HONEY Kanina ko pa napapansin ang sobrang seryosong mukha ni Kent habang may kausap ito sa telepono. Ayaw nitong magpa-istorbo. “I know you're a good private investagator, kaya naniniwala akong hindi mo ako bibiguin.” Narinig kong wika ni Kent sa kausap. Bigla akong tumalikod nang mapansin ko ang pagbaba nito ng telepono. “Honey, kanina ka pa ba diyan?” Nakangisi akong dahan-dahang pumihit paharap dito. “Actually sir, kani-kanina lang.” “Narinig mo ang pinag-uusapan namin?” kunot ang noo nitong tanong sa akin, bagay naman na ipinagtaka ko ng palihim. Ano naman ang kaso kung narinig ko diba? Wala naman akong pakialam kung ano ang pinag-uusapan nila. “Hindi po masyado. Ang tungkol lang po sa private investagator….” “Ano pa?” “Wala na po.” “Are you sure?” tanong nito habang ti

