KENT
Kanina pa ako nakatunganga sa harapan ng telepono. Nag-aatubili ako kung tatawagan ko ba si Honey. Hindi ko alam kung okay na ba ang kalagayan nito, pagkatapos nang pag-uwi nito ng wala sa oras kahapon.
Habang nanatiling nakatunganga sa harapan ng telepono, bigla na lang itong tumunog.
“Good morning, Sir.”
Awtomatiko namang napangiti ang aking mga labi. Tila may kakaibang excitement ang lumukob mula sa aking puso, sa mga sandaling narinig ko ang pamilyar na boses na 'yon, mula sa kabilang linya.
“I will just remind you about your business trip, today.”
“Honey, are you okay already?” sa halip ay nag-aalala kong tanong.
Isang buntong-hininga, bago ito sumagot.
“Okay na po ako. I will arrive in the office very soon. Marami pa po akong dapat asikasuhin,” saad nito sa tila inaantok pa na boses.
Napangiti ako nang marinig iyon.
“Can I come with you? I will pick you up!”
“No, I think it would not necessary. You have a business trip and you should not arrived late.”
“Maaga pa naman, Honey.” kat'wiran ko.
“Hindi na po talaga kailangan.”
“What if you will accompany me to my business trip?” bigla kong naisipang itanong.
“Mawalang galang na po, pero marami pa po akong asikasuhin doon sa opisina n'yo sir. Huwag po kayong mag-alala, pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho. Hindi ko po puwedeng iwanan ang mga nakabalikat na responsibilad bilang executive assistant niyo,” mahaba nitong saad.
“Honey, sino ba ang boss mo?” mariin kong tanong. Alam kong natigilan ito dahil sa biglang pananahimik mula sa kabilang linya.
“Kayo po,” pagkaraa'y tugon nito.
“Then, you should listen to your boss,”
Isang malakas na buntong-hininga bago ito sumagot.
“Okay po, sasama na.”
Alam kong napipilitan lang ito. Alam ko rin na marami pang dapat nitong asikasuhin sa opisina kagaya ng ipinag-uutos ko, pero mas gusto ko itong makasama sa business trip ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang pilitin itong sumama, pero iisa lang ang alam ko, hinahanap ko ang presensiya nito palagi. It's weird I know. Ako itong nagse-set ng boundary between us, pero at the end, ako pa rin naman pala ang lalapit dito.
“Then you should not present to the office. Just stay there and wait for me.”
“Sir?”
Ang gulat na magandang mukha ni Honey ang sumalubong sa akin mula sa pintuan ng apartment nito. Nakita ko kasing bukas ang gate pati na rin ang pintuan ng kan'yang apartment kaya dumiretso na ako ng pasok. Mabilis niya naman akong iginiya sa loob at pinaupo sa maliit niyang sala.
Palihim kong pinagmasdan ang kabuuan ng dalaga. Ayon nanaman ang kakaibang init at pananakit ng puson ko nang masilayan ko ang napakaseksi nitong katawan.
Isang plane white dress na medyo hapit sa kan'yang katawan ang sout niya ngayon. Napasinghap ako nang mapagtanto kong wala pala itong sout na bra dahil bakat na bakat doon ang kan'yang tayong-tayo at malulusog na dibdib. Alam ko rin kung anong kulay ng sout nitong panty ngayon.
“I'm sorry, I think you should change yo…”
Hindi ko naipagpatuloy ang pagsasalita nang makita ko ang tila slow motion na paghawi nito ng kan'yang buhok.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at pilit na iniwasang dumapo sa katawan nito ang makasalanan kong mga mata.
“Masyado pa pong maaga, bakit nandito na po kayo?” ang nakapamaywang nitong tanong.
“W-wala lang,” tugon ko na hindi nakatingin dito.
“Teka lang po, ipagtitimpla muna kita ng kape,” saad nito kapagkuwan. Mabilis itong tumalikod at nagtungo sa maliit n'yang kusina.
Hindi ko maiwasang sermunan ang aking sarili dahil, talagang inaabangan ko ang paglalapag nito ng kape sa mesa.
“Here's your coffee!” ang masiglang wika ng dalaga, sabay lapag ng tasa ng kape sa mesa.
I simply bit my lower lips as I looked at those peeking cleavages of Honey.
“Okay lang po ba kung iiwanan muna kita dito?” kapagkuwan ay tanong ng dalaga.
“Bakit? Saan ka pupunta?” taka kong tanong.
“Maliligo lang naman…” tugon nito sa tila nang-aakit na boses. Hindi ko maiwasang mapailing at mapahigop agad ng kape, kahit sobrang init.
“S-sure!” mabilis kong saad at pilit na iniinda ang sakit ng aking dila na napaso ng ininom kong kape.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay wala na ito sa harapan ko. Nang maramdaman kong medyo kaya ko nang higupin ng diretsahan ang kape, inisang lagok ko na lamang iyon.
Panay ang pagsulyap ko sa aking relos, napansin kong halos nangangalahating oras na ang dalaga sa loob ng banyo.
“H-honey, are you done?” hindi ko napigilang tanong.
Tumayo ako nang hindi ito sumagot. Humakbang ako patungo sa pintuan ng banyo. Marahil ay hindi pa ito natatapos sa paliligo, dahil sa patuloy na paglagaslas ng tubig mula sa loob.
Akmang tatalikod na sana ako nang makita ko ang biglang pagbubukas ng pintuan ng banyo.
Napalunok ako nang makita ang bagong ligo na si Honey, sout ang kan'yang puting bathrobe. Sumalubong sa ilong ko ang mabangong amoy ng sabon nitong gamit.
“Sir? Bakit kayo nandito? May kailangan po ba kayo?” gulat na sunod-sunod nitong tanong.
Mabilis akong tumalikod at sinulyapan ang aking relos.
“Please be hurry, we're getting late!” kunwa'y masungit kong saad.
“Naku, pasensiya na po! Napasarap yata ang paliligo ko, kaya hindi ko namalayan ang oras,” saad nito.
“Okay!” tugon ko at muling bumalik ng pagkakaupo sa sala.
Ilang saglit lang ay nakapagbihis na rin si Honey.
“Ay, hindi pa pala ako nakakapag-breakfast,” ang nakasimangot nitong wika.
“D-dont worry, ako rin naman hindi pa, dadaan na muna tayo sa paborito kong restaurant.”
“Ang sabi niyo po, we're getting late na? Bakit pa tayo dadaan sa restaurant para kumain?” taka nitong tanong.
“No more questions, okay?”
Kumain nga kami sa mamahalin at paborito kong restaurant.
“Garlic butter shrimp,” narinig kong saad nito habang pinagmamasdan ang garlic butter shrimp na nakahain sa mesa.
“Masarap 'yan,” nakangiti kong saad. Ako na mismo ang naglagay niyon sa kan'yang plato.
“Hindi po ako kumakain n'yan,” nakasimangot nitong saad.
“Sayang, pero masarap talaga 'yan. Baka gusto mo pa rin subukan?”
“Hindi po talaga. May allergy po ako sa hipon.”
“Okay, then. Pero alam mo bang paborito 'yan ni Monica?”
Napansin ko ang pagdilim ng anyo ng maganda nitong mukha.
“I don't care about Monica!”
Nagulat ako dahil sa biglang pagtataas ng boses nito.
“What's wrong?” hindi ko napigilang tanong.
Hindi ito kaagad sumagot.
“Hindi ko gustong makarinig ng pangalang Monica. Dahil para sa akin, ang pangalang iyon, ay pangalan ng mga taksil!”
“Excuse me, maaari ko bang malaman, is this Monica is your ex-boyfriend's affair?”
Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ng dalaga at halatang nagulat.
“How did you know?”
“Wala lang, naikuwento mo dati 'diba about sa pag-che-cheat ng ex-boyfriend mo? Kaya naisip ko rin, na baka doon nanggagaling ang galit mo. Na baka Monica rin ang pangalan ng babaeng ipinagpalit sa'yo ng ex mo.”
Hindi ito nagsalita, bagkus, nag-umpisa na itong kumain ng tahimik.
“Pasensiya ka na kung ipinaalala ko muli sa'yo about your painful past.”
Walang sagot mula sa dalaga.
“I promise, hindi ko na babanggitin sa harapan mo ang pangalang Monica.”
“Maraming bagay ang nakakapagpaalala sa akin about my pasts. Marinig ko man o hindi ang pangalang Monica, may isang tao naman na palaging dahilan kung bakit ko naaalala ang mga 'yon araw-araw.”
Gusto ko pa sanang magtanong kung sino ang taong 'yon, pero pagsulyap ko sa aking wrist watch ay napatayo ako kaagad.
“Lets go, mala-late na tayo sa business trip natin,” saad ko at kaagad itong hinila palabas ng restaurant.
“I'm sorry, alam kong hindi ka pa tapos kumain, pero babawi na lang tayo mamaya.”
Hindi sumagot ang dalaga. Parang masama talaga ang epekto ng pagkarinig niya sa pangalang Monica.