HONEY “Stop the car, Sir!” “No! Let's talk in private!” mariing tugon nito habang nagmamaneho ng walang kasing tulin. “Kung gusto niyo pong magpakamatay, huwag niyo po akong idamay!” galit kong sigaw. Tila bigla namang natauhan ito. Ang kaninang sobrang bilis na pagmamaneho ay unti-unti niya nang binagalan. “I'm s-sorry….” Hindi ako umimik. Magkasalubong pa rin ang mga kilay ko habang nasa labas ng bintana ang paningin ko. “G-gusto ko lang naman pag-usapan ang tungkol sa atin.” Inis akong bumaling dito mula sa rearview mirror. “Tungkol po sa atin? Bakit po? Mayroon bang atin?” sarkastiko kong tanong. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. “If ever magbunga ang ginawa natin kagabi, nais ko lang malaman mo na handa akong panagutan ang bata,” seryoso nitong tugon habang nakatingin

