KENT
“Ano na ang balak mo, Kent? Nasaan na ang sinasabi mong mahal mo ang anak ko? Bakit hindi mo pa rin maibalik sa kulungan si Marie Gold?”
Ang nanggagalaiting si Tita Helena ang bumungad ng umaga ko.
“Tita, please calm down. Ipapaasikaso ko muli ang paghahanap kay Marie Gold.”
Nagpaikot-ikot ito sa harapan ko na tila hindi alam ang gagawin.
“Kung hindi siya kayang hanapin ng mga Pulis, ipapahanap ko siya sa mga tauhan ko, at kapag nakita siya, ako mismo ang papatay sa kan'ya!” ang mala-tigreng saad nito.
Inaamin kong hindi ko nagustuhan ang aking narinig. Kilala ko si Tita Helena, lahat ay kaya nitong gawin. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman ko ang hidwaan sa pagitan nito at ng sarili nitong kapatid noon.
“Tita, ako na mismo ang maghahanap kay Marie Gold.”
“What? Alam mo Kent, parang nasisira na rin ang tiwala ko sa'yo. Paano kung nahuli mo si Marie Gold? Alam kong hindi mo siya kayang ibalik muli sa kulungan!”
“Kaya ko, Tita! Ako mismo ang nagpakulong sa kan'ya noon, imposibleng hindi ko magagawa iyon sa pangalawang pagkakataon!” nakakasiguro kong wika. Sinabi ko lang 'yon upang tumigil na ito.
“Tatandaan ko 'yan, Kent!” Wika nito sabay talikod at nagmartsa palayo.
Pabagsak akong umupo sa sofa. Ang dami kong iniisip sa trabaho, dumadagdag pa itong kaso ni Monica at Marie Gold.
Sinulyapan ko ang aking relos, mahuhuli nanaman ako sa trabaho. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho.
Simula nang maging C.E.O ako sa Abrogar's Group of Company, palaging tila isa nang robot ang bawat galaw ko.
Dahil ako ang pumalit sa puwesto ng aking ama bilang isang magaling na C.E.O, kailangan kong pantayan o higitan pa ang pagiging magaling nito, ayon na rin sa palaging ipinapaalala nito sa akin.
“Good morning, Sir!” Kaagad akong napalingon sa babaeng katabi ko sa elevator. Hindi ko napansin kanina na may kasama pala ako doon.
“Honey?" kunot ang noo kong tanong.
“Yes, Sir.” tila nahihiyang tugon ng dalaga. Nagyuko ito ng tingin nang pagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa.
“Mabuti naman at hindi ka na nagsususuot ng mga fancy dress.”
I noticed her attire now, it looks formal.
She is now wearing a gray blouse plain, V-neck lapel and paired with a mini skirt that is close to her hips and black close shoes with a height of three inches.
She looks sexy as always.
Just a few moments later, the elevator suddenly opened and three male employees of the Abrogars group of companies entered.
Pansin ko ang kakaiba at malalagkit mga tingin ng tatlong 'yon sa katabi kong si Honey.
“Good morning, Sir. And to you, miss beautiful and sexy,” halos magkasabay-sabay pang bati ng tatlo, na hindi pa rin nawawala ang malalawak na mga ngiti.
Tumango lang ako sa tatlo. Pero pansin ko ang tila pagpapakyut ni Honey sa tatlong kalalakihan. Nakita ko ang pagkagat nito ng pang-ibabang labi na pulang-pula. Tumuwid pa ang dalaga ng tayo na tila ibinabandera ang kan'yang malalaking dibdib. Mabilis kong pinigilan ang mga kamay ng dalaga ng mamataan kong dahan-dahan nitong itinataas ang kan'yang mini skirt na parang nais pa talaga nitong ipakita ang kan'yang mga hita.
Pagdating namin ng opisina ko, tinadtad ko ito ng sermon.
“What do you think you're doing, Honey?”
“Ang alin po?” pa-inosenteng tanong nito.
“God, Honey!” Gigil kong wika. “Ang ginawa mo kanina sa elevator!”
Nakita kong napakamot ito sa ulo pero hindi sumagot.
“Tigang ka ba at nang-aakit ka na?” hindi ko mapigilang tanong. Gulat itong napaangat ng tingin sa akin.
“Ako tigang, Sir?” tanong nito na itinuturo ang sarili.
“Bakit may iba pa ba?”
“Kung sabihin kong oo, kaya niyo po ba akong diligan?” seryoso nitong tanong, bagay naman upang tila maipako ako sa aking kinatatayuan.
“Wala pala kayong kaya! Kaya hayaan n'yo po akong makipaglandian sa mga lalaki!”
Tila umakyat ang dugo ko sa aking ulo dahil sa narinig.
“Huwag mo akong susubukan, baka makalimutan kong ikaw ang executive assistant ko,” mariin kong saad.
Nakita kong tumaas ang kaliwa nitong kilay habang nakapamaywang naman na nakipaglabanan ng titigan sa aking mga mata.
“Okay lang naman po sa akin na makalimutan niyo,” makahulugang saad nito.
Hindi ako kaagad na nakasagot. Hindi ko alam kung paano hahagilap ng mga salitang dapat na ibabato sa dalaga. Kaunti na lang makikita nito ang kan'yang hinahanap.
“Wala akong pakialam kung makipaglandian ka sa kahit na sinong lalaki, ang gusto ko lang malaman mo na ilagay mo sa tama ang gusto mong mangyari.”
“Okay po.”
“Leave this office now!”
“Ay teka lang naman sir, kararating lang natin. Baka puwedeng umupo saglit?”
Isang buntong-hininga na lamang ang tanging naging tugon ko. Mukhang mauubos yata ang pasensiya ko dito.
Nagtungo ako sa aking mesa. Umupo ako sa swivel chair at tahimik na pinagmasdan ang nakaupong dalaga.
“Please organize this documents!” saad ko pagkaraan at itinuro sa kanya ang mga dokumentong nakapatong sa aking mesa.
Kaagad naman itong tumalima upang gawin ang utos ko.
“One more thing, you can't be late! Ngayon ay late ka, next time you have a punishment, kapag ginawa mo ulit 'yon.”
“Kayo din naman po, late.”
Umigting ang mga panga ko dahil sa narinig. Hindi na lang ako nagsalita pa.
“Ano po palang punishment?” tila natutuwa pang tanong nito.
“Ipapasisanti kita!”
“Ay, Kakaiba naman po na punishment 'yan sir! Maawa naman po kayo sa akin…”
Natigilan ako nang maalalang, ulilang lubos pala ang dalaga. Kapag tinanggal ko ito sa trabaho, kawawa ito.
As usual, pagkatapos ng office works, nakasabay ko nanaman si Honey sa aking sasakyan. Namimihasa na yata ito dahil talagang nagpapahatid pa ito sa akin pauwi ng kan'yang apartment. Puno naman ako nito ng pangungunsensiya kaya napapayag ako nito bandang huli.
Kinabukasan ay maaga na talagang dumating sa trabaho si Honey.
“Good morning sir, I have already settled your business trip, tomorrow eight O'clock in the morning.”
Tumango lang ako at hindi na ito pinansin pa. Nag-umpisa na akong magtrabaho.
“Do you want a coffee, Sir?”
“It's not your job.” tugon ko nang hindi nakatingin dito. “Well, if you insist.”
Ilang saglit lang ay nagtaas rin ako ng tingin nang mula sa gilid ng aking mga mata, nakita kong hindi tumalima ang dalaga upang ipagtimpla nga ako ng kape, katulad ng sinabi niya.
“Bakit nakatunganga ka lang d'yan?” taka kong tanong.
“Ito na nga,” maagap nitong saad at mabilis na tumalima.
Ilang sandali lang ay ginaluntang ako ng sunod-sunod na tunog ng aking telepono.
“Hello, good morning.”
“Anu na Kent? Wala ka bang balak sa Marie Gold na 'yon?”
Napahilot ako sa aking sentido ng mabosesan si Tita Helena sa kabilang linya.
“As of now, wala pa akong nagagawang hakbang Tita Helena per…”
“Oh my god, Kent!” bulyaw nito sa kabilang linya. “Kailan mo balak, Kent? O baka naman itinatago mo si Marie Gold?” ang nagdududang tanong nito, bagay naman na ikinagulat ko.
“What you're thinking now was wrong, Tita Helena,” mahinahon kong saad. “I assure you, Tita. Ako na mismo ang magpapahuli kay Marie Gold.”
“Talaga lang, Kent? Baka nga mahal mo pa ang killer na 'yon kaya hindi mo magawang ipahanap siya!”
“Hindi ko mahal si Marie Gold, Tita Helena. Si Monica lang ang mahal ko.”
Ang malakas na bagsak ng telepono ang sumagot sa pandinig ko. Pabagsak kong ibinaba ang telepono. Natigilan ako nang pag-angat ko ng paningin ay nakita ko si Honey sa harapan ko, bitbit ang tasa ng kape. Naalarma ako ng makitang sobrang putla nito. Namumutla ang kan'yang mga labi habang nakatitig sa akin. Pansin ko ang pangingilid ng mga luha sa kan'yang mga mata.
Mabilis akong tumayo upang lapitan ito ngunit, nagulat ako nang mabilis nitong ibinaba ang hawak na tasa ng kape at walang paalam na tumakbo ito palabas ng aking opisina.
Hindi ko naintindihan ang ikinilos niya. Dahil sa pag-aalala, mabilis kong sinundan ang dalaga.
“Honey, are you okay?” tanong ko. Nakita kong hindi pa nakakalayo ang dalaga. Palakad-takbo ang ginawa ng dalaga sa mahabang pasilyo hanggang sa narating nito ang elevator.
Mabilis akong tumakbo upang habulin ang pagsasara ng elevator, mabuti na lang ay nakapasok ako kaagad.
“Honey, masama ba ang pakiramdam mo?” ang nag-aalala kong tanong. Kaming dalawa lang ang nasa loob.
“Bakit po kayo sumunod sir?” sa halip ay tanong nito. Pansin kong pasimple itong nagpahid sa kan'yang mga mata, gamit ang hawak na puting panyo.
“Are you crying?”
“Hindi po, Sir.” nakayukong tugon nito.
Mabilis kong kinuha ang kan'yang mga kamay.
“Namumutla ka kanina, may masama ba sa pakiramdam mo?”
Ilang segundo bago ito sumagot.
“Opo…” tugon nito. “Nag-I-LBM po ako.”
Natigilan ako dahil sa naging sagot nito.
“At bakit ka naman tumakbo palayo? May CR naman doon sa loob?” nagtataka kong tanong.
“Eh, hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko. Anytime puwede pong…you know,” naiilang nitong tugon. “Kaya naisipan kong umuwi na lang ng bahay,” dugtong nitong saad.
“What? Mas mali ang gagawin mo,” saad ko at kasabay niyon ay ang pagbukas ng elevator.
“Okay, kung talagang masama ang pakiramdam mo, I will let you go home and rest. O kaya, dadalhin kita sa doctor,” nag-aalala ko pa ring saad.
“Huwag na po!” maagap nitong pagtanggi.
Nagsuhestiyon pa ako na ihahatid na ito pauwi, pero mabilis itong tumanggi. Nanatili na lamang akong nakatanaw sa papalayong dalaga.