“Hello sexy!” Napahinto ako sa paghakbang patungo sa loob ng elevator nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Dahan-dahan akong lumingon. Isang Janitor. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang pagkagat niya ng sariling labi sabay kindat. Muli akong humakbang upang magpatuloy sa loob ng elevator. “Sikat na sikat na po kayo sa building na ito, ma'am. Ang galing niyo palang gumiling sa ibabaw ni sir Kent. Baka naman, gilingan ni'yo rin ako,” ang mala-manyak na sabi niya. Hindi ko siya pinansin, pero sumunod siya sa akin sa loob ng elevator bitbit ang kan'yang kagamitang panlinis. Inaamin kong nakaramdan din naman ako ng hiya dahil sa mga sinabi niya, pero hindi pa rin ako nagpahalata, sa halip, taas-noo pa akong tumitig sa mga mata ng Janitor. “Wala akong oras para sa mga pangit na katu

