KABANATA 4

1568 Words
KENT Ilang Oras din akong nakatulala sa kisame. Bakit hindi mawaglit sa isipan ko si Honey at Marie Gold. I am sure they are not blood related. There's something on these two ladies, pero hindi ko alam kung ano. There is something also on Hone'ys voice. Because of thinking this beautiful lady, I even forget to visit on Monica's grave, which is my weekly routine. Nakalimutan ko na rin I-update sa mga pulis ang tungkol kay Marie Gold. Ni hindi ko na nga alam kung saan na nga ba ito nagtago. Monica's needs justice. Pero wala akong nagagawa. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago ko naisipang bumangon sa pagkakahiga. Naguguluhan na ako, sapagkat saan ko man ibaling ang paningin ko, dalawang mukha ang lumilitaw. Si Honey at Marie Gold. Siguro dahil sa kagustuhan kong mahanap si Marie Gold, bigla-bigla na lamang ito lumilitaw sa aking paningin. Maybe that was the sign that I need to find her, for Monica's justice. And speaking of Honey Lastimosa, masyadong malakas ang tama ko sa dalaga, which is not right. Minsan na akong nagkasala, at ayaw ko nang maulit pa iyon. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen. I prepare myself a coffee. Alas dose na ng gabi, pero nandito pa rin ako hindi makatulog ng maayos. While sipping the coffee, there are sudden memories appeared. My memories with Marie Gold when we're still young. “Do you really think, being a majorette makes you beautiful and sexy?” kantiyaw kong tanong kay Marie Gold na ngayon ay abala sa pagpa-practice. Ito kasi ang napiling Band Majorette sa classroom namin. I know that being a majorette is her biggest dream. Simula elementary maging ngayon na highschool kami ay palagi itong sumasali sa mga ganoong pagkakataon. Even me, I am always a drummer. Palagi kaming magkasama tuwing nagpa-practice kami. Some other people think that Marie Gold was my girlfriend, dahil sa closeness naming dalawa. After I heard those words, I have felt something strange from inside my heart. Kung dati, friend lang ang tingin ko sa kan'ya, biglang nagbago iyon. I found a different happiness from Marie Gold. Everytime my eyes lead into her eyes, my heart pounded so fast. Pakiramdam ko sa bawat pagngiti nito, ay gumagaan ang lahat. “Are you out of your mind? Kahit hindi ako sumali sa mga ganito, beautiful and sexy pa rin ako!” Nakairap nitong saad. Mahina lang akong tumawa. “Alam mo ba na sexy ang isinusuot ng mga majorette? Naku, hindi mo kakayanin, paano, masyado kang Lola manamit,” pang-aasar ko. Sa mga kasing-edad ni Marie Gold, nauuso ngayon ang mga seksing pananamit, pero napapansin kong hindi ito mahilig sumunod sa uso. Bitbit ang malaking drum, dahan-dahan akong lumapit dito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang haplusin ang makintab at tuwid nitong buhok na mahaba. Kaagad itong napalingon dahil sa gulat. “Will you please shooo away?” Inis nitong wika. “Makikita mo lang ang mga hita ko kapag napapasama ako bilang isang majorette. At wala kang paki kung hindi ako marunong magpa-seksi!” namumula ang ilong nitong saad. Halatang napikon. “Sorry na, after our practice, I will treat you.” I saw how Marie Gold's angelic face brigthen. “Really? Let's go to my favorite Cafe!” At pagkatapos nga ng practice namin, tinupad ko nga ang gusto nitong magpunta sa paborito nitong Cafe. Palihim akong napalunok habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng dalagita. Mukhang ang saya-saya nito dahil sa simpleng treat ko para dito. “What's that stares for?” Bigla akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko namalayan ang biglang pag-angat nito ng tingin sa akin, habang palihim kong pinagmamasdan ang maganda at maamo nitong mukha. “Nothing.” “Anong, nothing? Eh ang lagkit ng tingin mo sa mukha ko!” natatawa nitong tanong. “Wala nga.” “Anong wala?” pangungulit pa rin nitong tanong. “Don't push me to say of what I want to say,” seryoso kong tugon kapagkuwan, bagay naman upang matigilan ito. