bc

With Every Beat of my F-ckin' Heart

book_age18+
35
FOLLOW
1K
READ
second chance
office/work place
like
intro-logo
Blurb

FROM THE BOOK NOTHING WITHOUT YOU

BOOK II

"How can I forget you and move on if it was always you who owns my fuckin' heart?

Paano ko paniniwalaan and sinasabi niya kung hindi matanggal-tangal sa isip ko ang pangyayaring iyon na nagdulot sa akin ng matinding sakit at pighati?

chap-preview
Free preview
- P R O L O G U E : THE DAY HE BROKE MY HEART-
- P R O L O G U E : THE DAY HE BROKE MY HEART- Madel Five Years Ago . . . “Troy, seryoso ka ba?” tanong ko sa kanya. Namimilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. Pupunta kami ng Hawaii! Magkikita na kami ni Jeru! “I’m dead serious, mukha ba akong nagjo-joke?” nakangiting tanong niya sa ‘kin. “P-Pero, hindi pa ’ko nagpapaalam. Baka hanapin ako ng mga magulang ako at ng mga kaibigan ko,” sabi ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Si Jacque na ang bahala do’n—actually, it was our idea. Alam mo naman na hindi ka matiis ng mga iyon. Nag-aalala na rin sila sa kalagayan mo, isa pa, gusto rin nilang bumalik ang dating sigla mo.” Napaluha ako. I was speechless. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o mararamdaman ko, kung kaharap ko lang ang mga iyon ay malamang na umiyak na ’ko ng malakas at niyakap sila isa-isa sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. “Uhm . . . can I hug you?” tanong ko sa kanya. Nakangiti siyang nagkibit ng balikat ngunit lumapit sa ’kin at siya na mismong yumakap sa akin. Halos isang buwan pa lang kaming magkakilala at kahit lagi ko siyang natatarayan at nababara ay napakabait pa rin niya sa akin, tuloy ay pakiramdam ko ang kapal ng mukha ko. “Thank you,” taos-pusong sabi ko sa kanya. “As long as you’ll be happy, I’m at your service.” Sa sobrang excitement ko na makitang muli si Jeru ay hindi ko na nagawang magpaalam pa sa mga magulang ko. Wala akong dalang kahit na ano, maliban sa mismong suot ko, hindi naman naging problema iyon dahil may mga nakahanda na palang damit para sa kanya. “We’re going to stay in Hawaii for a week, nasabihan na rin si Dean about sa isang linggo mong pagliban sa klase,” sabi ni Troy at iginiya na ako para maupo. “Mabuti, pumayag si Dean,” sabi ko at umupo sa upuang malapit sa bintana. Nakita kong ngumiti siya ng makahulugan, hindi ko tuloy mapigilang mapakunot ng noo, parang may gusto siyang sabihin ngunit halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Gusto ko siya sanang tanungin ngunit inunahan na niya akong magsalita. “This is a special request, and by majority. Wala na siyang nagawa dahil pinagtulungan na namin siya,” natatawa at pabirong saad niya. “Thank you,” buong puso kong usal sa kanya. “Stop it. Just remember we all did this for you.” Naluluha akong tumango sa kanya. Huminga ako ng malalimnat napatingin sa labas ng bintana. Excited na ako. Makikita at makakasama ko ng muli si Jeru . . . kahit sa maikling panahon lang. Ayos na iyon sa akin, ang mahalaga ay maibsan ang lungkot at pangungulila ko sa kanya. Makita ko lang siya ay sapat na para sa akin. PAGKARATING namin sa airport ay dumeretso na kami sa VIP Lounge at naghintay doon hanggang sa maka-board kami ng eroplano. Hindi na ako makapaghintay pang makita siya, kung puwede lang hilain ang oras ay ginawa ko na para lang makarating agad kami ng Hawaii. Wala pang isang oras ay may lumapit na sa aming Staff at sinabing magbo-board na kami ng eroplano. Lumakas ang kaba sa dibdib ko, para na nga akong nabibingi sa lakas niyon. This is it! Sa oras na sumakay ako sa eroplano ay wala ng atrasan ‘to. Magkikita at magkakasama na rin kami sa wakas ni Jeru! Tiyak na matutuwa si Jeru—o mas tamang sabihing masu-surpresa kapag nakita niya ako. Ngunit gano’n ba talaga ang mangyayari sa oras na magkita kami? O lahat ng iyon ay ang nasa isip ko lang pala . . . BANDANG hapon na kami nakarating sa Hawaii, hindi mawala sa mukha ko ang malaking paghanga sa lahat ng magagandang tanawing nakikita ko lalo na ang malawak na karagatan na tila repliksyon ng kulay asul na kalangitan. Pagkagaling namin sa airport ay may sumundo sa aming van na siyang sasakyan namin papunta sa resort na pinamamahalaan ni Jeru. Halos hindi na ako makahinga sa pinaghalong kaba, excitement at saya. ‘Nasa iisang lugar na tayo, Jeru! Kaunting-tiis na lang at magkakasama na tayo!’ sigaw ng utak ko. Tahimik sa buong biyahe namin si Troy, marahil ay binibigyan niya lang ako ng time para makapaghanda sa muli naming pagkikita ni Jeru. Mula sa halos dalawang oras na biyahe galing airport ay sumakay pa kami ng speed boat, papunta na sa mismong isla kung nasa’n ang beach resort nina Jeru. “If you want, we can take a rest first, before you meet him,” ani Troy habang nakatutok sa phone niya. Nakangiti akong umiling. “S-Sa totoo lang, gusto ko na siyang makita, kaya kung puwede ihatid mo na lang ako sa kanya.” Ilang sandali niya akong tinitigan ng matiim, pagkatapos at napabuntonghininga. Hindi ko alam kung para saan iyon at hindi na rin ako nag-usisa, baka kasi pagod lang siya at kailangan na niyang magpahinga. Pareho kaming wala pang masyadong pahinga kaya siguro ganyan na lang siya katahimik at katamlay. “Are you sure?” paniniguro niya. Tumango ako. “Yeah.” “M-kay.” “HEY, if you want, we can call him to let him know you’re he—” “I want to surprise him,” putol ko sa sinasabi ni Troy. Nasa elevator na kami na siyang maghahatid sa amin papunta sa penthouse ni Jeru. Nang sabihin ko sa receptionist kung saan kami papunta ay halatang nagulat siya, ngunit tahimik naman niyang ibinigay ang impormasyong kailangan ko. Marahil ay dahil na rin sa ipinakitang card ni Troy. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Troy, ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Hindi rin mawaglit ang magandang ngiti sa mga labi ko, pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko sa sobrang saya na nararamdaman ko. Wala pa man ay gusto ko nang bumunghalit ng iyak at tumakbo palapit kay Jeru. God, I missed him so much! Nang bumukas ang pinto ng elevator ay huminga muna ako ng malalim bago humakbang palabas ng elevator. At ang desisyong iyon ay hindi ko akalaing pagsisisihan ko habang buhay . . . Hawak ko ang keycard sa kuwarto ni Jeru, nanginginig pa ‘ko nang i-swipe iyon sa pinto. Nang bumukas iyon at papasok na sana ako ay pinigilan ako ni Troy, kunot-noo naman akong napatingin sa kanya, nagtatanong. Magsasalita pa sana siya ngunit napigil iyon nang pareho kaming nakarinig ng malalakas na tawanan sa loob ng penthouse. Mas lalong kumunot ang noo ko at naipilig ang ulo. Tama ba ang napasukan naming penthouse. “Ay, ano ba, Jeru! Nakikiliti ako!” tili ng isang babae na sinundan ng malakas na tawanan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Tila nagpanting ang tenga ko at mabilis na pumasok sa loob, hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang dalawang pigura na magkayakap at naghahalikan. Napatakip ako ng bibig at nag-unahang bumagsak ang mga luha ko mula sa mga mata. Narinig ko ang malakas na pagmumura ni Troy, na siyang nakakuha ng atensyon ng dalawang taong naglalampungan. “What are you doing here?” madilim ang mukhang tanong ni Jeru sa amin. Parang naramdaman ko ang unti-unting pagkawatak ng puso ko, wala man lang akong nakitang kahit na anong ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang napako na ako sa kinatatayuan ko at napako sa kanya ang luhaan kong mga mata. Sa nanlalabong paningin ko ay napansin kong tila hindi si Jeru ang kaharap ko. Ano’ng nangyari? “Honey, who are they?” tanong ng babaeng tumingin pa sa amin ni Troy. “They’re my friends from the Philippines,” kaswal na sabi ni Jeru. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko literal na sumakit iyon. “Jeru, what the f*ck!” galit na singhal ni Troy kay Jeru. Susugurin na sana niya si Jeru ngunit maagap ko siyang nahawakan sa braso. “Bitiwan mo ‘ko, Ma—” “L-Let’s leave,” putol ko sa sinasabi niya at pinunasan ang mga luha ko. “Sapat na sa akin ang mga nakita ko.” Huminga ako ng malalim at kahit mahirap ay pinilit kong tumalikod at mariing ipikit ang mga mata ko. Tahimik akong humakbang palabas ulit ng penthouse na iyon. Wala akong narinig na kahit ano mula kay Jeru, na mas lalong nagpabigat sa mga hakbang ko. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, at parang mababaliw ako sa kakahanap sa mga sagot niyon. Gusto kong habulin niya ako, gusto kong ipaliwanag niya sa akin ang lahat—ipaintindi sa akin at kahit masakit handa ko naman siyang patawarin at bigyan ng pagkakataon. Ngunit lahat ng iyon ay hindi nangyari. Nakasakay na ako sa elevator at nakalabas na ng gusaling iyon ay walang Jeru na sumunod sa akin. Walang Jeru na humabol sa akin at sinubukang magpaliwanag. Binabangungot lamang ba ako? Kung gayon, please, someone wake me up! Narinig ko ang boses ni Troy sa likod ko, dahan-dahan ko siyang nilingon. Bakas sa mukha niya ang matinding galit at pag-aalala sa akin. “Madel, I know this is hard for you, but let me explain, okay?” mahinahon niyang turan sa akin. Mapait akong napangiti. “I . . . I don’t want to hear anything about him,” mahinang turan ko sa pagitan ng paghikbi. “T-This isn’t real,” dagdag ko at sunod-sunod na umiling. “This is all a nightmare. Hindi magagawa sa akin ni Jer—” “This is real,” mariing wika ni Troy. “Ang nakita mo kanina ay totoo. Jeru—that f*cking bastard is engage to—” “I said, I don’t want to hear anything about him!” malakas kong singhal sa kanya. Sa sobrang lakas niyon ay muli kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Napahawak ako do’n at kung hindi sa maagap na pagsalo sa akin ni Troy ay bumagsak na sana ako. “Madel, what’s happening to you?” nag-aalalang tanong sa akin ni Troy. “I think we need to go to the hospital.” Napahagulhol akong lalo at napayakap na sa kanya. Totoo ang lahat. Totoo ang sakit a nararamdaman ko. Totoong nahihirapan akong huminga at natatakot ako . . . natatakot ako sa kung ano’ng puwedeng mangyari sa akin pagkatapos ng araw na ‘to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook