“Hindi na kailangan. Mag-commute na lang ako or sasabay sa isa sa mga kaibigan ko. You can tell it to the driver para dumiretso na kayo sa airport.” Dumiretso ako sa sala para makapagsabi sa group chat namin.
Pwede akong makisabay kay Shienel or Alana. Hinahatid din kasi sila ng driver nila. Nagulat ako nang sumunod ito sa akin. Hindi nanaman maipinta ang mukha nito at nararamdaman ko na agad ang nagbabadya nitong galit sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin.
Bakit kailangan niyang magalit? I was already giving him a favor! We both know that he didn’t like it when we’re together. Atleast may kusa na ako ngayon.
“Hanggang ngayon matigas pa rin ang ulo mo,” iritableng sabi nito. Agad na nagsalubong ang kilay ko.
“Hindi ba’t pabor na sa ating dalawa ang suggestion ko, Kuya? Nagsisimula ka nanamang pagsalitaan ng hindi maganda. Hindi ka pa ba nakuntento sa mga ibinintang mo sa akin kagabi?” Hindi ko naitago ang sakit sa boses ko. Nakita ko ang bahagyang pagbabago ng emosyon nito but it was just a split seconds before he clenched his jaw.
“Hindi ko kasalanang tinamaan ka sa mga sinabi ko sa’yo kagabi. If it isn’t true then you shouldn’t be offended. Just admit it, totoo ang mga sinasabi ko,” paratang pa nito.
Muli kong naramdaman ang sakit ng mga salita niya but I decided not to speak. Walang sabi-sabi kong kinuha ang bag ko at nagmartsa palabas ng bahay. Palabas na sana ako sa gate namin nang maramdaman ko ang malakas na paghigit sa akin ni Kuya Adam.
He forcefully made me face him. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa braso ko. I can see his veins bulging out dahil sa tindi ng pwersa na pinaparamdam niya sa akin.
Nanginig ang aking labi sa pagpipigil na umiyak dahil sa sakit na ibinibigay niya sa akin ngayon. Not only on my arms but also deep within my heart. I hated how our relationship turned out like this. This was far different from before.
“Kuya, masakit na...” nanginginig kong sabi.
“I don’t expect for you to be like this, Eva. Siguro hindi magandang impluwensya ang mga kaibigan mo?” Hindi na ako nakapagtimpi. He doesn’t have the right to talk against my friends because he never met them. Wala rin siyang karapatan na kwestyunin ako ng ganito dahil siya naman talaga ang pinakarason kung bakit ako ganito.
“Why can’t you just let me, Kuya? Kung totoo man ang sinasabi mo? Ano naman? Akala ko wala nang pakialamanan? You’re not even supposed to be talking with me now. Saka huwag mong isali sa usapan ang mga kaibigan ko. You have no right to question them. Sila ang mga taong hindi ako iniwan at pinagtabuyan. They are not like you, Kuya Adam.” Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng hawak niya sa akin.
I get that opportunity to walk away from him. Nagmadali akong nagpara ng taxi para makapunta sa university. Pigil na pigil ang iyak ko habang nakatingin sa bintana ng taxi. Nakakainis talaga si Kuya Adam. Hindi na talaga ako natutuwa sa kanya. If I can only wish for him to never come back here in Abra.
Manatili na lang siya doon sa Manila tutal gustong-gusto niya doon mula pa dati. Bisitahin na lang siya nila Mama doon. Ayoko na talagang magkaharap pa kaming ulit na dalawa. Kung pwede ko lang sabihin kay Mama ang mga ito kaso nasisiguro ko kasing kapag nakarating ito kila Mama at Papa, gagawa sila ng paraan para mapag-ayos kami.
Pagkarating sa university ay agad muna akong nagpalamig sa pwesto ko kung saan ako madalas na naghihintay ng sundo. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang bilis ng t***k ng puso ko at ang mahapding kirot doon.
Napatingin ako sa braso ko na mariin niyang hinawakan kanina at nakitang namumula iyon. Tiyak na mapapansin ito nila Alana mamaya. Sana lang ay hindi ito magtuloy-tuloy sa pasa at baka magtanong pa sila Mama kapag nakauwi ako. Mahihirapan pa akong maghanap ng palusot.
“Nandito ka nanaman, Eva? Wala ka bang klase ngayon?” Nabigla ako at halos mapaigtad nang marinig ang boses ni Lucas. He laughed lightly and joined me.
“May pasok ako pero may ilang minuto pa naman ako. Besides, wala pa naman akong natatanggap na mga chat kila Alana kaya wala pa akong kasama and so I just to stay here first.” Tumango-tango ito at pansamantala akong tinitigan.
“Are you okay?” kuryosong tanong nito. Hindi ko napigilang mapangiti. I don’t know but there’s something about Lucas. Parang ang galing niyang magbasa ng tao. Hindi ko alam kung sobrang kilala niya ako kaya nasasabi niya kung ano ang nararamdaman ko just by looking at me.
It was as if he can read my mind and he can tell how chaotic it is right now.
“I’m trying to be okay, kaya ako nagpapahangin dito. Medyo nagkaproblema lang sa bahay but there’s nothing to worry about it.” Nagsalubong ang kilay nito at ngumuso.
“Why? Napagalitan ka ba ng parents mo dahil naabutan tayo kahapon? Pinipilit ka ba nila na magpaligaw sa akin? O baka naman gusto ng mga magulang mo na tayo na agad? Nako, Eva, sinasabi ko sa’yo, hindi pa pwede.” Napatawa ako nang malakas dahil sa tindi ng confidence niya. Pakiramdam ko ay nagagawa niya nanaman ang ginawa niya sa akin kahapon.
Pinapagaan niya nanaman ang loob ko. He can really make me laugh effortlessly.
“You really have your way to make everyone laugh.” Napakamot ito sa batok.
“I don’t think so, ikaw nga lang ang natatawa sa akin, or maybe your friends also.” Umiling ako dito.
“I don’t believe you, Lucas.” He laughed softly.
“It’s okay. Ang mahalaga naman sa akin ay napapatawa kita. Napapagaan ko ang loob mo at nababawasan ang mga iniisip mo. I always want you to smile because you look way more beautiful when you’re smiling.” His face softened and I only smiled at him.
Bumaba ang tingin ko sa phone ko nang magring iyon. A video call from our group chat. Walang alinlangan kong sinagot iyon. Bumungad sa akin ang mukha nilang tatlo. Account ni Alana ang ginamit na pantawag at dahil magkakasama lang sila ay nasa iisang screen lang din sila.
“Eva, where are you? Malapit nang magsimula ang klase ha?” nagtatakang tanong ni Alana.
“Akala ko ba si Tammy ang hindi papasok, bakit ikaw ang hindi mahagilap?” nalolokang tanong ni Shienel.
“Eva, sino ‘yang kasama mo? Si Lucas ba iyan?” Nakita ko ang pagsiksik ni Shienel at pilit na nilalapit ang kanyang mukha. Narinig ko ang pagtawa ni Lucas. Doon ko lang napansin na kanina pa pala ito sumisingit sa likod ko. I laughed with him.
“Ay, iba ka na, Eva! Aabsent ka na ngayon para makipag-bonding kay Lucas baby?” mapang-asar na sabi ni Shienel.
“Ewan ko sa inyo, sige na. Ibaba ko na ang tawag para makapunta na ako sa room.” Magsasalita pa sana si Shienel nang ibaba ko ang tawag. Muling tumawa si Lucas dahil sa ginawa ko.
Tumayo na ako at ganoon din ang ginawa ni Lucas. We walked together at hindi nakalagpas sa akin ang mga malisyosang tingin ng mga taong nakakasalubong namin.
Pasimple akong tumingin kay Lucas pero nakangiti lang itong naglalakad sa tabi ko at minsan ay panaka-nakang nagkukwento. It seems like he doesn’t care of his surroundings. He doesn’t mind that there were so many people eyeing us right now.
Hinatid niya ako sa room namin. He even greeted my friends first before leaving the room. Hindi naman mawala ang malapad na ngisi sa mukha ni Shienel habang si Tammy ay nakasimangot na nakapangalumbaba habang hinahantay akong makalapit.
“Ang tagal mo naman kasi, Eva. Hindi tuloy ako makahanap ng pwesto para makatulog dahil napakagulo nanaman nitong si Shienel! Hindi mapakali, asinan ko kaya ‘yang mata mo. Nakakapanggigil ka ha.” Natawa si Alana dahil sa marahas na banta ni Tammy.
Mukhang kulang nanaman ito sa tulog. Kunsabagay, plano niya naman ata talaga na hindi pumasok.
Nagsimula ang klase namin nang dumating ang professor. Habang sinusubukan kong makinig ay naramdaman ko ang pangangalabit sa akin ni Shienel sa braso. Nasa iisang hilera kasi kami nakaupo. Si Tammy ang nasa sulok para mabilis siyang makatulog. Si Shienel naman ang katabi niya, sumunod ako at nasa aisle naman si Alana.
Napadaing ako nang maramdaman ang hapdi sa braso ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Shienel at kaagad na inangat ang braso ko.
“What the hell happened to you, Eva!?” galit na bulong nito. Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya. Mukhang ang sasabihin niya sana sa akin ay nakalimutan niya dahil masyado siyang na-focus sa braso kong nagkakaroon nang pasa ngayon.
Napalingon sa amin si Alana at nanlaki rin ang mata nito sa nakita. Halatang-halata kasi sa braso ko iyon lalo pa’t medyo maputi ang balat ko, talagang agaw pansin kapag may nakitang namumula at medyo nangingitim doon.
“Sinong may gawa niyan sa’yo, Eva?” nag-aalalang sabi ni Alana. I only smiled at them.
“Don’t mind me, makinig na muna kayo. I can tell it to all of you later sa lunch natin.”
Naramdaman kong hindi na sila mapakali mula nang makita nila ang pasa ko. Maya’t-maya nang napapatingin ang dalawa sa braso ko. Tammy was still sleeping at wala pa rin itong kamalay-malay sa nangyayari.
Nang mag-lunch ay inasahan ko na ang pag-ulan ng mga tanong nila Alana. Tammy was still disoriented while listening to Alana and Shienel as they bombarded me with questions. Nang tila mahimasmasan ito ay inangat niya ang braso ko at galit na tinignan iyon.
“What the f*ck happened to your arms, Eva?” iritableng tanong nito.
Kaagad kong sinabi sa lahat ang nangyari mula kagabi hanggang sa kaninang umaga. Nakita ko ang nagngingitngit na galit ni Shienel at Tammy para kay Kuya Adam habang si Alana naman ay malungkot na nakatingin sa akin.
“I can’t believe it! Sigurado ka bang kapatid mo iyang Adam na iyan!? Bakit parang siya lang ang may topak sa pamilya niyo? We already met your mother and I can say that your father is kind as well, black sheep ata ng pamilya iyan!” galit na sabi ni Shienel.
“He was too harsh, Eva. Bakit hindi mo sabihin sa mga magulang mo iyan? Baka sakaling mapagsabihan siya. The way you were hiding it, the way you were pushing him to let you hurt you just like that. Parang hindi siya lalaki,” disappointed na sabi ni Alana.
“If he can hurt you that easily, what more sa magiging girlfriend niya? Huwag mong hahayaan na magkaharap kami ng kuya mo, Eva. Baka masampolan sa akin iyan,” nanggigil na sabi ni Tammy.
Pagkatapos naming kumain ng lunch ay kinumbinsi nila akong magtungo sa clinic para kahit papaano ay mabigyan ako ng cold compress. Hindi na rin ako tumanggi para kahit papaano ay mag-subside ang pasa na naroon.
Nagtuloy ng parang normal ang araw na iyon sa akin hanggang sa mag-uwian. Kinakabahan pa ako dahil baka hindi pa umalis si Kuya at baka siya pa ang sumundo sa akin ngayon. Nang makita ko ang sasakyan na madalas na ginagamit sa pagsundo sa akin ay kahit papaano, nakahinga ako nang maluwag.
Lalo na nang makita ang driver namin doon at binati ako. Pasimple akong nagtanong sa kanya tungkol kay Kuya Adam.
“Kuya, nakaalis na po ba si Kuya?” kalmado kong tanong sa kanya.
“Ay, opo, Ma’am Eva. Kanina pong umaga. Pagkaalis niyo po ay umalis rin kami kaagad.” Mas napanatag ako sa nalaman.
Mabuti naman kung ganoon. Baka kapag hindi pa siya umalis ay magkulong na lang ako sa kwarto para lang tuluyang makaiwas sa kanya.
Pagkauwi ko ay saktong wala pa sila Mama doon kaya naman mabilis akong umakyat sa kwarto. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang pasa na ginawa sa akin ni Kuya Adam. I can’t believe he can do this to me. Ni wala pa akong narinig na sorry sa kanya hanggang ngayon but why am I even waiting for it? Alam ko namang hindi na mangyayari iyon.
I just can’t believe that he can hurt me physically now. He was once the most gentle person that I know but what happened to him? Bakit ganito na kalala ang galit niya sa akin para hindi siya mangiming saktan ako? Napakadali na para sa kanya na gawin iyon sa akin.
I don’t know if hindi niya iyon sinasadya o kung masyado lang siyang nadala ng galit sa lahat ng mga pinag-iisip niya sa akin. I can forgive him for this. Mawawala rin naman ang pasa makaraan ang ilang araw. Ang hindi ko matanggap ay ang mga salitang halos tbumabaon sa puso ko.
Ang mga paratang niya sa akin na para bang hindi niya ako kilala. Na para bang ibang tao ako sa buhay niya at hindi niya ako kapatid. Once again, questions started flooding in my head.
Ano ba ang puno’t dulo ng galit niya sa akin? I was already doing my part in ignoring him. Medyo naging okay na nga kami, sa paningin ko dahil hindi ko na siya kinukulit. Wala nang pag-uusap na nagaganap sa pagitan namin kaya hindi na rin talaga kami nagpapang-abot. Ngayon na lang ulit.
Kaya hindi talaga magandang idea na magkakaharap kami. Paulit-ulit lang ang mangyayari. Magagalit lang ito palagi sa akin at baka mas malala pa ang magawa niya sa akin sa susunod.
Bumaba ako sa kusina nang tawagin ako ng kasambahay para kumain. I wore a long sleeve and a pajama, para hindi na rin makita nila Mama ang pasa.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Papa.
“Eva, your debut is fast approaching. May gusto ka bang i-request para sa magiging party mo? Or do you have anything in mind on how you would want to celebrate your 18th birthday?”