Kabanata XIII

1352 Words
Akala ko tatantanan na ako ni Ms. Fancy Pants. Akala ko lang pala. Namimili ako sa grocery store, as per her advice. Nanghiram muna ako ng pera kay Alphonse. Hindi ko alam kung coincidence o nananadya talaga siya dahil nagulat na lang ako nang makasabay ko siya sa pagbabayad. Nang-aasar pang kumaway ang gaga. Napansin kong puro unhealthy food naman ang binabayaran niya. Chocolates, Pop Tarts, instant soup ang ilan sa mga ito. Nauna akong matapos kaya nagmamadali akong lumabas ng Puregreen. Hindi naglaon ay nasa gilid ko na siya, bitbit ang isang ecobag. "Ano na namang kailangan mo?" pandidiretso ko sa kaniya. Inabot niya ng mukha ko. Awtomatiko akong napaatras--pero nakuha pa rin niya ang pakay niya. Ang aviator ko. Puyat na naman kasi ako. Sintomas din siguro ng withdrawal. Sinuot niya 'yon. Umirap ako at hinayaan na lang siya kahit deep inside naiisip ko na bagay pala sa kaniya. "Nakalimutan mo na bang lawyer ako? It is literally my job to convince people," cryptic niyang sagot. Tinutukoy pa rin siguro niya ang sponsorship. Hindi ba siya napapagod? Ako kasi pagod na pagod na sa paulit-ulit na pagtaboy sa kaniya. Nakita ko ang sasakyan ko. Napairap ako nang wala sa oras nang mapansin na magkatabi ang mga sasakyan namin. Psh. Stalker. "Nandyan ka na lang din, tulungan mo na 'ko, pwede? Bigat e," tukoy ko sa pinamili ko. Pwes, pahihirapan ko siya. Madali naman palang kausap si Ieshia. Kinuha niya ang ilang balot na bitbit ko. Ni hindi nga siya nagmukhang nahihirapan samantalang parang mababali na braso ko kanina. Bigla namang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Monique. "Oh?" sagot ko rito. "Pinapasabi ni Ms. Angeles--" "Sinong Ms. Angeles? Ako?" panunuya ko sa kaniya. Tutal feel na feel niya masyado maging boses ni Chiara e. Tumikhim siya. "Pinapasabi ni Ma'am Chiara na kailangan daw niya ng progress report by the end of the week." "Progress report?" singhal ko. Napasuklay ako ng buhok gamit ang daliri sa namumuong prustrasyon. "Pucha, ano ako, empleyado?" "I think you know what she meant, Callie." Hindi na ako nakasagot. Sunud-sunod ang malalim kong paghinga. "Bye." Pero ano mang galit ko, alam ko namang kailangan ko pa ring sumunod. Isinilid ko ang phone. Laking gulat ko na lang nang iangat ko ang tingin. Ang letseng Ieshia na iyan, nilagay ang grocery ko sa sasakyan niya. "Teka--" "I'll wait for you, luv." Mabilis kong tinawid ang distansya namin. Mas mabilis siyang nakapag-start ng Aston Martin at humarurot paalis. Napasabunot ako sa sarili. Hindi maganda ang araw na ito. Wala naman akong nagawa kung hindi ang pumunta sa condo ni Ieshia. Wala na akong budget para mamili ulit. Pagdating ko sa 15th floor, parang gusto kong bumaba na ulit. Ayaw kong kagatin ang pain niya. Pero ano bang kinakatakot ko kasi? Si Ieshia lang naman iyon. Si Ieshia na kayang paluksuhin ang puso ko sa isang tingin lang. Argh! Hindi na tama ito. Ang bakla ko masyado. Kakatok na ako nang mabuksan ang pinto sa pagtama nito sa kamao ko. Dahan-dahan ko itong tinulak. Saka umasulto sa akong pandinig ang isang himig. Ang ganda nito... ang sarap sa pandinig. At the same time, it was hauntingly beautiful. Tila hinihila ako ng bawat nota. Kusang gumalaw ang mga paa ko papalapit sa pinagmumulan ng tunog. Nahanap ko si Ieshia. Nakaupo siya sa veranda, tumutugtog ng flute na gawa sa platinum. Madalas akong maging exaggerated pero this time, pawang katotohanan lang ito. I don't think I've ever seen a more beautiful image than the one in front of me. Nakapikit ang mga mata ni Ieshia habang nagpapatugtog siya. Tumatama ang sinag ng araw sa balat niya na parang kumikinang siya... parang isang anghel. Napalunok ako. Natulala. Momentaryong nakalimutan kung bakit ako nandito habang hinaharana ng plauta ang puso ko. Natapos ang tugtog. Dinilat niya ang kulay tsokolateng mga mata. Tumama ito sa akin. Hindi ako makahinga. Nanlambot ang mga tuhod ko. Tumigil sa pag-ikot ang mundo. Walang narito kundi ako at siya, siya at ako. Tumayo siya. Inikot pa ng mahahaba niyang daliri ang plauta habang nakangisi. Kailan kaya ako magsasawa na hangaan ang pisikal niyang kaanyuan? Tumigil siya ilang pulgada ang layo mula sa akin. As usual, nakatingala ako dahil sa tangkad niya. "That was adagio from the fantasy in D major." Nadala yata ng boses niya ang tugtog kanina. Ang sarap pakinggan kahit nag-Chinese yata siya. Hindi ko naintindihan e. "Marunong ka pala nyan?" Nag-kibit balikat siya. "My therapist recommended for me to have a hobby." "Ano?! May therapist ka? Yamings!" biro ko. Ngumiti siya. Hindi iyong nakasanayan ko na umaapaw sa confidence. It was a genuine smile. And goddamn it was breathtaking. "You're really one of a kind, Callie," komento niya. Nag-init ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Halos marinig ko na ang pagtatambol sa loob ng ribcage ko. Bago ko pa siya mabara ay nilampasan na niya ako para pumasok sa condo. "H-hoy, babae! Huwag mo 'kong mabola-bola. Na saan na 'yung grocery ko?" bulalas ko. Sinundan ko siya ng tingin sa kusina. Uminom siya ng tubig. Pumasok ako. Mabuti pang hanapin ko na lang mag-isa. Naka-display pa rin pala ang painting ko sa kaniya. Nadako naman ang paningin ko sa flute na nilapag niya sa coffee table at kinuha iyon. Mas mahaba ito kaysa sa inaasahan ko. Nasa higit 2 feet din siguro. Kung sabagay, sanay kasi ako sa flute na nakikita sa tv. Iyong gawa sa wood, tapos hindi kagaya nito na may kung anu-anong nakalagay sa holes. Habang hinahawakan ito ay naramdaman ko ang hindi pantay na bahagi sa bandang gilid. Inikot ko ito at nakita ang naka-engrave na letra. Your pain is the breaking of the shell that encloses your understanding. Ayan na naman sa pain na iyan. Napaiisip tuloy ako kung masokista itong si Ieshia e. Baka kaya siya nagtitiyaga sa akin para mahirapan siya. "Be careful." Muntikan akong mapatalon nang marinig si Ieshia. Binaba ko ang flute, kinakabahan, na animo'y nahuling may ginagawang hindi dapat. Meron nga ba? "Ipina-custom made ko pa 'yan sa Massachusetts." Kinuha niya ang flute tapos umupo nang cross-legged sa L-shaped sofa niya. Meanwhile, ito ako, natutulala na naman sa kaniya. "You wanna know how much it costs?" Lumunok ako. Something tells me it's better not knowing, pero tumango pa rin ako. Ngumisi siya. Ayan na naman. Nafi-feel ko nang hahangin na naman nang malakas. "49,800 dollars. That's roughly two million and six hundred thousand pesos." Halos lumuwa ang mata ko sa pagkagulat. Para lang dyan? Two million na kaagad?! At sinong matinong tao ang gagastos nang ganoon para sa hobby kuno? Definitely not Ieshia Velarde. Umupo ako, baka may iba pa siyang sorpresa e, hindi ko na kayanin. "Masyado kang maluho a? Gaano kalaki ba ang sahod mo at afford mo ang ganitong lifestyle?" "I protect a lot of really powerful people, Callie. So I guess you can say I'm making much, much more than the average jane." Mga kriminal ba ang tinutukoy niya? Hindi na ako magtataka. Hitsura pa lang niya makasalanan na e. Tipong titingnan mo pa lang siya, gumagawa ka na ng kasalanan sa isip mo. Tumayo ako. Masyado na akong nagsasayang ng oras dito. My eyes roamed around for the five plastics of edible items. Nahanap ko ito sa tabi ng lababo, katabi ng ecobag na may lamang pinamili niya kanina. "Kung ang offer mo sana, maging sugar mommy kita, baka pumayag pa 'ko," sabi ko habang papalabas ng kusina niya. Nararamdaman ko ang bigat ng tingin niya sa akin. "Kaso hindi." Ngumiti ako sa kaniya na nang-aasar. Para lang makuha niya na hindi niya ako madadaan sa konsyerto niya. Na hindi na magbabago ang isip ko. Bumuntong hininga siya. "Akala mo siguro hindi ako seryoso sa alok ko sa 'yo." Parang nagtatampo ang tono niya. Siya pa ang may ganang magkaroon ng hinanakit?! "'Yon na nga e. Alam ko na ang mga da moves na 'yan kasi kung hindi mo napapansin e napakalandi ko ring tao. Una, kukulitin mo hanggang sa mapagod katataboy sa 'yo. Kapag ibinaba na ni ate girl ang mga pader niya, papakita mo na ang mga kaakit-akit na side mo hanggang sa mahulog siya." "Gan'yan ba kababa ang tingin mo sa sarili mo, Callie?" Napahinto ako. Ang daming alam! Makaalis na nga! Binuksan ko ang pinto. "May nilagay ako sa plastic. Check mo na lang," pahabol niya bago ako tuluyang makalabas. Sinara ko nang malakas ang pinto. Nagmamartsa akong nagtungo sa elevator. At ano na naman ang pinagsasabi no'n? Mag-isa lang ako sa elevator. Hindi ko napigilang tingnan kung ano ang tinutukoy ni Ieshia. Napansin kong may baunan doon. May sticky note rin na nakadikit. 'Naalala kong gusto mong paglutuan kita noon. If you allow me to take care of you, I'd always cook for you. I. Velarde' At nagwala na naman ang traydor kong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD