HONEY
“Sir, you have a meeting today, ten in the morning with the board of directors.”
Napahinto ako sa pagtipa sa computer ko nang biglang magsalita ang aking executive assistant na si Honey. Hindi man lang ito kumatok sa labas. Simula ngayong araw na ito, I will try to get myself distanced to her. Ayaw kong may hindi magandang maganap. Ilang beses kong ipinangako sa aking sarili na hinding-hindi na muling gagawa ng kalokohan, dahil sisingsisi na ako sa lahat ng mga pangyayari.
Pinilit kong isineryoso ang aking mukha bago bumaling sa dalaga, subalit napaawang ang mga labi ko nang mapansin ang makapigil-hininga nitong kaseksihan dahil sa sout nitong fancy dress.
“Okay. Will you please change your outfit, next time you enter in my office? Wear a formal dress.”
Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ng dalaga at saka pasimpleng sinuri ang sarili.
“Excuse me sir, I am always wearing a dress like this, bakit ngayon lang po kayo nag-react ng gan'yan?”
Natigilan ako at wala akong maapuhap na sagot.
“I am your boss, and you will follow me. Wear a pormal dress so that, everybody would respect you!” mariin kong saad, bagay naman upang magtakang tumingin ito sa akin, subalit hindi na ito nagsalita pa.
“You may leave this office now!”
Tila binuhusan ang dalaga ng malamig na tubig nang lumabas ito sa aking opisina.
Hindi ko naman mapigilan ang makonsensiya nang sa wakas ay makalabas na ito ng aking opisina dahil sa inasal ko.
But it's better that I did that.
And I should not be getting close to her.
When it comes to work, only work should be involved.
No special treatment like I did the day before.
Kinabukasan, napakunot muli ang aking noo nang mapansing, mas lalong naging mainit sa paningin ko ang kaseksihan ng aking executive assistant na si Honey. Hindi yata nito naintindihan ang aking sinabi kahapon. Mas lalong lumuwa ang cleavage nito sa kan'yang sout na fancy dress. Napapansin kong, mahilig ito sa mga fancy dress. Tila isa itong buhay na manika kung pagmamasdan ang kabuuan ng dalaga.
After office hours, I quickly headed to the parking lot.
I immediately opened my car and got in there.
I need to visit Monica's grave now.
As I maneuvered my car, I noticed a woman in the side mirror, who's standing alone. She was familiar to me.
“Honey?”
Mukhang may hinihintay ito. Pero ang alam ko, walang sumusundo sa dalaga at mas lalong wala itong sasakyan na maaaring iparada sa parking lot.
I operated my car in reverse, and I stopped next to where the girl was standing.
I noticed her constant glancing at her wrist watch.
“What are you doing here?” Iritable kong tanong.
“Isn't it obvious sir? Hinihintay ko po kayo!”
“What? At bakit mo naman ako hihintayin?” inis kong tanong.
“Kayo naman sir, masyado pong makakalimutin! Siguro withdrewal po kayo ng girlfriend n'yo no?”
Mas lalo akong nainis sa naging sagot nito. Yeah withdrewal nga kami noon ni Monica pero anong kinalaman n'yon para sabihin nitong makakalimutin ako?
“'Di po ba dati, palagi n'yo po akong ihinahatid sa pag-uwi?”
Natigilan ako. Talagang ganoon nga ang gawain ko dati, pero dati 'yon.
“Maghintay ka nalang ng tricycle,” ang malamig kong saad.
“Bakit po? Naku, hindi po puwede! Madalang lang ang dumadaan dito na mga tricycle, marami pa naman din ang mga adik, gusto niyo po bang may mangyaring masama sa akin? Ikaw rin, can't you see how sexy am I? Sure akong maraming lalaking gustong tumikim sa akin!”
Hindi ako makapaniwalang tumitig dito. At talagang nagawa pa nitong konsensiyahin ako?
“Okay, get in!”
So talo pa rin ako hindi ba?
Nakita ko ang abot-langit nitong pagngiti nang sa wakas ay nakasakay na ito sa sasakyan ko. May pasipol-sipol pa ito.
“Bakit diyan ka sa likod sumakay?” inis kong tanong.
“Ano bang masama, sir?”
“Walang masama, eh nagmumukha mo akong driver!”
Naimbyerna ako nang bigla itong humalakhak.
“Alam niyo po, kahit sa front seat o back seat pa man ako pumuwesto, kayo pa rin ang driver ko for today's video!”
“Anong video?” inis kong tanong.
“Ah basta! Uso na 'yan ngayon. Huwag mo nang isipin.
Ihininto ko ang sasakyan at pilit na pinaupo ito sa harapan.
“Ngayon po sir, nakikita niyong nasa harapan na nga ako, sa tingin niyo po, sino po ang nagda-drive ngayon?”
“Ako! May iba pa ba?”
“See? Sa harapan o sa likod man ako umupo, you're still my driver!” wika nito sabay halakhak.
Hindi na ako kumibo. Wala rin kasi akong itulak kabigin dahil totoo naman pala ang sinabi nito.
“Can we stop there, for a while?”
Narinig kong tanong nito. Sinulyapan ko ang itinuturo nito. Isang Coffee house. Natigilan ako sapagkat naalala ko si Marie Gold.
“Ano naman ang gagawin natin diyan?” Iritable kong tanong. Muli, ito ay humalakhak.
“You are well-educated, but how come na hindi mo alam ang gagawin sa loob ng Coffee House?”
Isang buntong-hininga lang ang tanging naging sagot.
“O, bakit hindi ka pa bumababa?” taka kong tanong sa dalaga nang mapansin kong tila wala itong balak na bumaba nang tuluyan na kaming nasa tapat ng Coffee House na itinuturo nito kanina.
“Magpapasama lang po ako,” malambing nitong wika.
“No, may pupuntahan pa ako, I can't be late!” mariin kong tugon.
“Sir, please…”
Dumapo ang paningin ko sa mga kamay nitong biglang kumuha sa mga kamay ko. Her hands are too soft. Tila may mumunting kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng aking mga ugat, nang dahil sa paglalapat ng mga palad namin.
“Okay.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Napailing na lang ako habang nakasunod sa dalaga. Hindi ko pa rin maiwasang humanga sa napakagandang kurba ng katawan nito.
“Sexy po ba ako?”
Bigla akong nag-iwas ng tingin ng mapansin kong bigla itong lumingon at sanambit ang mga katagang iyon, na sinabayan pa ng tila nang-aakit na mga ngiti.
“I don't know.” labas sa aking ilong na tugon ko.
Narinig ko ang mumunting paghalakhak nito.
“Okay!” Saad nito at tuluyan na ngang pumasok sa loob.
“Wala pa bang mas ibabagal diyan sa paghigop mo ng kape?” inis kong tanong. Napapansin ko kasi na tila sinasadya nitong bagalan ang paghigop ng kape.
“Mainit kaya!” tugon nito habang sumisimsim.
Mataman akong nakatitig sa dalaga habang humihigop ng kape, subalit hindi ko sinasadyang bumaba ang paningin ko sa cleavage nitong tumatawag ng pansin sa akin. Panay ang pagbuntong-hininga ko nang makaramdam na naman ako ng kakaibang init at pananakit ng aking puson.
“Okay lang po kayo?” nag-aalala nitong tanong, sabay tayo at nagpunta sa aking likuran. Hindi ko inaasahan ang ginawa nitong paghihilot sa aking balikat.
“You're just tired. Maybe you need some relaxation.”
Mabilis kong tinanggal ang mga kamay nito mula sa aking mga balikat.
“Yeah, I'm tired. Pero hindi makakawala ng pagod ang ginagawa mo,” malamig kong saad.
Tumigil naman ito, ngunit tila nagtataka itong tumitig sa akin.
“Bakit bigla pong ang sungit niyo? Parang kailan lang, ang bait bait n'yo po,” nakasimangot nitong tanong at saka muling bumalik sa pagkakaupo. “Binilhan niyo pa nga po ako ng aircon, ayiee!” parang batang wika nito.
“Hindi ka pa ba tapos?” sa halip ay tanong ko. “Alam mo, puwede ka naman sanang mag-kape pagdating mo ng bahay,” dugtong kong saad.
“Iba pa rin kapag sa ganitong coffee house ka nagkakape,” nakangisi nitong tugon.
Umiling na lang ako at hindi na umimik pa. Hinintay ko na lang ito na matapos, ngunit, sa kasamaang palad, hindi na ako matutuloy sa pagdalaw sa puntod ni Monica. Nakakaimbyerna lang kasi ang sobrang bagal ng pagkakape nito, biruin mong halos isang oras.
“Good bye sir, thank you po sa paghahatid.”
Hindi ako tumugon, bagkus, kaagad akong tumalikod.
“Ang sungit!”
Pabulong, subalit dinig ko pa rin 'yon. Hindi na ako nag-abalang lingunin pa ito, dahil baka mas lalong humaba nanaman ang oras, at humantong sa hindi na ako makakauwi ng bahay ng mas maaga.