Kanina pa ako nakatitig sa pangalan sa phone ko. Atty. Velarde.
Bakit kaya kahit sa pangalan ay ang sexy pa rin ng taong 'to?
Nakahiga lang ako sa kama. Parang teenager na tila permanenteng nakadikit sa phone niya.
Hindi ko alam ang gagawin.
Naabutan ako ni Alphonse sa apartment na nagsusuka sa lababo. Hinagod niya ang likod ko.
Pagkahilamos ko at nang tingnan ko siya, animo'y nakakita siya ng multo.
Umirap ako at tumingin sa salamin. Namumutla ako at—tama si Ieshia—namamayat.
Humiga ako sa sofa dahil baka mag-collapse na 'ko sa pagkahilo. Pumipintig ang ulo ko sa sakit.
"Buntis ka, 'Te?"
Sarap din saktan ng isang 'to. Kung hindi lang ako mamatay-matay sa sakit ng iba't ibang bahagi ng katawan ko e.
"Oo, ikaw ang ama."
"Yuck!" singhal niya.
Sus. Siya pa ang may ganang mandiri?
Mula sa periperalya ay nakita kong pumunta siya sa kwarto niya. Nag-ayos siguro ng gamit.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Sana lang ay hindi magtagal ang withdrawal na 'to. Hindi ko na kakayanin.
Naramdaman kong lumubog sa bandang paanan ko. Nagdilat ako ng isang mata. Nakaupo roon si Alphonse.
"May good news at bad news ako, Calli-bear."
Minasahe ko ang sentido ko, umaasang maiibsan nito ang sakit.
"Punyemas, sabihin mo na lang."
"May pinakilala sa 'kin si Sarge. May supplier na tayo ng shabu."
Napaupo ako. Dilat ang mata. Buo ang atensyon.
Shabu, o crystal meth... parang cocaine rin 'yon. Hindi ko na kailangang maramdaman ang shitty withdrawal na 'to.
Tinaas ni Al ang pakete ng meth. Puting kristal na maaaring sumalba o wumasak sa akin.
Sa kabilang banda, masama ito. Naaadik na 'ko. Wala na 'kong kontrol sa sarili. Kamakailan lang ay halos laklakin ko na ang methadone na hawak ko.
Inilublob ko ang mukha ko sa mga palad ko.
At ayan na naman, naghilab na naman ang tiyan ko. Gusto kong muling tumakbo sa lababo.
Pero ayan na o. Nasa harap ko na ang lunas.
Nakadikit sa speed ang mga mata ko.
Naiiyak ako.
Naiiyak ako sa sobrang kawalan ko ng kwenta.
Hinablot ko ang phone. Tumawag sa nag-iisang taong maaari kong lapitan.
"Hello?" Narinig ko pa lang ang boses niya, nakakita ako ng liwanag.
"Ieshia, si Callie 'to."
May panandaliang katahimikan. I'm assuming she's contemplating on what to do. Will she rub her victory on me or magpapa-hard to get pa para pahirapan ako?
"What do you want?"
Ah. So it's the latter. Ugh, girls are so bipolar sometimes.
"Ikaw," panggagaya ko sa sinabi niya noon sa akin. "Pumunta ka rito. Now na. Ite-text ko ang address."
'Sino 'yan?' senyas ni Al, na malamang ay nagtataka sa mystery person sa kabilang linya at kung bakit kailangan niyang pumunta rito.
"I distinctly remember you saying I'm toxic, whatever that meant."
Jusko, gusto pa yata nitong magmakaawa ako?! Kaasar!
Ang ibig ko lang naman sabihin ay obviously hindi pa siya totally abstained sa drugs.
"E 'di 'wag. Bahala ka dyan!"
Ibababa ko na ang phone nang umalma siya.
"Wait, Callie." Mukhang nagdalawang isip pa siya dahil hindi pa ulit siya nagsalita. "Send your address." Hindi rin pala ako matitiis e!
Pinaalis ko na si Alphonse dahil alam kong issue na naman. Isang oras at nandito na si Ieshia.
Nakahandusay ako sa sofa, walang-wala nang lakas para kumilos pa. Mabuti na lang at hindi ko ni-lock ang pinto kanina.
Sumigaw lang ako ng 'pasok' kay Ieshia.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. I didn't bother turning because it was such a pain to do so.
Pero unti-unti, nararamdaman ko ang mainit niyang presensya. Nakikita ko sa likod ng isip ko ang mariing pagtitig ng tsokolate niyang mga mata.
Tumabi siya sa akin. Mga ilang segundo ang lumipas nang hawiin niya ang gulo-gulo kong buhok at iipit sa tainga ko.
Halos isang hininga lang ang layo namin sa isa't isa.
Sinalikop ng palad ko ang kamay niya. Parang magic na gumaan ang pakiramdam ko nang dumating siya.
Pero syempre, kailangan niyang sirain ang moment.
"You look like s**t," komento niya.
"Ugh."
Nilapit niya ang mukha niya sa bandang leeg ko. Kung ang init na ng pakiramdam ko kanina, umigting pa ito dahil sa ginawa niya.
"And you smell like s**t," dagdag niya.
Walang lakas na sinuntok ko ang braso niya dahil sa panlalait sa akin. Tumawa siya nang mahina, iyong parang pinipigilan niya.
Tumayo siya, hinawakan niya ang mga kamay ko, kaya naman nakayuko ang matangkad niyang katawan.
"Get up. Let's get you cleaned up."
Awtomatikong umarko ang kilay ko sa sinabi niya.
"Excuse me?!"
"I can't deal with you like this. Hindi ka man lang nahiya sa 'kin."
Oo, alam kong amoy suka ako, pero kasalanan ko ba 'yon? Kaya nga siya nandito para tulungan ako, hindi i-judge!
"At ba't ako mahihiya e mukhang balak mo pa nga akong manyakin?"
Bumitiw siya tapos tumayo nang diretso. She looks amused—her thin lips in a smirk.
"Are you kidding me? You look like a high school student. Kung mamanyakin kita, that would make me feel like a pedophile," pang-aasar niya. Nakahalukipkip pa siya.
"Ang kapal ng mukha mo!"
Sinubukan ko siyang sipain kaso nga dahil nanghihina ako, hindi nakaabot ang paa ko. Pathetic, Cals. Pathetic.
"I will strip you if I have to."
Iyong paraan ng pagkakasabi niya, alam kong seryoso siya. Animo'y nanginig ang kalamnan ko.
Hindi ko maintindihan kung takot ba 'yon... o excitement.
Ano pa man, nagkusa na akong magtanggal ng saplot. Ang tanging natira ay ang undies ko.
Inalalayan niya 'ko sa banyo, hanggang sa paghiga ko sa bathtub.
Tiningnan ko siya—walang salitang tinatanong kung ano ang kasunod ng awkward na ganap na ito.
I mean, seriously? Si Chiara nga hindi nagawang paliguan ako sa tanan ng buhay ko, as far as I remember.
Pero nakakunot ang noo ni Ieshia. Tila nagagalit siya... habang nakatingin doon.
Doon sa isang paalaala ng nakaraan.
Isang malaking peklat sa tagiliran ko. Two inches ang haba nito.
Sa totoo lang ay nakalimutan ko na ngang nandyan iyan. Ang tagal na rin kasi. Walong taong gulang pa lang ako noon.
"So ano? Ngayon ka lang nakakita ng ganyan?" pamamara ko sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ang vulnerable ko kaya kailangan kong maging snarky as much as I can.
"What happened?" malumanay niyang tanong.
Hindi ko napigilang mairita sa tanong niya. Hindi ako ma-dramang tao. Hindi ako iyong tipo na nakikipagpalitan ng backstories para lang maging small talk.
At kung tutuusin, gaano man siya kaganda, nariyan pa rin ang katotohanan na isa siyang estranghera.
"Pwede ba? Nandito ka para tulungan akong gumaling. Hindi natin kailangang magpanggap na magkaibigan at kilalanin ang isa't isa!" singhal ko. Idagdag pa na sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.
Suddenly, she gripped my shoulders. She pushed me—so hard that my back slammed against the cold surface of the bathtub.
Nilapit niya ang mukha niya at mapagbantang sinabi, "Stop the tough act, Callie! Kaya ka nasa sitwasyong ito dahil sa kaka-gan'yan mo!"
Hindi naman ako magpapatalo at nanlaban sa kaniya. "Tang ina, anong problema mong baliw ka?!"
Naalala ko nang nabangga ko ang sasakyan niya noon. Ang sabi niya ay nanti-trip lang siya noon, pero parang may iba. Hindi naman ako uto-uto. Alam kong nang mga panahong iyon, totoo ang pagbabanta niya. There's something seriously wrong with this woman.
Padabog akong tumayo at nag-walk out. Imbes na makatulong, mas lalo pa 'kong inii-stress nito!
Narinig ko ang kalampag ng yapak niya. Hinabol niya 'ko.
Nahawakan niya ang kamay ko at inikot ako.
Nang makita ko ang mata niya—confused and fragile—parang nabasag na rin ang depensa ko. Nakikita ko roon ang sarili ko, exactly seventeen years ago. Nang bulyawan ako ni Chiara dahil sa nasira niyang antique cabinet.
Pagkatapos ay humablot si Mommy ng kahoy na kumalas mula roon. Ipinalo niya ito sa akin.
Hindi niya alam na may pakong nakausli mula rito.
Naramdaman ko na naman ang luhang may balak na trumaydor sa akin. Hindi ito bumagsak dahil maagap akong niyakap ni Ieshia.
Sinakop ako ng mainit niyang katawan, at hinayaan ko siya.
Jusko, na saan na ang dating ako? Nakalimutan ko na dahil lang sa diyosang ito.
Mas kalmado na ang mga sumunod na pangyayari.
Hinayaan ko siyang punasan ako ng washcloth. Ibinigay ko rin ang gusto niya—ang ikwento kung saan galing ang sugat sa puso ko.
Hindi ko akalain na sa lowest point ko pa mararamdaman ang ganitong intimacy—ang maging ganito ka-open sa isa pang tao.
Although nililinis niya lang ang katawan ko (mind you, naka-underwear pa rin ako), this is infinitely better than s*x. Ito ang moment na tipong babalik-balikan ng isang indibidwal dahil sa pagiging raw ng pagkakataon.
She wiped almost every part of me. Likod, binti, leeg... na parang isang pintor na binubusisi ang kaniyang obra.
And I was weak. I let her have her way.
Walang libog na halo—hindi sa kaniya, hindi sa akin. Just tenderness and vulnerability. In fact, tahimik kaming dalawa the whole time.
Pinapatuyo niya ng tuwalya ang buhok ko nang muli siyang magsalita. "See? How can I be a genuine sponsor without getting you to trust me?"
Ang init ng mukha ko, ng buo kong katawan. Katamtaman lang naman ang temperatura ng tubig pero parang magkakasakit ako.
"You keep on saying that," sagot ko. "Pero gaano ka ba ka-qualified maging sponsor, aber?"
Ngumisi siya. Ayan. Ayan ang Ieshia na kilala ko, or rather, ang Ieshia na nakasanayan ko. Isang hambog.
"Matagal ko nang nilalabanan ang addiction ko. I think I am more than qualified."
Bihis na ako. Pumunta naman siya sa kusina at nagsimulang maghalughog.
"So sober ka?" usisa ko.
Dapat lang! Wala namang sense kung tutulungan niya 'ko mag-recover kung pati siya ay struggling din.
Saglit siyang bumaling sa akin. "It's not about being sober. It's about having control." Kumunot ang noo niya. "Kaya pala namamayat ka e. Hindi ba uso sa 'yo ang grocery? Kailangan mong inumin 'tong aspirin."
Tinutukoy siguro niya ang ref ko. Wala kasing kalaman-laman.
Hindi rin naman kasi ako nagluluto para sa sarili ko.
"Bakit, ipagluluto mo 'ko?" panunudyo ko. Tinabihan ko siya sa harap ng ref.
"Sa tingin mo ba posible 'yon? Anong gusto mo, kamahalan, sinabawang beer?"
I chuckled at her sarcasm. Parang kanina lang ang drama namin a?
Humarap siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko.
Nagulat ako—
Kinabahan—
Pinanlambutan ng tuhod.
At the same time, I found myself leaning into her touch. Napapikit ako. Parang inaantok na ewan and yet I'm very much aware of what's going on, of her in front me, and her intense gaze on me.
"How are you feeling now?" Parang alak ang boses niya— nakalalasing.
Bumuntong hininga ako. Bakit gano'n? Pakiramdam ko, sobrang at ease ko sa kaniya.
Siya ang kaisa-isang taong nakaaalam ng mga demonyo ko na hindi ko pinangingilagan.
At nakakabahala iyon.
Sobrang nakalilito. Iyong akala kong nahanap ko na ang tahanan ko, pero dapat akong lumisan kasi malaki ang tsansa na magiba ito.
"Akala ko rin noong una, kontrolado ko," pagpapatuloy ko sa naudlot naming topic kanina.
Ibinaba niya ang kamay niya at hinayaan iyong mamahinga sa gilid niya.
Umiling ako, hindi sa kaniya kundi sa sarili. "Mahirap naman kung maghihilahan tayo na malaki ang tendency'ng lumubog tayo parehas. Bago mo 'ko tulungan, tulungan mo muna ang sarili mo."
Pumamaywang siya. She was scowling at me like a lost puppy. I had the sudden urge to pet her. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kahit iyon ang tama pero huli na naman ang lahat.
She then scoffed. "You can't just use me and throw me away once you're done with me."
"Hindi naman gano'n 'yon."
"Ano, Callie? Ano 'to?" she demanded.
I was at a loss for words. Maging ako, naguguluhan din.
Hindi ko maikakailang attracted ako sa kaniya. I am attracted to her physically... and emotionally. Ito na ba ang sinasabi ni Emyrine?
Ang taong magiging katapat ko?
Kung ibang tao siguro, matatanggap ko pa.
But not Ieshia Velarde.
It would never work out with her.
Madudurog lang ako lalo.
Bakit ganoon? Bakit parang mas mahirap na nahanap ko na ang bagay na katatakutan kong mawala sa akin?
Instead of relief, there's nothing but a heavy weight pulling all of me down.
"I'm sorry. Please, umalis ka na."
Wordless, she left—leaving behind a huge hole in the room.