Ikapitong kabanata.

1111 Words
Pumasok si Berta kinabukasan na mugtong mugto ang mga mata.Natural pinagpiyestahan siya ng mga tanong ng mga ka-klase.Ang pinaka mahapding nagtanong ay ang lalaking dahilan ng pagkapuyat niya magdamag mula kagabi. "Anong nangyari sa iyo?"Tatawa-tawang tanong ni Drako sa kanya. "Ano pa edi nag K-drama Marathon!"Sagot ni Berta na hindi man lang makatawa.Aba'y napaka-manhid naman talaga ng lalaki kung wala itong ka ide-idea kung ano ang pinagdadaanan niya?O talaga lang nag mama-ang ma-angan lang ito sa kanya? Napakatagal ng mga sandali para kay Berta lalo ng mga sumunod na mga araw na nakikita niya itong kung kani-kanino sumasamang mga babae. Hangang isang araw sa kanyang kalungkutan ay lumapit si Carl sa kanya ng hindi niya inaasahan. "Ok kalang Berta?" Napatingin si Berta sa lalaki.Napatakip siya ng kamay sa bibig ng mabakas niya sa mga mata nito na alam ng lalaki ang nangyayari sa kanya. "Pa'no mo alam?"Tanong ng dalaga. "Hindi naman ako nagmamanhid-manhidan na katulad niya.Idinako nito ang mga mata sa iisang tao na kaninang-kanina niya pa pinagmamasdan.Lalo siyang napahiya kay Carl. "Ngayon?Gusto mo akong pagtawanan?Dahil pinaglaruan niyo ko?Ganoon ba?" "At sino naman ang nagsabi sa iyo niyang kasinungalingan na iyan?Siya ba?Tsk!Mali ka ng taong pinagkatiwalaan."Ang tinutukoy nito ay ang lalaki sa di kalayuan.Si Drako! Nanikip ang dib-dib ni Berta sa narinig mula rito.Diyata't pinaikot lang siya ni Drako at ginamit pa ang mga kaibigan upang pagsinungalingan siya at makapag hugas kamay ito sa ginawang panlalamang sa kanya. Sa galit ay tumayo si Berta sa inuupuan mula sa canteen at malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya ang lalaki at binigyan ng isang nakabibinging sampal sabay alis. Si Drako naman ay nanatiling nakatayo lang din at ni hindi siya kinompronta.Hindi napigilang lingunin ni Berta ang lalaki at nakita niyang nakati-ngin lang din ito sa kanyang paglayo. Mula noon ay hindi nangyari ang ipinakiusap ni Drako sa kanya na huwag siyang magalit dito at huwag na huwag siyang lalayo.Nakipagpalit si Berta ng upuan kung saan malayo na siya sa lalaki.Napili niya ang sa bandang unahan dahil iyon ang saktong pwesto ang ang pinakamalandi sa kanila ay naroon at sigurado niyang papayag sa gusto niyang pakikipagpalit dito. Ang mga araw ay naging mga linggo at ang mga linggo ay naging taon. Hindi na niya kinibo pa si Drako at pinagbuti lalo ang pag aaral kahit pa nahahalata niyang tila nakikipag kumpetensiya sa kanya ang lalaki o sadya-ng matalino din ito.Kung ano man iyon ay wala na siyang interes pa.Si Carl ay laging nasa tabi niya nagkalapit silang dalawa dahil sa pangyayaring iyon.Never na siyang umasa sa mga pa asang mga hopes niya.Nakaka inis lang muling mabigo.Kung may manliligaw sa kanya na kahit ano pa ang hitsura't kalagayan sa buhay at kung ito ay magugu-gustuhan naman niya ay "why not?"Pero never na siyang aasa pang muli hanggat hindi nagtatapat sa kanya at aalamin niya muna kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo o pinapasakay lang siya o nilolo-ko. Hanggang sa grumaduate na sila.Iniwasan ni Bertang makahanap ng pagkakataon ang lalaki na mapalapit man lang sa kanya o batiin man lang siya o di kaya ay magpaalaman.Noon kasing lumalakad ang mga araw bakas niya sa mukha nito na nakukonsiyensya parin at tila gusto siyang lapitan ngunit siya na ang nagbigay ng harang sa pagitan nilang dalawa.Tama ang kanyang hinala dahil mata-pos silang magpaalaman ng ibang kaklase lalo na si Carl ay nakita niyang palingon-lingon ito kasama ng mga magulang na tila may hinahanap. "Berta!Roberta!"Tawag nito sa kanya ng mahuli nito ang kanyang tingin.May kasama pa iyong kaway upang mapansin niya talaga. Doon natuksong makipagayos ang dalaga at para narin sa ikatitiwasay ng lahat at siguro nama'y natutunan na nito ang aral na nais niyang ipamukha sa lalaki.Ihahakbang na dapat niya ang kanyang mga paa papunta rito ng biglang humarang sa kanyang unahan si Carl at hinawakan agad siya sa braso. "Tara na may sasabihin ako sa iyo."Sabi nito at hindi na siya binigyan ng pagkakataon pa na magbago ang isip. Sa pinaka labasan ng school sa bandang sulok siya dinala ni Carl. "Ano bayang sasabihin mo?Siguraduhin mong imporatante iyan ah!"Sabi ni Berta rito na palingon-lingon pa sa may bandang labasan na tila ba umaasa pa siya na lalabas doon ang kanyang hinihintay.Nang wala siyang marinig ni gaputok sa lalaki ay ibinaling na niya rito ang atensiyon.Tahimik lang itong nakati-ngin sa kanya."Ano ba iyon?Huwag mong sabihing manliligaw ka at gusto mo akong maging girlfriend? "Natawa mismo si Berta sa sinabi niya. "Berta!" Napalingon si Berta sa pinangagalingan ng boses.Si Drako na papalapit ngayon sa kanila na nag-mamadali. "Bakit?"Tanong kaagad ni Berta sa papalapit na lalaki. "Berta will you be my girlfriend?"Magkapanabayang napatingin si Drako at Berta sa sinabing iyon ni Carl sa kanya.Napipi tuloy siya ng wala sa oras.Natigil ang paglapit ni Drako sa kanila.Sinulyapan lang sandali ni Berta si Drako at imbes na sagutin si Carl ay hinatak niya iyon palayo upang makaalis sila sa lugar na iyon.Sa hindi kalayu-a'y naroroon ang mga magulang ni Drako at mata-man namang nakamasid lang ang ama nito sa nangyari kanina.Nangiibit balikat lang si Drako ng marinig niya ang pahayag na iyon ni Carl kay Berta.Tinawag niya ang babae upang humingi ng paumanhin rito ng personal.Alam niya kasing nakasakit siya. "Salamat Carl ha.Alam kong tinulungan mo ako kanina.Dahil diyan,bestfriend's na tayo."Sabi ni Berta sa lalaki. "Ano ang ibig mong sabihin?"Tanong ni Carl sa kanya. "Diba nga?Alam ko namang tinulungan mo lang ako kanina." "Sinong may sabi sa iyo?Iyan ba ang sagot mo sa alok ko?"Tanong nitong hindi makapaniwala. "Ha?!"Naguguluhang may kasamang gulat na sabi ni Berta. "Totoo yung kanina."Sabi nitong seryoso na ang mukha. "Ha?!"Ulit uli ni Berta. "Sagutin mo naman ako ng maayos." Gustong himatayin ni Berta sa kinatatayuan."Ito?May gusto sa kanya?Gusto raw siyang maging girlfriend?" "Huwag mo akong lokohin.Kumita na yung isa tapos papangalwahan mo pa ako?Aba'y abuso na 'yan para sakin.Humanap ka nalang ng ibang lolokohin mo."Sabi ni Bertang hindi naniniwala. "Basta pag isipan mo.Pagkatapos nating magtapos ay kailangan kona ang sagot mo." Sabi nito. "At nagmamadali pa? "Isip-isip uli ni Berta. Hanggang sa bahay ay hindi makapaniwala ang dalaga.Palaisipan sa kanya ang pakay ni Carl.Ewan ba niya.May kutob siyang hindi ito nagsasabi ng totoo!.Naloko na siya ni Drako papaloko uli siya?Kinapa kapa ni Berta ang dibdib.Wala siyang maramdaman. Bakit dati rati'y hindi kumpleto ang kanyang araw na hindi niya ito nakikita?Ilang taon niya rin itong inspir-asyon!Ngunit bakit ngayon?Ang hirap talaga ng Hindi sigurado sa feelings.Dahil ba bata pa siya'y iyong inaakala niyang love ay infatuation lang pala?Sa tagal ng kanyang paghihintay kay Carl,may isang Drako lang na biglang sumulpot ay itinapon na niya ang matagal na niyang paghanga sa lalaki?Paanong dapat talaga siyang magduda?E napakaraming magagandang babae sa kanilang eskwelahan bakit siya pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD