ika walo

1259 Words
Ilang messages na ang natatanggap ni Berta ng umaga palang.Puro mensahe galing kay Carl.Ang kulit nito.Paulit-ulit lang naman ang mensahe.Nagpalipas lang ng isang linggo si Berta at pinag-isipan ang mga sasabihin sa lalaki.Tatapatin niya ito.Ipapakita niya na hindi siya katulad ng inaakala ng mga ito.Hindi porket hindi siya kagandahan ay kaagad siyang susunggab sa pagkakataon.Gaya nga ng lagi niyang ipinagmamalaki sa lahat.May delikadesa siya at hindi siya martir.Siya si Roberta Mangalandakan!Ang nag iisang babaeng ma prinsipyo! Papunta ngayon ang dalaga sa iminessage niya sa lalaki kung saan sila magkikita.Siyempre pa,sa abot kaya ang halaga at sa bida ang saya!Ba't pa sila lalayo?Malayo palang siya'y natanaw na niya ang lalaki,palibhasay nasa tapat niya lang din ito nakahanay.Pagpasok niya'y naroon ito sa bandang gitna at umupo agad siya ng makalapit na. "Oorder paba tayo?'Huwag na kaya?Hindi naman tayo magtatagal."Si Berta. "Ano gusto mo?Ako ang magbabayad."Sabi naman nito. Biglang nagutom si Berta sa narinig.At umorder narin siya ng gusto niya.Siyempre pa yung medyo mahal.Dito man lang ay makaganti siya sa pang gagaso ng mga ito sa kanya.Bago pa dumating ang kanilang order ay niyaya niya ito sa bandang dulo upang hindi naman maeskandalo ang sakaling makarinig sa pag-uusapan nilang dalawa. Nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ay saka ito nagsalita."Ano ang sagot mo sa iniaalok ko Berta?" "Kailan mo pa ako napansin?"Imbes na sinagot niya ang tanong ng lalaki'y tanong din ang ginamit niya. "Mahalaga pa ba iyon?"Tanong naman din uli nito. "Siyempre!Bakit parang nagmamadali ka?Wala ba akong time makapag isip?" "Nagmamadali talaga ako." Napanga-nga siya sa naging sagot ni Carl sa kanya. "Huwag kana magmadali."Sabi niya. Napakunot ang noo ni Carl ng marinig nito ang sinabi niya. "P-Pasensiya kana Carl.K-Kahit ganito lang ako'y may karapatan naman siguro akong magpasya. Ayokong lokohin ka.P-Pero hindi kita gusto." Napa-kagat labi si Berta pagkasabi niyon. I-Iling iling ang lalaki pagkarinig niyon. "Akala ko'y???" "S-Siguro'y noon iyon."Salo niya sa pagtataka ni Carl. At tumango-tango ito."Ok,I'm desperate!Hindi ba mataas ang pangarap mo Berta?" Napatango siya sa sinabi ni Carl na may halong pagtataka. "Gayon din ako!Parehas lang tayo.Ito lang ang ginagarantiya ko sa iyo.Kapag sinagot mo ako ngayon,kahit anong kurso pa ang kunin mo,makakapag-aral ka ng walang kapruble-prublema.Basta't sagutin mo lang ako!" "Hah!?Teka lang."Naguguluhang sabat ni Berta . "Basta oo o hindi lang ang sagot Berta." "Aba'y teka lang muna!Paano ako papayag sa isang bagay na hindi ko naman alam ang susuungin ko?At ano ang kinalaman kung sagutin kita o hindi?Bakit?" "Oo o hindi lang ang sagot Berta!Iyon lang ang tanging maibibigay kong paliwanag sayo.Wala akong ipaliliwanag basta iyan ang offer ko." Halos sumakit ang mga ugat ni Berta sa ulo sa pag iisip kung ano ang dahilan ng lalaki at kailangang kasama pa siya doon. "Ano bayan?Baka naman may malubha kang sakit na nakakahawa kaya wala ng papatol sa iyo?Mahirap iyan kapag umo-o ako tapos ay mapapahamak naman ako." "Kahit ano pa isipin mo Berta,kabalintunaan ng iniisip mo.Hindi ka kailanman mapapahamak rito kung hindi maipagpapatuloy mo pa ang nais mo." "Ang hirap naman kasi,hindi ko ba maaring malaman ang dahilan?" "Hindi."Maikling sagot ng lalaki sa kanya. "Ano?Naghihintay ako." "Paano iyan,kailan mo ba kasi ako talaga nagus-tuhan?Kahit man lang ba iyang tanong na iyan ay wala akong karapatang malaman?" Bago ito sumagot ay bumuntunghininga muna ng malalim ang lalaki. "Hindi kita gusto." "Haaaaaa!!!Ang labo mo palang kausap eh!Niloloko mo ba ako?"Nag uumpisa ng mabwiset si Berta sa mga pinagsasasabi ng lalaki. "Iyon lang ang kaya kong ibigay na dahilan sa iyo."Nahihiyang sagot nito. "Paano?Hanggang kailan?Paano kung mahanap kona ang lalaking gusto ko at gugustuhin ko?"Kahit galit ay nakuha pa niyang itanong kay Carl iyon. "Walang magiging problema basta't kailangan ay hintayin mo ang aking magiging hudyat kung kailan ka makakalaya." "Ha????"Alam mo Carl,me utak naman ako pero hindi ko mahulaan ang sinasabi mo." "Hindi mo kailangang hulaan Berta.Oo o hindi lang." "Pwede bang pag isipan muna?" "Wala na akong panahon." "Paanong walang panahon?Aalis kaba?"Kunot na kunot na kanina pa ang kanyang kilay dahil sa mga sinasabi ng lalaki. "Oo." Lalong naguluhan si Berta. "Paano ko?Pagkatapos natin magkarelasyon ay iiwan mo na ako?" "Tulad nga ng sabi ko Berta.Akong bahala sa iyo.Ang tanging batas lang na susundin mo ay iisa lang." "Ano iyon?" "Bawal kang makipagrelasyon sa kahit na sino." Napalunok siya sa sinabi ni Carl. "O ano?Payag kanaba?"Si Carl uli. Dahil grasya na ang lumalapit.Magpapatumpik tumpik pa ba siya?Ito narin ang tamang pagkakataon para sa kanya. "Sige!" Napasalikop ng kamay si Carl sa narinig mula sa kanya at tila gusto pang maglulundag sa tuwa. "Teka muna!Iyong pangako mo na hindi ako mapapahamak ha?! Saka 'yong pampaaral ko?" "Akong bahala para doon."Tatango tango ang lalaki. Kahit nagpaalaman na silang dalawa ay lutang parin si Berta.Kahit yata scientist ay hindi mahuhulaan kung ano ang nakapaloob sa offer nito sa kanya.Hanggang pagtulog ay palaisipan sa kanya si Carl.Kahit ano pang analized ang gawin ni Berta ay sira siya.Dito yata natapos ang pagiging matalino niya. Kinabukasan ay tumunog na agad ang kanyang cellphone.Si Carl agad ang caller niya.Pinag oopen siya ng Bank account at sabihin daw niya agad kung ano raw ang account number niya at kung saang bangko siya nag open account.Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin rito ang hiningi nito kinabukasan ay ipinadala na nito ang kopya sa cellphone kung magkano ang inihulog nitong pera sa kanyang account.At halos himatayin si Berta dahil sa laki ng ibinigay ng lalaki sa kanya.300k agad-agad!Gusto niyang maglulundag sa tuwa.Gusto niyang sumigaw at siyempre pa'y ang tanungin ang lalaki ng maraming bakit???. Dahil malayo pa naman ang enrolan ay hinalungkat na ni Berta ang iniipong pera sa kanyang alkansiya at sinira niya iyon kaagad.Inilabas ang wallet at isinilid mula roon ang naipon.Ang iba'y sa medyo malaking lalagyan dahil narin sa luma at tagal ng perang papel ay siguradong makakapal iyon kapag sinilid sa pitaka.Mamimili siya ng ilang bagay na kakailanganin niya.Bakit ba'y ang sabi naman ni Carl ay ito ang bahala sa pangangailangan niya at kung kulang na ang paunang bayad ay magsabi lang siya? Pagkatapos nilang magkausap noon at matapos nitong maipadala ang kanyang pera daw ay huwag na muna raw niya itong iistorbohin kung hindi lang importante at tungkol sa pera ang kanyang sasabihin.Ibang klase!Kahit detektib yata ay masisiraan ng diskarte kung papaimbestigahan ang dahilan ng lalaki at tila ang laki ng tiwala nito sa kanya.Laway lang ang ipinuhunan niya sukat ba namang nagtiwala agad ito sa kanya! Ito narin ang nagsabi na hindi siya nito gusto ngunit gusto naman nitong maging girfriend siya?!Ewan!Ayaw niyang masiraan ng bait,sayang naman ang bata pa niya!Para pa namang tumama siya sa lotto! ... Ilang taon narin ang nagdaan.Sa dami ng naging girlfriend's niya ay dumating na kay Drako ang pagkasawa.Ang matagal na kalayaang minimithi ay nakamit niya narin sa paglipas nga panahon.Nagkaroon siya ng sarili niyang buhay at sariling pagpapasya siyempre!Malayo sa kanyang amang laging naka kontra sa lahat ng gusto niya.Ngunit ng dumating ang araw ng kanyang pagtatapos ay wala na itong nagawa pa kung hindi ang pakawalan na siya dahil may sarili na siyang pak-pak. Ngunit ang kanyang kalayaa'y biglang nagkaroon ng lambong ng matanggap niya ang kanyang email.Kailangan niya naraw magbalik at muli itong dalawin.Mula kasi ng pumanaw ang kanyang ina ay tinanggal na rin niya ang taling nag uugnay sa kanya at sa ama.Ano paba ang kailangan sa kanya nito?Ayaw niya na itong makita,subalit sino ba ang hindi nakakakilala sa ama?Kahit siguro sa impiyerno pa siya pumunta ay matutunton siya nito. If you already like my work you can support me as a token of appreciation,here: G-Cash.09998134482 this is not obligatory.Advance Merry Christmas reader's!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD