HONEY “Please keep this, Aling Merceda.” Iyon ang s*x scandal video namin ni Kent doon sa isang hotel. “Why did you do this?” ang nakakuyom ang mga kamaong tanong sa akin ni Kent. Muli kong sinulyapan ang reaksiyon ng mga taong naroroon. Alam kong lahat sila ay diring-diri sa akin dahil sa paraan ng paghagod nila ng tingin sa akin. Rinding-rindi ako dahil sa napakalakas na aking pag-ungol mula sa naka-play na video mula sa malaking projector. Mabilis kong iiniwas ang aking tingin nang makita si Mr. Kenly Ong. Umiling-iling siya at tila hindi makapaniwalang nagawa ko ang bagay na'yon. “Sobrang nakakahiya ang ginawa ninyong dalawa! Sino ba ang bastos na nag-play ng Video na 'yon at itinapat pa talaga sa napakahalagang araw ng buhay ko?” Para akong matutunaw sa sobrang hiya dahil sa si

