KABANATA 9

1339 Words
MARIE GOLD “Please…maawa ka sa akin Kent! Diba sabi mo dati mahal mo ako?” Hindi sumagot si Kent. Nanatili itong tahimik na nakayuko na tila gulong-gulo ang isipan. Napapaligiran ako ng mga pulis at anumang oras ay dadalhin na nila ako sa loob ng kulungan. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Oo, inaamin kong nakagawa ako ng isang malaking kasalanan, pero hindi ko akalaing, ang lalaking pinakamamahal ko pa ang magtutulak sa mga Pulis upang ipakulong ako. “Pagbayaran mo ang mga kasalanan mo, Marie Gold,” ang mariing saad ni Kent. “Paano na ako? Paano na tayong dalawa, Kent? Hindi ka ba naaawa sa akin?” umiiyak kong tanong. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata, ngunit hindi ko mabasa kung anong nais ipahiwatig ng mga 'yon sa akin. Isa lang ang alam ko, wala sa akin ang simpatya niya, bakit? Dahil si Monica lang ang mahal nito. Si Monica na handang ialay ang sarili nito, upang mapaligaya lamang siya. “Sige na! Pusasan n'yo na 'yan.” Mabilis namang ipinosas ng mga pulis ang dalawa kong mga kamay, subalit, todo piglas ako. Mahigpit ko munang niyakap si Kent bago pusasan ng mga pulis ang mga kamay ko. Wala namang humpay ang pagbagsak ng aking mga luha sa mga mata. “Maawa ka, nagawa ko lang ang bagay na'yon, dahil sa sobrang pagmamahal sa'yo, Kent. Ganoon kita kamahal, Kent.” Pilit namang iinaalis ni Kent ang katawan ko mula sa pagkakayakap ko dito. “Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo, Marie Gold! Hindi na ikaw ang babaeng minahal ko noon! Pagbayaran mo lahat ng mga ginawa mo.” “Paano ang kasalanang ginawa mo sa akin? Ninyo ni Monica? Kung tutuusin, sobra-sobrang parusa na ang dinanas ko, simula nang pagtaksilan niyo ako!” Umiiyak kong wika. “Araw-araw, gabi-gabi akong umiiyak. Nagtatanong kung paano niyo nagawa sa akin ang magtaksil? Durog na durog na ang puso ko, Kent! At sa tingin ko, tama lang ang ginawa kong pagpatay Kay Monica. Wala akong pinagsisisihan, sapagkat amanos na kaming dalawa!” Hindi ito makapaniwalang tumitig sa akin. “I can't believe you, Marie Gold. You're a killer!” umiigting ang mga pangang saad nito. “Nababaliw ka na!” “Oo Kent, at ikaw ang dahilan!” “Please, pakipasok niyo na po siya sa loob.” Utos ni Kent sa mga Pulis. “Hindi ko ito makakalimutan, Kent. Tandaan mo, gaganti ako sa oras na makalabas na ako dito!” Hindi nagsalita sa Kent. “And do you expect na makakalabas ka pa dito?” Biglang sumulpot mula sa likuran ni Kent ang Tiyahin kong kinamumuhian ko hanggang buto. Nakita kong mabilis itong humakbang papalapit sa akin, ngunit, hindi ko inaasahan ang biglang pagdapo ng mga palad nito sa pisngi ko. “Para 'yan sa pagpatay mo sa anak ko!” Sapo ang aking kaliwang pisngi na tinamaan ng sampal, pinilit ko pa rin ang harapin ito ng boung tapang. “Salamat!” mariin kong saad sabay sampal din sa pagmumukha nito. “How dare you?” akmang sasampalin ako nitong muli, subalit, mabilis na pumigil ang mga Pulis na naroroon. “Para saan ang sampal mo, Marie Gold? Ang kapal talaga ng mukha mo!” nanggagalaiting sigaw nito. Nakita kong lumapit si Kent, subalit nanatili lang itong nakatanaw sa aming dalawa ni Tita Helena. Sobrang seryoso ng guwapong mukha nito. “Para 'yan sa pagpapatay mo sa sarili mong kapatid! Para 'yan kay Mommy!” “Sinungaling! Hala, ipasok na'yan sa kulungan!” ang nag-aapoy sa galit na utos nito sa mga Pulis. “Please, no!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Si Daddy, nag-aalalang humahakbang patungo sa kinaroroonan ko. “Oh wow! Mukhang magaganap yata ang tearful moment ngayon ng mag-ama!” sarkastikong wika ni Tita Helena. Ngunit hindi ito pinansin ni Daddy. Dumiretso ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napaiyak ako nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. “Anong nangyari? Tinawagan ako ni Kent, kaya ako naparito.” Ang hirap, hindi ko alam kung paano sasabihin dito na ang kaisa-isa nitong anak ay nakagawa ng hindi mabuti sa kapwa. “Looks like she can't afford to tell you the truth, maybe I am the first who'll say it,” biglang sabat ni Tita Helena. My body is now trembling, as I looked into my Dad's eyes. “What truth?” “Your only daughter, is now a killer!” malakas na sambit ni Tita Helena, habang nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin. Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ni Daddy habang ipinagpalit-palit ang tingin sa akin at kay Tita Helena. “Is that true?” mahinang tanong ni Daddy sa akin. Napayuko ako at humagolhol ng iyak. “Yes, Dad! I killed my cousin Monica! I killed her with my own hands…” “It's not true, my M-Marie Gold… I-I-I don't b-believe you…” ang nauutal na saad nito. “Kent,” sabay baling ni Daddy kay Kent na ngayon ay sobrang tahimik mula sa isang sulok. “Was it true?” “Yes,” ang walang pag-aalinlangang tugon ni Kent. Napasigaw ako at akmang tatakbuhin ang kinaroroonan ni Daddy nang makita ko itong biglang nanginig ang boung katawan habang kapa-kapa ang kanyang dibdib. Inaatake ito sa puso. Kaagad namang nasalo ni Kent si Daddy nang akmang matutumba na ito. “Dad! D-Daddy….Daddy!!!” Nagpumiglas ako dahil hindi ko man lang nalapitan si Daddy, sapagkat sapilitan na nila akong ipinasok sa loob ng kulungan. Nasisiguro kong isinugod ni Kent si Daddy sa ospital. Walang tigil ang pag-iiiyak ko sa mga sandaling nasa loob na ako ng kulungan. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa sinapit ni Daddy. Subalit sa tuwing naaalala ko ang kataksilang ginawa sa akin ni Monica at Kent, may bahagi ng pagkatao ko ang hindi nanghihinayang. Masama na kung masama, pero si Monica ay itinuring kong pabigat sa aking dibdib, at ngayong patay na siya, naibsan na rin sa wakas ang pabigat na 'yon. “Hoy! Tumigil ka nga sa kangangawa d'yan!” Dahan-dahan kong pinahid ang aking mga luha at pumuwesto ako sa isang sulok nang marinig ko ang pagsasalita ng isa sa mga preso doon. Hindi ko maiwasang kabahan nang makita ko ang nakakatakot nitong awra. Barako ang pangangatawan nito at punong-puno ng tattoo. Kulot ang buhok nito at may morenang balat. “Halika, masahiin mo ako!” ang nakangising saad ng babae at saka dahan-dahang lumapit sa aking kinaroroonan. “Kung sa inyo, nakatira ka sa palasyo, dito naman, nakatira ka sa impyerno!” sigaw nito sabay sakal sa aking leeg. “B-bitiwan mo ako…” Mabilis naman nitong binitiwan ang leeg ko. Napaubo ako. “Madam, huwag mo naman sasaktan ang ating prinsesa. Tingnan mo, ang ganda niya,” saad naman ng isa pang babaeng preso, na mula sa likod nito. “Alam mo naman na sa ganitong paraan natin iwini-welcome ang mga bago…” nakangising tugon ng babaeng tinawag na Madam. Sa paglipas ng marami pang araw na pananatili ko sa loob ng kulungan, maraming pasakit at pagpaparusa ang ginawa ng mga kapwa ko preso sa loob. Naranasan kong kumain ng panis na pagkain, tubig na dinuduraan, pinaglilinis ng mabaho at maduming toilet bowl at naranasan ko na rin ang uminom ng ihi mula sa isa sa mga kasamahan ko. Pero ang mga pagdurusang iyon na naranasan ko sa loob ng kulungan, walang binatbat sa pagdurusa at pagdurugo ng aking puso ng mabalitaan kong nakaratay pa pala si Daddy sa ospital. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pangungulila sa kanya pero wala akong magawa. Gustong-gusto kong makalabas pero hindi ko alam kung paano. Hindi rin nagtagal, may nabuo akong malaking plano upang tuluyang makawala sa mala-impyernong buhay sa loob ng kulungan. Lahat ng pakikibagay ay ginawa ko sa mga kasamahan ko sa loob. Kinuha ko ang loob nila hanggang sa tuluyan nga akong nagtagumpay. Naging mabait na sila sa akin at sila ang naging kakampi ko sa aking maitim na planong pagtakas sa kulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD