HONEY Halos himatayin na ako sa harap ng puntod ng aking ama nang sa wakas ay masilayan ko na ang pangalan nito na nakaukit sa lapida. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. “Aling Merceda, iniwan na nila akong lahat!” umiiyak kong wika. Niyakap ako ni Aling Merceda habang ito rin ay humahagolhol ng iyak. “Bakit hindi niyo po hinintay ang pagbabalik ko? B-bakit nawala lang ako saglit b-biglang ito na ang makikita ko?” “Wala na tayong magagawa, anak. Pero ipinapangako kong nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Itinuring na rin kitang anak. Nangako ako sa'yong ama at ina na hindi kita pababayaan,” umiiyak na wika nito. Mas lalo akong napahagulhol. “Maraming salamat po….” Mabilisan lang ang naging pagdalaw namin ni Aling Merceda sa puntod ng aking ama. Alam daw kasi ni

