Kiara’s POV “Let go, Laurent!” Awat sa kanya ni Zap. Hinila niya si Laurent palayo sa ‘kin ngunit napasunod ako dahil ayaw talaga niya bitiwan ang buhok ko. Napaiyak ako sa sakit, naramdaman ko ang pagtanggal ng ilang piraso ng buhok sa anit ko. “No! She ruined my day! Ang saya na, eh! Umeksena ka pa! Papansin ka talagang babae ka!” Patuloy na pagwawal ni Laurent. Hinawakan ko ang kamay niya, pilit na inaalis ito sa pagkakasabunot sa buhok ko. “Taman na, Laurent! Please!” Pakiusap ko. Sa bawat hila niya tumutulo ang luha ko ngunit hindi ko magawang magalit sa kanya dahil kasalanan ko naman talaga. Nagpadala ako sa emosyon ko. Kung sana umalis na lang ako, sana sinolo ko na lang ‘yung sakit at hindi na sinabi kay Zap ang totoong nararamdaman ko. Kahit ako sa lugar ni Laurent, masasaktan

