KENT “Nag-away ba kayo kagabi, anak?” Mom asked. Sinabi ko kasi ang biglang pagkawala ni Honey sa kaniyang kuwarto kagabi. Hindi kasi siya nagpaalam ng maayos at tanging notes lang ang iniwan niya sa mesa ko. “Do something, Son.” Si Daddy. Bumuntong-hininga lamang ako. Simula nang may mangyari sa amin ni Honey sa Hotel na 'yon, ramdam ko na ang pag-iwas niya sa akin. Hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi siya nagpaalam nang maayos, dahil galit pa rin siya tungkol sa pagsisinungaling ko sa harapan ng mga magulang ko na girlfriend ko siya. “Let's give her space.” “What? I want you to take action, Son. I really like her for you. I remembered Marie Gold from her. Sana kung nasaan man si Marie Gold ngayon, sana nasa maayos siyang kalagayan.” Hindi ako umimik. Finally lumabas na rin

