HONEY Pinuntahan ko ang islang pag-aari ng namayapa kong ama, kung saan ay doon naghihintay sa akin si Aling Merceda. Magulo pa rin ang isipan ko. Kailangan ko ng payo ni Aling Merceda. Alam kong madidismaya siya kapag sinabi kong wala pa rin nangyari sa mga plano namin. Mahigit dalawang oras akong sumakay ng bangka bago ko narating ang islang iyon. “Mama, heto po ang bayad, maraming salamat po,” saad ko pagkatapos kong bumaba sa bangka. Nakangiting inabot ng mama ang perang hawak ko kapagkuwan ay dagli siyang napakunot-noo. “Ma'am, parang pamilyar po kayo sa akin.” Ngumiti lang ako at tumango. “Parang kayo ho ang nasa video na pinapanood palagi ng mga kasamahan–sige po ingat…” wika ng mama at mabilis na sumagwan paatras. Napalunok ako at hindi ko maiwasang lamunin ng hiya, pero sa

