"Nag-relapse ang sponsor ko."
There was a collective gasp.
Samu't saring reaksyon ang natanggap ni Blade sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang sponsor o kung sino man iyon kaya wala akong pakialam.
"I've been sober for four months," pagpapatuloy ni Blade. "Inspirasyon ko siya. Ang nasa isip ko, kung kaya niya—dapat kaya ko rin. Madali lang naman, 'di ba? Sabi nga ng mga kamag-anak ko, gustuhin ko lang ay magagawa kong lumayo sa droga."
Bullshit. Hindi nila alam ang sinasabi nila.
Hindi nila alam ang paghilang nagagawa nito, lalo na kung wala kang makapitan.
"Pero hindi niya kinaya, kaya paano na 'ko?" dagdag ni Blade.
"Thanks for sharing."
Lutang akong pumuntang support group.
Sumatutal, pangatlong beses ko pa lang na umatin ngayon. Nakagugulat nga na hindi nagre-react si Chiara.
Hindi nga dapat ako pupunta kung hindi lang naubos ang methadone ko.
Naisip ko, siguro simula na 'to. Baka pwede na. Baka kayanin ko na.
Wala rin naman akong ibang pupuntahan.
Hindi si Emyrine. Hindi niya 'ko pwedeng makitang ganito. Tigang. Tigang sa droga.
Hindi si Nadine, dahil hindi niya matitiis. Alam kong tatanggapin niya ako, at hindi ko matanggap iyon. Dahil alam kong wala naman akong patutunguhan at ayaw kong madamay pa siya sa ka-s**t-an ng buhay ko.
"Ayos ka lang?" Hinawakan ako ni Marc sa balikat.
Dahan-dahan akong tumango. Nagsinungaling ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko.
Nasira na ang sistema ko. Kung dati may schedule ako sa paggamit ng droga, ngayon ay sunud-sunod ko itong inubos.
Withdrawal na yata ito.
"Sigurado ka?" pagkukumpirma ni Marc.
Natuon sa amin ang atensyon ng ibang naroon. Si Blade, Martin, hindi umatin si Millen... si Ieshia.
Alam kong alam na nila kung anong kasalanan ang ginawa ko. Pinagdaanan na rin nila ito.
Bumuntong hininga ako.
"Adik ako."
Ayan, inamin ko na.
I've been holed up in my place for days before coming here. Matagal na panahon para magmuni-muni.
Nagulat si Marc sa bigla kong pag-amin. Seriously, anong nakakagulat e kaya nga ako nandito dahil do'n?
Walang pagbabago sa mukha ni Ieshia. She was simply listening.
Nag-iisip. Pinag-aaralan ang bawat detalye ng sinasabi ko.
"Unang beses kong gumamit noong twenty years old ako. Nakikitira ako sa bahay nina Tito Edgar. Hindi kasi ako pinapansin ng mommy ko dahil sinabi kong lesbian ako.
Gustung-gusto kong maging close ang pinsan kong si Alphonse noon. Wala kasi ako gaanong kaibigan tapos siya lang ang ka-age ko within the place. Kaso lagi niya 'kong sinusungitan.
Anyway, one time, nahuli ko sila ng boyfriend niya. Kinaibigan na niya 'ko, para siguro hindi na 'ko magsumbong sa papa niya.
Siya rin ang nagpakilala sa akin ng weeds. Although hindi naman ako naadik do'n. Ang problema kasi kapag nasimulan na, open ka for more.
Ayun na nga ang problema, m*******a became my gateway drug. Tinuluy-tuloy ko na ang paggamit. Alam n'yo naman kasi, 'di ba? Nakaka-relax talaga siya. Lalo pa at lagi akong stressed dahil sa pressure na binibigay sa 'kin ni 'My. Sabi niya kung hindi ko maaayos ang buhay ko, mas mainam nang maging puppet na lang ako. Ang problema, magkaiba kami ng definition ng maayos. Masyadong mataas ang standards niya. At ngayon, legit addict na ako.
Nagnakaw pa 'ko ng methadone sa kakilala kasi na-cut off ang supplier ko. Ang galing ko, 'no? Imbes na maghanap ng makakain, inuna ko pa 'yon. Sigurado akong wala na rin akong trabahong dadatnan."
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para ibahagi ang kwento ko. Siguro dahil sa katotohanang wala na namang mawawala sa 'kin.
Niyakap ako ni Martin. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata ko.
Binalot din kami ni Marc ng mga braso niya. Letse 'tong mga ito. Ginagawa akong emosyonal.
"Thank you for sharing, Caliber. That was brave of you," bulong ni Marc.
Bumitiw sila ni Martin sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya.
"Siguro kailangan mo rin ng sponsor. Makakatulong sa 'yo ang isang guide sa ganitong panahong naliligaw ka pa."
"Ano ba kasi 'yon?"
"Unlike our small group here, a sponsor will provide you personal support on your recovery," paliwanag ni Marc.
"Hindi ko na kailangan. Kaya ko na siguro ang sarili ko. Nagawa ko na ang first step, 'di ba?"
Bumuntong hininga siya. Halatang hindi siya sang-ayon sa desisyon ko. "Ikaw ang bahala. The road to recovery is different for everyone."
Nanlumo ako nang matapos ang meeting. Hindi ko alam kung saan pupunta.
Nanatili ako saglit para sa meryendang cupcakes. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa mga nangyari. Para akong bumalik sa kahapon habang kinekwento ko sa kanila ang karanasan ko.
With a heavy sigh, I took my phone out. Tinawagan ko si Wila, my alcoholic friend.
"Uy, long time a."
"Oo nga e. Kumusta na?" Nakaka-miss din pala ang babaeng 'to.
Bakit pa kasi kailangan nilang maghiwalay ni Emyrine? Mahirap naman kung parehas ko silang kakausapin dahil malamang magshe-share sila ng mga hinaing sa akin tungkol sa isa't isa.
"Ito, naghahanap pa rin ng trabaho. May alam ka ba?"
"Dalawa. Sa Angelus Financial Corporation or sa Il Trio?"
"Callie!" sermon niya.
I chuckled. Saka ko napansin na papalapit sa direksyon ko si Ieshia.
Biglang nag-alburoto ang puso ko.
"Teka lang, tawagan ulit kita." Mabilis kong binaba ang tawag at isinuksok sa bulsa ng pantalon ang phone.
"Babayaran na lang kita. Pero maghahanap muna ako ng bagong trabaho."
Sinubukan kong lampasan siya pero mabilis niyang nahagip ang braso ko.
Tinulak ko siya at tinulak naman niya ako pabalik—hanggang sa tumama ang pwet ko sa lamesa.
Tumingin sa amin sina Marc sa tunog na nagawa nito, pero mukhang wala siyang pakialam. Tumango ako sa kanila bilang senyal na ayos lang.
"Wala akong panahon para sa bullshit na 'to, Ieshia."
Nakahawak pa rin siya sa balakang ko.
"You should." Inilapit niya ang mukha sa akin. Nakayuko siya dahil sa tangkad niya. Para kaming maghahalikan sa posisyon na 'to. "Ang payat mo na."
Umirap ako sa sinabi niya.
Bwisit. Hindi na nahiya.
Her jasmine scent washed over me.
"Ano bang kailangan mo?" Para akong hinihingal nang sabihin iyon.
Nakakainis kasi. Tila nahihigop niya lahat ng lakas ko kapag lumalapit siya. Idagdag pa na sobrang awkward ng hitsura namin ngayon.
"Ikaw. Gusto kong maging sponsor mo."
Dumoble ang bilis ng puso ko sa sinabi niya. Teka, ano bang mayroon at parang napaka-personal naman ng pagkakasabi niya na tipong nagwawala na itong puso ko?
Tinulak ko siya ulit. Ngayon ay natinag na siya, o baka hinayaan na lang niya ako. Ewan.
Nakangisi siya habang nakatayo sa harap ko.
Peste, pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako nito e. Sa tuwing titingnan ko siya, parang punung-puno siya ng confidence. Tipong bilib na bilib sa sarili.
"Admittedly, we would look good together. Malamang mag-enjoy rin tayo nang dalawa o tatlong gabi. Pero hindi 'yon ang kailangan ko. Toxic ka para sa 'kin," pag-realtalk ko sa kaniya.
Nagtaas siya ng kilay.
Shocks, kahit mataray ang mukha, ang ganda pa rin ng babaitang 'to.
I stood my ground. Sa unang pagkakataon, gusto ko namang gawin ang tama.
Umiling siya at lumapit—tumigil ako sa paghinga. Kakaiba talaga ang epekto niya sa akin.
Nagulat na lang ako na hawak na pala niya ang phone ko. Hinablot ko ito pero mabilis siyang tumagilid.
"Here's my number. Call me when you're ready for my sponsorship."
Sumimangot ako nang humarap siya sa akin. Nakangisi ang gaga... lumapit... at muling ibinalik ang phone sa bulsa ko.
Para akong nakuryente sa bahaging iyon ng binti ko.
"See you soon, Callie." Hinawakan niya pa ang ilong ko bago umalis.