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito, subalit hindi ito nagsalita. “Ano ba kasi ang sasabihin mo?” She asked later on. Hindi ko inaasahan na magtatanong pa ito. “I don't know what to call these strange feelings, everytime my eyes lead into your eyes? I just found myself one day, a thousand happiness invades my young heart. Believe me or not, Nafa-fall na ako sa'yo. I know you wouldn't believe me if I will say that, I saw you as my Girlfriend, not already a Girl bestfriend.” Nakita kong napaawang ang mga labi nito at hindi kaagad nakapagsalita. Alam kong nagulat ito sa confessions ko. “Wait, where are you going?” gulat kong tanong nang makita ko ang biglang pagtayo nito. Walang paalam na lumabas ito ng Cafe, pero mabilis ko lang itong sinundan. “Marie Gold!” “What?” Tugon nito sa pagalit na boses. Hindi pa rin ako nito nililingon, sa halip ay mas binilisan pa nito ang paghakbang palayo sa akin, pero nanatili pa rin akong nakasunod. “Please stop walking! Will you?” “Maglalakad ako hangga't gusto ko!” “Bakit ba kasi gan'yan ang naging reaksiyon mo? Wala ka bang ibang sasabihin?” Huminto ito sa paglakad at inis na bumaling ng tingin sa akin. “Then, what kind of reaction do you expect from me? Cry with happiness? And what do you want me to say? Na pareho tayo ng feelings?” Hindi ako sumagot sapagkat hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung puwede lang diktahan ito na sabihin nito ang mga iyon, diniktahan ko na ito. Pero hindi puwede ang iniisip ko. Mas masarap pakinggan ang mga iyon kung kusang-loob at mula sa puso nito sinasabi ang mga katagang iyon. “I'm sorry…” tanging saad ko. Nagkasya na lang akong pagmasdan ang papalayong dalagita. Kinabukasan, naging puspusan na ang pagpa-practice namin, mula sa mga drummers, band minorettes, band majorettes at marami pang iba. Mula sa hindi kalayuan, pasimple kong pinagmamasdan ang dalagitang ngayon ay nag-eensayo. Alam kong umiiwas siya sa akin sapagkat, sa tuwing nagtatangka akong lumapit dito, lumalayo ito. Inaamin kong nasasaktan ako sa ginagawa niya dahil hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap. Pagkatapos ng practice namin, napagdesisyunan ko na talagang kausapin ito ng pilit. Kung dati ay magkasabay kaming umuuwi, ngayon ay hindi na. “Marie Gold, please talk to me!” Napahinto sa paghakbang ang dalagita at dahan-dahang lumingon sa akin. “Okay.” iyon lang at kaagad na tumalikod at naglakad. Sumunod ako dito. Mabilis kong hinawakan ang kamay nito. “Bitiwan mo ang kamay ko,” mahina nitong saad. “No. We will talk inside my car,” mariin kong saad. Hindi ito kumibo. “About my confessions yesterday, huwag mo na isipin 'yon,” saad ko nang sa wakas ay nasa loob na nga kami ng aking sasakyan. Nasa backseat kami at nasa driver seat naman si Manong Jess. Sinadya kong hinaan ang boses ko, para hindi marinig ng matanda. Nakita ko ang gulat nitong paglingon sa akin. “Paano mo nasabing huwag kong isipin iyon Kent, kung isang gabi akong hindi ako nakatulog dahil sa mga sinabi mo? Akala mo bang madali para sa akin 'yon? Hindi! Dahil deep inside my heart, I was the happiest girl during those times. Hearing your confessions made me the happiest girl in the world, tapos ngayon sasabihin mong huwag ko nang isipin 'yon? How dare you? Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko, Kent?” mahaba nitong lintaya habang nagsisipatakan ang kan'yang mga luha. Inaamin kong gulat na gulat ako sa sinabi nito. I wasn't expected those words coming from her. “I'm sorry…” “I'm sorry? Walanghiya ka talaga!” sabay suntok nito sa dibdib ko. Sa pagkakataong 'yon ay napalakas na ang boses ng dalagita, dahilan upang mapalingon ng bahagya si Manong Jess. “Wait!...I am sorry kung sinabi kong huwag mong isipin 'yon. Akala ko kasi galit ka sa akin dahil sa pag-amin ko. But those confessions, I really mean it, Marie Gold.” Nagulat ako sa biglang pagyakap nito sa akin habang humahagolhol. “Shh…baka marinig ka ni Manong Jess, baka sabihin niyon na sinasaktan kita,” malambing kong saad habang pilit na inaalis ang pagkakayakap nito sa akin. Gusto ko kasing pawiin ang mga luha nito sa mga mata. “This all your fault! Kaya ganoon ang naging reaksiyon ko, kasi hindi ako makapaniwala na sinabi mo 'yon. Natatakot lang kasi ako na baka masira ang friendship natin.” “Look, sorry na kung 'yan ang naramdaman mo. Pero ang ganda mo pa rin, kahit umiiyak,” nakangisi kong saad. “Talaga?” tanong nito ng nakangiti. Pinakatitigan ko ang magaganda nitong mga mata. “Yes.” “Thank you…” saad nito at muling yumakap sa akin. “Wait! Kanina ka pa yakap ng yakap sa akin, ano na ba tayo ngayon?” nakangisi kong tanong. Mabilis itong kumalas sa akin at magiliw na pinakatitigan ang aking mga mata. “Ano nga ba tayo?” natatawa nitong tanong. “Hindi tayo hayop, bagay tayo.” “Luma na 'yan!” natatawa nitong saad. “Will you be my girlfriend?” kapagkuwan ay hindi ko mapigilang tanong. “Yes…” Wala naman pagsidlan ang saya ng puso ko sa mga sandaling binigkas nito ang salitang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD