Chapter 12 Kiara’s POV Nagpatuloy kami sa pag-inom. Hinayaan lamang nila ako. Nakikinig lamang sila habang nilalabas ko ‘yung sakit. Ni hindi ko na mabilang kung nakailang can beers ako. Sobra ‘yung paghihinayang ko ngunit sobra rin ‘yung sama ng loob na nararamdaman ko kay Zap kasi ang dali, eh! Ang dali lang niya akong pinalitan sa puso ko. “‘Di ba? Kung talagang minahal niya ‘ko, it takes time to love again. ‘Di ba?” Tinignan ko sila isa-isa kahit sumasayaw na sila sa paningin ko ni ‘di malinaw sa paningin ko ang mga sagot nila kung tumatango o umiiling. Habang nagsasalita panay pa rin ang iyak ko. “Pero baka masyado lang talaga ako nag-expect na ganun kalalim ‘yung pagmamahal niya sa ‘kin,” humihikbi ako, putol-putol man ang pagsasalita ko ngunit nagawa ko pa ring isatinig ang na

