MARIE GOLD
Kuyom ko ang aking mga kamao, habang pinagmamasdan ang litrato ng lalaking nanloko sa akin noon. Ang lalaking bumuo sa akin, subalit sa bandang huli, ito lang pala ang wawasak sa puso ko.
Ang tagal kong kinimkim ang sakit sa aking dibdib, at ngayon ay hindi na ako papayag na masaktan muli. Gagawin ko ang lahat upang makapaghiganti.
My life now was all alone. I have no my family who will comfort me. Wala akong mapaghihingahan ng sama ng loob.
God knows how I missed my father too. Kung puwede nga lang na lumantad na, upang makita ko ang Daddy ko, matagal ko nang ginawa. Pero hindi pa ako tapos sa aking misyon. Hindi ko pa nagagawang makapaghiganti sa lalaking nanakit sa akin. Kapag naging maayos na ang lahat, saka na ako magpapakita sa kan'ya. Sa ngayon, titiisin ko na lang muna ang matinding pangungulila sa kanya.
Wala akong ibang hinahangad ngayon kung hindi ang makaganti kay Kent. Kung napatay ko man noon si Monica, sa tingin ko, wala akong dapat pagsisihan. Pinagdusahan ko na ang nagawa ko sa kan'ya. Kung tutuusin, sobra-sobrang pagpaparusa na'yon, dahil humantong ako sa ganitong sitwasyon, mas mahirap pa sa pinakamahirap. Idagdag pa ang pangungulila ko kay Daddy.
I am too eager na makaganti, sapagkat siya ang pinakamalaking dahilan kung bakit nawasak at nadurog ang buo kong pagkatao. Ang sakit lang kasing isipin at tanggapin, na siya mismo ang naghatid sa akin sa kulungan upang ipakulong at pagdusahan ang nagawa kong kasalanan kay Monica.
Hindi ko inakalang hahantong kami sa ganitong sitwasyon. We are best of friends dati, hanggang sa nagkamabutihan kami at nagkaroon ng espesyal na relasyon. Halos buong kabataan ko ay kasama ko na ito. Who would have thought that these happening to us. Alam kong matagal nang namatay ang puso nito para sa akin, simula nang makilala nito si Monica. Ang sakit talagang makita kung gaano ito kagalit sa akin nang malaman niya ang pagkamatay ni Monica. Ibig-sabihin lang n'yon, hindi niya na talaga ako mahal. Wala na ang dating Kent na nakilala ko. Ibang-iba na siya. Hindi nga rin siya nakinig sa mga paliwanag ko noon. Basta ang tingin niya sa akin, isa akong kriminal.
“Please let me go, Marie Gold!” galit at nanlilisik ang mga matang sigaw ni Monica mula sa backseat ng aking sasakyan.
“I won't let you go! I will let you feel the hotness of hell!” galit kong sigaw habang nagmamaneho.
Hinigpitan kong mabuti ang pagkakatali sa mga kamay nito, habang nakapiring ang kan'yang mga mata.
Magkadugo kami, ngunit, ni katiting na awa ay wala akong nararamdaman sa mga sandaling 'yon.
Simula pa nang mga bata pa kami, ay wala kaming maayos na relasyon noon. Ang Mommy at Mommy nito ay magkapatid. Hindi kami magkasundo, maging ang mga magulang namin.
Kahit mga bata pa kami noon, hindi na lingid sa akin ang kaalamang, isang sakim at ganid sa kapangyarihan ang Ina nito.
Ang lahat ng kayamanan, at mga lupain ni Mommy sa probinsya ay pilit na inaangkin ng Mommy ni Monica. Palaging nakakatanggap si Mommy nang mga pagbabanta mula sa sarili nitong kapatid. Dahil gustong ipaglaban ng Mommy ko ang kan'yang karapatan para sa mga kayamanan at lupain, lumaban siya sa sarili niyang kapatid, subalit hindi namin inaakala ni Daddy na, iyon mismo ang magdadala sa kan'ya sa kapahamakan.
Ipinadukot si Mommy ng sariling kapatid at ipinapatay sa kan'yang mga tauhan. Nakaranas din ako ng trauma noong ipinautos ni Tita Helena na takutin ako ng kan'yang mga tauhan. Ipinahabol ako sa dalawang malalaking aso doon sa talahiban.
Hindi pa rin naangkin ng sakim na kapatid ni Mommy ang nais nitong agawin na kayamanan at nagsisilawakang mga lupain sa probinsiya ng Cebu. Ang sakit lang isipin na kayang balewalain ang isang kadugo alang-alang sa kapangyarihan.
Ngayon, ang gagawin ko ngayon kay Monica ay gusto ko ring ipadama sa mga magulang nito. Gusto kong ipalasap kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.
“Saan mo ako dadalhin, hayop ka?” galit na tanong ni Monica at pilit na kumakawala mula sa pagkakatali nito.
“Ipaparanas ko lang naman sa'yo, ang ginawa ni Tita Helena, sa Mommy ko!” saad ko.
“Are you insane?” Asik nito. “Kapag ba utang ni Juan, kailangan si Pedro ang magbayad?”
“Shut up!” sigaw ko. Saglit kong ihininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada at galit na hinarap ito. “At para na rin ito sa pang-aagaw mo kay Kent!”
“Pang-aagaw? No, hindi ko inagaw sa'yo si Kent! Hindi ko kasalanan kung pinagsawaan ka na n'ya!” Galit nitong singhal.
“Excuse me, hindi kasawa-sawa itong mukhang ito!”
“Marahil nga, pero siguro sa pagiging nerd mo, nagsawa na s'ya sa'yo! Hoy, Marie Gold, imulat mo ang 'yong mga mata! Ang mga lalaki, kailangan nilang magdilig sa kanilang mga harden, eh kaya ka iniwan, kasi, masyado kang nagpapahalga sa virginity mo, napakalosyang at walang kang pakialam kung nagmumukha ka nang lola!”
Isang sampal ang dumapo sa pisngi nito. Galit kong muling pinaandar ang sasakyan, bagay naman upang magtittili ito sa sobrang takot.
“Huwag mo akong ikumpara sa'yo, mas mamatamisin kong huwag magpagalaw sa isang lalaki, kaysa tulad mong, walang pagpapahalaga sa sarili!”
Dinala ko si Monica sa islang pag-aari ni Daddy. Ipinaranas ko sa kan'ya sa loob ng isang bakanteng silid ang gutom at uhaw. Nanatili kami doon ng halos tatlong araw.
Masama na kung masama, pero at this point, pakiramdam ko sinapian ako ng sampung demonyo.
“Alam mo, kahit patayin mo pa ako, ako at ako lang ang mamahalin ni Kent. Sa katunayan, pinangakuan niya na ako ng kasal. Sinabi n'ya rin sa akin na hindi ka na niya talaga mahal. Na mas masaya siya sa piling ko, na pinakikisamahan ka lang niya, dahil naaawa siya sa'yo.”
Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang pagsasalita ni Monica.
Parang nilamukos ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit na marinig ang mga 'yon.
Pakiramdam ko rin, namanhid ang bou kong katawan, at umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.
“Simula nang makarating ako ng Pinas, at makilala ako ni Kent, nabaliw na siya sa akin. Mabilis niyang kinalimutan ang matagal n'yong pinagsamahan! We always having s*x everytime na nagkikita jami. Ngayon, sabihin mo sa akin, kung ano ang puwang mo sa buhay ni Kent?”
Pagkarinig niyon, wala sa sariling binunot ko ang baril na nakatago sa aking baywang. Itinutok ko kay Monica ang baril, ngunit ni katiting ay wala man lang akong nabakas na takot mula sa mukha nito.
“Kill me, Marie Gold! Alam mo ba, ang lahat ng bagay na nasa sa'yo, gusto ko rin mapasa'kin? Kasi, ayaw kong maging masaya ka! Ngayon, kapag pinatay mo ako, alam kong mas lalong hindi mapapasayo si Kent. Hindi ka magiging masaya, mark my words! Dahil alam kong nasa akin lang ang simpatya ni Kent! Akin lang ang puso ni Kent!”
Naging sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha, habang nakatutok pa rin dito ang hawak kong baril. Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang baril na nakatutok kay Monica.
Gustong-gusto ko nang barilin ito, ngunit tila may pumipigil sa akin. Pero naisip ko rin, kapag wala na si Monica, baka mahalin ulit ako ni Kent. Mahal na mahal ko si Kent, at handa akong pumatay alang-alang sa pagmamahal ko para dito.
Isang patak ng aking luha, isang kalabit ng gatilyo ng baril. Nanginig at namanhid ang buo kong katawan nang makita ko ang tila slow motion na unti-unting pagbagsak ng duguang katawan ni Monica. Huli na para maisip ko na isang pagkakamali ang nagawa ko.