bc

Marrying A Serial Killer

book_age18+
581
FOLLOW
1.7K
READ
murder
dark
manipulative
tragedy
bxg
mystery
illness
lies
crime
brutal
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED

Isa lang naman ang hiling ni Dominique sa buhay, bukod sa matupad ang pangarap niya na maging isang sikat na fashion designer, ay ang mapansin ng lalakeng kanyang iniibig. Pero nang mapagbigyan siya ni tadhana, hindi niya inakalang kanya pala itong pagsisisihan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"WHAT have I done?” puno ng takot at pangamba na usal ni Dominique, habang nakatitig sa kaniyang duguan at nanginginig na mga kamay. Hindi ko sinasadya. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha mula sa kaniyang mga mata, kasabay ng pagbagsak niya sa sahig, dahil sa panghihinang kaniyang nararamdaman. Hindi ko talaga sinasadya. Nilukob siya ng matinding konsensiya dahil sa kaniyang nagawa, lalo na nang ibalik niya ang kaniyang paningin sa babaeng nakahandusay sa sahig, duguan, at wala nang buhay. “Hindi ‘to ang gusto kong mangyari. Hindi ko sinasadya.” Mabilis niyang iniling ang kaniyang ulo, habang hindi inaalis ang kaniyang paningin sa direksiyon ng duguan at hindi na humihingang babae. “Hindi ko ‘to kasalanan. Wala akong kasalanan,” kapagkuwa’y dugtong niya, at saka mabilis na pinahid sa uniform niya ang duguan niyang mga kamay. Wala akong kasalanan. Siya ang nauna. Kung hindi niya ‘ko inatake, hindi ‘to mangyayari. Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili na wala siyang kasalanan at malinis siya, habang pilit niyang tinatanggal ang dungis ng kaniyang mga kamay sa kaniyang suot na uniform. Tuloy pa rin sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Paano kapag nakulong siya dahil sa nagawa niya? Mas lalo siyang nilukob ng takot dahil sa isiping ‘yon. Ayo’kong makulong. Napakabata niya pa para mapunta sa likod ng mga rehas, kasama ang mga kriminal. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao? Ng mga magulang niya? Paniguradong masisira ang buhay niya. “Hindi puwede.” Muli siyang mabilis na umiling, habang nanlalaki ang luhaan niyang mga mata. “Hindi puwedeng masira ang buhay ko.” Mas lalo siyang nanginig sa takot at nagpatuloy sa pagpahid ng mga kamay niya sa uniform niya. “Bakit ba ayaw matanggal?!” kapagkuwa’y umiiyak na bulalas niya, dahil sa bakas ng krimen niyang hindi matanggal-tanggal sa mga kamay niya. Pero natigil siya sa pagkataranta niya nang maramdaman niya ang dalawang brasong pumalibot sa kaniyang katawan mula sa kaniyang likuran. Muling nanlaki ang kaniyang mga mata. Bakit ba nawala sa isip niyang hindi pa rin siya nag-iisang buhay sa silid na ito? May kasama pa rin siya, na saksi sa krimeng ginawa niya. “You did great, my kitten,” kapagkuwa’y bulong nito sa kaniya, na sinundan ng mahina nitong pagtawa. Kumawala siya rito’t mabilis na tumayo at lumayo sa lalake. Nanlalaki pa rin ang namumula at luhaan niyang mga mata nang harapin niya ito. “Ikaw ang may kasalanan nito! Ikaw ang nagtulak sa ‘kin na gawin ‘to! Ang sama-sama mo! Pa’no mo nagawang ipapatay ang sarili mong girlfriend?!” sumbat at paninisi niya sa lalake, pinipilit pa ring isalba ang kaniyang sarili sa kasalanang kaniyang nagawa. Ngumisi sa kaniya ang lalake. Sumulyap ito sa bangkay ng girlfriend nito, at saka mahinang tumawa, bago ibinalik ang paningin sa kaniya. He’s a psycho. Nakaramdam siya ng takot sa lalake. Paano kung siya naman ang isunod nito sa girlfriend nito? Ayo’kong mamatay! Mabilis siyang umatras nang tinangka nitong lumapit sa kaniya. Muli ay mahinang tumawa ang lalake dahil sa naging aksiyon niya. Namulsa ang lalake’t hindi na tinangka pa’ng lumapit sa kaniya. “Hindi naman ako ang sumaksak sa kaniya. Bakit sa ‘kin mo isinisisi ang krimen mo?” kapagkuwa’y nakangisi nitong tugon sa paninisi niya. “Pero inutos mo sa ‘king patayin siya!” sigaw niya rito. “At ginawa mo naman,” at mabilis na tugon nito. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao, dahil kahit ano’ng gawin niyang pagsalba sa sarili niya, alam niya sa sarili niyang siya pa rin ang may sala. Siya ang sumaksak kay Celine. Gamit ang sarili niyang mga kamay, kinitilan niya ng buhay ang babaeng karibal niya sa puso ng taong mahal niya. Kaya naman muli na lamang siyang napasalampak sa malamig na sahig ng silid na kanilang kinaroroonan, at saka niya naitakip sa mukha niya ang mga kamay niya’t nagsimulang humagulgol. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kaniya dahil sa ginawa niya. Isa na siya ngayong kriminal; isang mamamatay tao. Wala na siyang pinagkaiba sa mga masasamang taong napanonood niya sa balita’t kinasusuklaman ng mga tao. Isa na rin siya sa mga kasuklam-suklam na mga taong ‘yon. “Ano na’ng gagawin ko?” Nagpatuloy siya sa paghagulgol. Panigurado ring hindi siya patatahimikin ng kaniyang konsensiya. Iniluhod ng lalake ang isang tuhod nito sa kaniyang harapan, at saka nito tinanggal ang mga kamay niyang nakatakip sa kaniyang mukha, dahilan para muling tumambad dito ang mukha niyang basang-basa na ng luha na nahaluan na rin ng dungis ng dugo dahil sa mga kamay niya. Nagtama ang kanilang mga mata. Nawala na ang ngisi sa mga labi nito’t seryoso na ang mukhang nakatingin sa kaniya. Gamit ang sariling mga kamay nito’y pinahiran nito ang luhaang mukha niya. “It’s alright, Kitten. She deserved it, anyway,” kapagkuwa’y sambit nito. Hindi makapaniwala niya itong tinignan. “I’m not a psycho like you. Kung balewala lang sa ‘yo ang pumatay ng tao, ibahin mo ‘ko! Maldita lang ako, pero hindi ako isang kriminal!” hasik niya rito. Aminado siyang buwisit siya sa babae, dahil karibal niya ito sa lalakeng nasa harapan niya na matagal niya nang iniibig. Pakiramdam niya’y inagaw nito sa kaniya ang lalakeng mahal niya, kahit na kailan man ay hindi naman sila nagkaroon ng relasyon ng lalake. Pero never sumagi sa isipan niya ang patayin ito para lang maagaw ang lalake at maging kaniya. Hindi deserve ng babae ang mamatay nang ganito, gaya ng sinambit ng walang awang lalake na nasa kaniyang harapan. Hinaplos nito ang mukha niya. “That’s alright. You did great. Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako ma-di-disappoint sa ‘yo. You’re much better than her,” kapagkuwa’y sambit nito na tila’y hindi pinansin ang naging hasik niya rito, at saka ito matamis na ngumiti sa kaniya. Kaya muli na lamang siyang napahagulgol. Baliw na talaga siya! At pakiramdam niya’y pati siya’t malapit na ring masiraan ng bait dahil sa nangyayari. “Nakapatay ako ng tao! And that’s not alright! Pa’no kapag nakulong ako? Ang bata-bata ko pa! Masisira ang buhay ko! Ayo’kong masira ang buhay ko!” pag-i-isteriko niya. Hindi niya na talaga alam ang gagawin niya. Pakiramdam niya’y mababaliw na talaga siya sa takot, pangamba, at konsensiya na nararamdaman niya. Maling-mali ang nagawa ko. Hindi dapat ako humantong sa ganito. Bakit naging ganito?! Hinawakan siya ng lalake sa magkabilang mukha niya’t muli ay deretsong tumingin sa mga mata niya. “Hindi ka makukulong, Dominique. I won’t let that happen. Trust me. I promised you to marry you if you kill my girlfriend, didn’t I?” Ngumiti ito sa kaniya. “And you killed her. So, as my new girlfriend and my fiance, I must protect you. It’s my duty to protect my soon to be wife, after all.” Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga naririnig niya sa lalake. Is he serious? Hindi siya makapaniwala na talagang seryoso ito sa sinabi nito. Baliw na talaga ang lalake. Hindi ito ang lalakeng minahal niya. “Hiro…” kaya naman ang tanging naiusal niya sa pangalan nitong kaytagal na naging laman ng mga notebook at lamesa niya; ang pangalan na kaytagal nang nakaukit sa puso niya’t isinisigaw ng damdamin niya. Pero ngayo’y unti-unti niya nang pinagsisisihan na pinag-aksayahan niya ng panahon at damdamin ang lalakeng ito. Unti-unti na siyang nagsisisi na nakilala niya ito. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Umibig ako sa isang baliw na kriminal!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook