Kiara’s POV Sinamahan ako ng tropa kong uminom sa condo. Ramdam ko na ang pagkahilo. ‘Di ko na mabilang kung nakailang can beers na ‘ko. Hinayaan lamang nila ako. Hinayaan nila akong ilabas ang nararamdaman ko ngunit dama ko ang pag-aalala nila sa ‘kin. Sobra-sobra ko silang naappreciate lalo na si Rafa at Uriel, nagpaalam pa sila sa daddy nila na samahan ako kahit na birthday ng ama nila. Nilagok ko ang bagong bukas na can beer. Kay daming tumatakbo ngayon sa isip ko. Kahit na lasing na ko dama ko pa rin ‘yung sakit. Napahikbi muli ako habang tinutungga ko ‘yung beer. “Kiara,” tawag sa ‘kin ni Amber. Pabagsak kong binaba ang hawak na lata ng beer sa mesa. “Hindi ko alam. Hindi ko alam–ba’t nga ba ako umiiyak, sh*t!” Mapakla akong natawa at napatingala. Inis na pinunasan ko ang p

