ng kaniyang pantalon. Through her panty, naramdaman ko... basang-basa siya. Bumaon ang mahaba niyang kuko sa balikat ko. "C-callie..." Napangiti ako. Hindi naman ako masamang tao. Hindi ko na siya pahihirapan. Hinalikan ko siya sa labi. "As you wish." Kasabay ng pagpasok ng aking daliri ay ang impit na umyak ni Nadine. SA mga sumunod na araw, nagbahay-bahayan kami ni Nadine. Pansamantala akong nanuluyan sa bahay niya kasama ang alaga niyang tuta na si Wozart. Pakiramdam ko nga may galit siya sa akin kasi ang sama kung makatingin. Sabi naman ni Nadine ay threatened lang si Wozart kasi may bago siyang puppy. Kinain ko ang p***y niya dahil sa sinabi niya. Okay na rin ang ganitong set up para sa akin. Libre na nga ang pagkain, mas malinis pa rito kumpara sa apartment. Ayaw ni Nadine sa maruming kapaligiran. Wala akong problema. The best part, sa tuwing nasa trabaho siya, may oras ako para ubusin ang ninenok kong methadone. I don't think life could get any better than this. Nasa salas kami habang mina-marathon ang Scream Queens. Idol na idol kasi niya si Emma Roberts. Ako naman nanonood lang dahil nakakatawa. Nakaupo siya sa sofa. Naka-indian seat naman ako sa carpet, sa pagitan ng legs niya. Si Wozart natutulog sa bandang pinto. Nilalaro ni Nadine ang buhok ko. Napasandal ako sa tuhod niya. Parang inaantok na rin tuloy ako. "Callie," tawag niya. "Hmm..." nababagot kong responde. "Magkwento ka naman tungkol sa 'yo. Ang tagal na natin pero wala pa 'ko masyadong alam sa 'yo." Wow. May 'natin' na? Pero minabuti kong hindi iyon pansinin. "Three weeks, Nads. Three weeks na 'kong squatter dito sa bahay mo." Pabiro niya 'kong binatukan habang marahang natatawa. Lumipat ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. "Hindi mo naman kailangang malaman ang background ko. Ang mahalaga ay kung sino ako ngayon, kung ga'no ako ka-cool, talino, cute—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang pisilin niya ang pisngi ko. "Aray, aray, aray!" "Cute kamo e," nanunuya niyang sabi. Hinaplos-haplos ko ang malamang namumula kong pisngi habang naka-pout. Hindi naman siya nakatiis at hinalikan ako. Tinulak niya ako kaya napasandal ako sa armrest. Akala ko may mangyayari na namang milagro ngayong gabi pero humiga lang pala siya sa ibabaw ko. Nakatapag ang tainga niya sa puso ko. "Kaya nga hindi mo 'ko matiis e," pang-aasar ko. "Naalala mo no'ng textmate pa lang tayo? Sabi mo no'ng una mo 'kong nakita, gigil ka na sa 'kin. Gusto mong pisilin ang pisngi ko." "Gaga, akala ko kasi nagse-sexting tayo no'n." "Tang inang sexting 'yan, ang inosente a?" Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napatahimik na ako. Ganito lang kami nang ilang minuto. Nanonood lang habang kapiling ang isa't isa. Parang naiintindihan ko na si Emyrine. Iyong sarap ng feeling na alam mong may katuwang ka. Kahit ganito lang, simple lang, maa-appreciate mo pa rin. Masaya pa rin kayo. Kaya pala may mga taong hindi kaya na walang karelasyon. Pakiramdam nila mas kumpleto sila kapag may sandigan sila. Biglang nagsalita si Nadine. "Best friend mo si Emyrine, 'di ba?" Huminga ako nang malalim. Mukhang interesado talaga siya sa buhay ko a. "Yup. Mahiyain kasi ako nung elementary. Naawa siguro sa 'kin kaya isang araw sinabayan ako mag-recess." "Pft—" Parang nagpipigil siya ng tawa. "O ano na naman?" "Ikaw, mahiyain? Hindi ko ma-imagine!" Umupo siya. Humalakhak siya nang tuluyan. Inirapan ko naman siya. Nagsisisi na 'kong sinabi ko sa kaniya. Wala pa ring patid ang pagtawa niya. Nahawa tuloy ako. Tama naman kasi siya. Sinong mag-aakala na mahiyain ako noon? Nagpahid ako ng luha sa mata. Grabe naman kasi, ayaw pa niya tumigil. Natatawa rin tuloy ako. "Strikto kasi si Mommy. Hindi ako pinapalabas ng bahay noon. Ayan, lumaki akong takot sa tao," paliwanag ko pa. Niyakap niya ulit ang baywang ko, tapos nilapat ang ulo sa dibdib ko hanggang sa mapahiga ulit kaming dalawa. "Dapat pala tayong magpasalamat kay Emyrine kung gano'n." My breathing slowed. Isang linggo na lang, magdadalawang buwan nang wala si Wila at Emyrine. Hindi ko na siya nakakamusta. "Noong high school, may nakilala akong babae, si Wila Carmona." Hindi ko alam kung bakit bigla kong na-feel na magbahagi sa kaniya. Ganoon na ba ako kakomportable kay Nadine? O baka gusto ko lang maglabas ng saloobin? "Unang kita ko pa lang sa kan'ya, alam ko nang kakaiba siya. Kakaiba siya sa paraang parehas kami. Nakakulong sa impyerno namin. Kinaibigan ko siya. Tapos naging kaibigan na rin niya si Em. May gusto si Wila kay Em. Kaya lahat ginawa niya para maging sila. Nakikita ko ang sarili ko kay Wila kaya hinayaan ko siya. Ang nasa isip ko, kung may hope para sa kan'ya, baka meron ding hope para sa 'kin. At ngayon, durog si Emyrine. "Lahat ng hinahawakan ko nasisira." Hindi ko namalayang nakatingin na sa akin si Nadine. Hindi ko namalayang umiiyak ako. Hinawakan niya ang pisngi ko—pinahid ito. Ngumiti siya nang malungkot. Parang nadurog ang puso ko. "Anong gagawin mo sa hope kung ikaw mismo hindi kikilos?" Hindi ko kaagad naintindihan. Hanggang sa ilabas niya ang isang tableta ng methadone. Nalaglag siguro habang umiinom ako. Nanlumo ako. Tila nagising sa katotohanan. "Hindi ako sigurado kung ano 'to pero..." Hindi na niya naituloy. Parehas kaming in denial. Napansin na rin siguro niya ang kakaiba kong kilos kapag high ako. Tumayo ako. Aalis. Kung saan, bahala na. "Callie, dapat mo nang itigil ang pagwasak sa sarili mo." Alam ko na ang kasunod nito, at hindi ito happy ending. "Hindi gano'n kadali, Nads. I don't expect you to understand." "Hindi kita pwedeng kunsintihin, Callie. Hindi man para sa 'kin, kundi para sa 'yo rin. Alam ba ng pamilya mo 'to? Ng mga kaibigan mo?" Tila may nasindihang kandila sa loob ko nang sabihin niya iyon. "Please naman, Callie. 'Wag naman tayong magpanggap na walang mali," pagsusumamo niya. "Anong gusto mong sabihin ko?" asik ko. "Hindi nila alam, okay? Hindi nila kailangang malaman." Mabilisan akong nagsuot ng pantalon at jacket. "Kailangan ko nang umalis. I'm sorry." Tama ako. Walang happy ending para sa kagaya ko. Hindi na kami pwede ni Nadine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD