"Hindi pa ako naisiraan"Sabi ni Drako sa kanya. Bagaman nasaktan si Berta sa sinabi nito ay ipinag-walang bahala nalang niya iyon.Pumasok sa kabilang tainga at lumabas naman sa kabila.
"Hindi naman pupwedeng wala ka sa group project natin.Paano ka papasa niyan?"Sabi niya rito.
"Wala kang alam kaya huwag kang mag magaling."
Iyon ang naging tugon nito sa kanya.
"Bakit ano ba ang problema?" Kahit hindi siya umaasa na ikukwento nito ang problema sa buhay ay nagtanong parin siya.Lumakad ang lalaki at nahi-ga muli upang umpisahan ang hindi daw niya alam tungkol rito.Sa ilang minuto lamang ay naikwento na nito ng halos isang buo ang pinagdaan at pinagda-daan raw nito.Hindi man niya akalain na ilalahad nitong lahat iyon sa kanya.Kaya isa lang ang nasabi niya sa lalaki."Kaya nga dapat ay pagbutihin mo na ang pag aaral mo,darating ang panahon na ikaw na ang tatayong padre de pamilya dahil magkakaroon kana ng kalayaan sa lahat."Sa sinabing iyon ni Berta ay napatingin ang lalaki bigla sa kanya."Magagawa ko iyan kung tutulungan mo ako."Ang seryosong naging tugon ni Drako.Hindi malaman ni Berta kung paano siya napatango ng lalaking ito.At pagkatapos ay nasabi pa niya."Umpisahan natin sa ating group pro-ject!"Sa ainabi niya'y tila nagising ito sa pagkakahim-bing.Agad itong nagpunta sa closet sabay hugot ng isang tshirt sa ibabaw ng mga nakatiklop na damit.
Pagbaba nila mula sa silid ay namataan agad sila ng ina ni Drako.Mukhang ulti mo ito ay hindi maka-paniwalang kasama na niya ang lalaki.Inaasahan ba talaga nito na hindi niya makukumbinsi ang anak?Well,ibahin niya ang karisma at alindog ni Roberta Mangalandakan!!!Mula pa sa ninunong lahi ng mga mandirigmang Mangalandakan nagmula ang isang katulad niya.Proud at nakataas ang noo siyang bu-maba kasabay ang lalaki.Ni hindi man lang nakitaan ng malisya ang kanyang mga kaklase sa kanila.Gano-on ba talaga?Kapag hindi kagandahan ay hindi treath?Ibahin na ang panahon ngayon,lahat ng magaganda at gwapo karaniwan sa pangit na puma-patol!!! Tinignan niya ang binata na ngayon ay ser-yoso ng tumutulong sa kanilang group project na malalaking mga puno na gagawing props sa kanilang gaganaping stage play na may temang climate change awareness na siyang gagamitin nila upang makipag-compete sa ibang sections.Habang guma-gawa na sila ng kanilang project ay may mga matang nagmamasid sa kanila.
Kinabukasan ay dala na lahat ni Drako ang kanilang mga ginawa kahapon.Ito kasi ang nagprisintang magdala ng lahat ng iyon upang wala na silang isipin. Nagsipulan ang mga kabarkada ng lalaki dahil parang ang naging dating ay ito ang naging bida at martir sa pagdadala ng kanilang mga ginawa.Ang teacher na-man nila ay proud na proud sa binata.Samantalang si Berta ay kailangan pang tumumbling upang mapan-sin ng isa man sa mga ito.Hindi niya lang masabi. "Mam ako po ang may malaking partisipasyon sa lalaking iyan!Kung hindi dahil sa akin,nungkang bu-mangon iyan at kumilos."Ngunit hindi niya iyon naibulalas dahil nangako siya sa lalaki na tutulungan ito."Teka nga lang!Bakit?Siya ba ang nanay nito?! "Ano nga ba ang pakielam niya sa problema ng may problema?E siya nga'y di hamak na mas malaki ang problemang kinakaharap?.Bakit napapayag siya ng hung-hang na ito?!Okay andun na siya!Oo na!Na umaasa siya na madedevelop ito sa kanya at maba-baling sa kanya ang atensiyon ng lalaki!Na bandang huli'y mapapansin rin siya nito.Na bandang huli ay kunyari'y sasakay lamang ito sa kakayahan niya ngunit pagdating sa ending ay matutunan na siya nitong mahalin gaya ng mga nauusong content ngayon na gamitan tapos bandang huli developan na!Okay umaasa siya roon!Satisfied?Paki-kipag away niya sa kanyang isip.Ah basta!Gusto niyang makatu-long din,tapos!Mula noon ay naging lalo silang mag-kalapit ng lalaki.Unti-unting tumaas ang grades nito.Lalong naging popular sa kanilang eskwela at higit sa lahat lalo itong gumwapo sa paningin ni Berta.Hangang sa isang araw...
"May gusto sana akong sabihin sa iyo"
...Heto na!Heto na nga ba ang kanyang hinihintay!Ang kanyang huling halakhak!Kaya nga ba malakas ang loob niyang makipagkita sa iminessage sa kanya ni Drako dahil sa palagay niya'y magtatapat na ito!Nakaramdam siya ng ibayong pananabik.Lahat yata ng mga bulate sa katawan niya ay nagsalikupan ang mga kamay upang manalangin sa kanyang mini-mithing hangarin.Ang maligawan sa wakas!At sa di-nami dami ng lalaki sa mundong kanyang ginagala-wan ay sa isang pogi at magandang lalake pa siya babagsak!Hindi makahinga ang pwet ni Berta ng san daling iyon.Handang handa na kanyang mga skin tag na mahaplos ng isang lalaking tatawagin niyang boy-friend.
."Yes?Ano ba iyon?"Nagmama-ang maangan niyang tanong din rito. "Pero bago iyan ay gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin.Alam mo na iyon hindi kona iisa-isahin. "Tatango-tango si Berta at nagsisimula ng mamawis ang kanyang mga kamay sa paghihintay.Ang kanya-ng excitement ay nauwi sa pagkadismaya ng tinawag ito ni Carl habang nakita naman nitong nag uusap pa sila."Kakainis naman!Etong Carl na ito talaga,epalog din kung minsan e no?"Isip-isip ni Berta. Sumenyas si Drako sa kanya upang mamaalam. Isi-nenyas din nito sa kanya na imemesage nalang daw siya sa messanger.Lalo siyang nasabik.Mas maganda sana kung sa harap niya nagtapat ang lalaki ngunit ok narin sa messanger atleast marerendahan niya ang sarili baka kasi himatayin siya kapag narinig ang minimithi buhat dito.Lumipas ang maghapon at uwian narin.Ang hinihintay na mensahe ay tila kada 10segundo niya inaabangan ngunit bigo siya.Panay sulyap naman niya sa katabi ngunit busy itong nakikinig sa klase,kahit naman ganoon lang siya ay hindi naman ganoon kakapal ang kanyang mukha na kulitin ito para lang sa ikasasaya niya.Babae parin siya na kahit ganito lang siya ay may dangal at pride!Hanggang sa narinig na nga nila ang matinis na bell.Ibubuka palang ni Berta ang kanyang bibig ng makita niyang tumayo na ito at pumunta sa mga katropa nito.Na dissapoint man ay willing parin siyang maghintay para sa pangako nito. Kahit pa may trabaho si Berta,matapos makapagpalit ng pambahay at makapaglinis ng katawan ay pigilan man niya at pagsabihan ang sarili'y ayaw nito maki-nig talaga!Hanggang ng mag totoothbrush na siya ng tumunog ang cellphone.Kahit pa pigil na pigil sa sari-li'y kaagad niyang tinapos ang pag sesepilyo.Naroon na ang mensaheng kanyang hinihintay, bagaman na-kikita na ng kanyang mga mata ang buong mensa-he'y hindi niya iyon binasa kaagad.Inisa-isa niya muna ang bawat salita.Word by word ikanga.Hindi paragraph.Napatigil siya sa pagtangkang pag upo sa silya niya at napatayo.Ang nasa mensahe'y
"Sa aking kaibigan.Una'y nagpapasalamat ako sa lahat-lahat ng naitulong mo sa akin at habang buhay ko itong tatanawing tulong mula sa iyo.Naging malaking parte ka ng buong journey ko ng ilang buwan.Malapit narin tayo gumraduate.At naabot ko ang lahat ng ito dahil sa tulong mo.Ngunit kasabay nito ang paghingi ko ng malaking patawad sa iyo dahil sa isang kalokohang nagawa ko sa iyo.Sinadya kong mapalapit sa iyo noong una palang dahil narin sa pambubuyo ng mga tropa at inaamin kong naga-mit kita dahil sa pansarili kong balak at ambisyon. Sana ay mapatawad mo ako at dumating sana ang panahong maintindihan mo ako.Sa kabila nito'y umaasa akong hindi mo ako lalayuan at ituturing na ito'y bunga lamang ng paghingi ko sa iyo ng tulong.Ang tagumpay ko'y tagumpay mo rin.At di man alam ng nakararami ay isa ka sa dahilan ng aking pagkakagising.Sana'y huwag kang magalit sa akin ng tuluyan."Salamat talaga sa lahat- lahat aking matalik na kaibigan. Iyon ang hindi niya napaghandaan.Nanlulumong napaupo sa isang tabi si Berta."Ang hirap pala talaga maging hindi kagandahan.Putcha!Sa talino niyang iyon ni hindi niya naramdamang nagoyo lang pala siya?!"Okey lang iyon Berta,atleast hindi mo binuhos lahat,may itinira ka sa sarili mo.Ok lang iyan!Mabuti nalang hindi pa ganoon kalalim. Kibit balikat niyang dinelete ang menasaheng iyon na nanggaling sa lalaki.At nagpatuloy na sa kanyang trabaho.
"Hindi ako martir.Tapos!"