Kiara’s POV “I should've just kept it to myself. I managed to hide it for years, ‘yung totoong nararamdaman ko kay Zap—ngayon ko pa ‘di napigilan ang sarili ko. Ang sama-sama ko mommy,” halos ‘di na ‘ko makahinga kakaiyak sa balikat ni mommy. “Let’s go home,” lumapit si Daddy. Kinuha niya ‘ko mula kay mommy at binuhat na parang bata. “Daddy…” para akong bumalik sa batang ako sa tuwing nadadapa ako. Si Daddy ang taga alo sa 'kin. Bubuhatin niya ko, yayakapin hanggang sa huminto ako sa pag-iyak at makatulog sa balikat niya. Niyakap ko ang mga braso kay daddy at nagpatuloy sa paghagulhol sa kanyang balikat. “You go home with us,” saad ni Daddy sa ‘kin. “It hurt dad. It hurt so much,” sumbong ko sa ‘kanya. I cried hard on his shoulder. “It will be fine, sweetheart. You’ll be fine. Da

