"hoy Ian delos Santos, bago ba yang estudyante na yan? iyang papasok sa gate?" tanong ng tumatayong lider ng barkada na si Marlon Pineda. Unang tingin pa lang eh gago na at hindi gagawa ng maganda.
"Oo kaklase ko yan. Kahapon lang yan pumasok. Balita ko nga eh mayaman at malaki ang bahay." sagot ni Ian ng walang pag aalinlangan.
"Lon balita ko pa isa yang tagapagmana at matalino." dagdag naman ng isa pa nilang kagrupo. Si Danilo Escueta.
"gusto mo sundan natin mamaya para malaman natin kung saan ang mansyon nyan" si Chris,,ang pinakabata sa kanilang grupo. "huwag na muna ngayon hindi pa napapanahon na magdagdag tayo sa grupo natin." sagot ni Marlon
Lingid sa kaalaman ng grupo ay meron palang nakikinig sa knila. Narinig ni Michael Billones ang lahat lalo na ang plano ng grupo kay David. Kaklase niya ito at mabait sa kanya kaya't gusto nyang ipaalam ito agad kay David.
"aray.!! naku naman ang mga gamit ko."
"oi okay ka lang ba? Gusto mo tulungan kita? sa susunod kasi mag iingat ka,,oh eto na yong mga nalaglag mo" akmang tatalikod na si David. Nang pigilan sya ni Michael.
" kain tayo libre ko dahil tinulungan mo ako.Ano? tara? wag ka ng mag isip pa okay. Halika na"
Kumain nga silang dalawa at nagkakwentuhan at nagtawanan.
Nawala lang ang ngiti ni Michael nang makita nya sa may pinto ang barkada ni Marlon.
"hoy! Micahel anong nangyari sayo? hindi mo na ako kinibo! Sino bang tinitingnan mo doon at nawala ang konsentrasyon mo sa akin! Aba eh kung ganon eh iiwanan na kita."
"Sandali lang David may pinapakiramdaman lang ako." sapat na yon para tumahimik si David. Maging sya ay naging mapagmatyag na rin.
"kanina kasi..." paunang kwento ni Michael. " nong papasok ka ng gate ng school natatandaan mo kanina? Nong nabangga kita at nalaglag yong mga libro ko at iba pang gamit? Pati yong pag yaya ko sayo dito sa kantin,,planado ko yon para ilgtas ka at mawarningan sa grupo ni Marlon,"eh sino namang Marlon un? or bakit kailangan ko ng umiwas sa kanila. Sino ba sila?"
" ayon oh!! sa may pinto nitong canteen nakikita mo may apat na teenager puro lalaki ang nakatayo don? alam mo kung sino ang pinag uusapan nila?
" napasenyas na lang ng turo sa sarili si David Hindi nya kasi mapagtanto ang mga sinabi ni Michael sa kanya. bkit sya ang pinag uusapan ng grupong iyon. Una sa lahat wala pa syang kaclose na kapwa nya estudyante dito. Kahapon lamang ako lumipat at ngayon may gusto ng pumatay sa kanya!?
"Bakit? Sino ba ang grupong yon? Bakit hindi sila nahuhuli ng Prinsipal o wala man lang bang nagsusumbong sa teachers natin?" tanong ni David nang mahimasmasan na sya. "Hindi naman sa may gusto silang gawin sayo. Base sa mga narinig ko kanina eh gusto ka nilang irecruit,sundan at alamin kung saan ka nakatira. Alam kasi nila na mayaman ka at may malaking bahay."
"eh anuman naman ngayon eh hindi naman sakin ang mga yon kundi sa pamilya ko. Sino ba talaga ang mga yon?"
"Mga teenager silang lahat at pinakamatanda sa knila ay si Marlon. Hindi naman sila magkakaibigan dati. Si Marlon dahil sa knyang problema sa pamilya naisipang gumawa ng grupo at nagrecruit nga ng tatlo pa. Noong una mahilig lang silang gumawa ng g**o,,mangbadtrip ng kaklase at ngayon ay hindi lang ganon ang ginagawa nila kundi umaabsent na rin sa ibang subjects..At kanina narinig ko na irirecruit ka nila."
"ano bang nangyayari kapag narecruit nila?"
"ganyan ka narin. Walang direction sa buhay,,umaabsent sa klase,,nambabastos at nangbabadtrip"!
Dahil sa mga sinabi ni Michael napaisip si David. "Malamang hindi lang yon ang ginagawa ng grupo. At gusto ko iyong alamin. Sasali ako sa grupo ngunit mag oobserve muna ako." nasa malalim na pag iisip si David ng biglang mag bell. Hudyat para sa susunod nilang klase.