Kabanata 18

2482 Words
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa sasakyan. He was driving the car at wala manlang ako idea kung bakit siya umuwi o kung saan kami pupunta. I tried so hard to never look at him again. I focused myself on the window at pinanuod ang mga kasabayan naming sasakyan. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. I wasn’t sure if it’s because I’m scared or nervous because him. Huminto ang sasakyan sa isang sikat na restaurant. Pinilit ko pa ang sarili kong bumaba. Gusto ko na lang sanang mauna nang umuwi dahil hindi ako kumportable na nandito at kasama namin si Kuya. Naunang naglakad sila Mama at Papa. Sa likod nila ay ako habang naririnig ko naman ang yabag ng mga paa ni Kuya sa likod ko. Nahuli ito dahil inayos pa nito ang parking. Ramdam ko ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad. I cal also feel his stare behind me. O baka ako lang ang nag-iisip niyon. Gusto ko nang tumakbo papunta sa table at unahan sila Mama doon kaysa sa ganito na para akong binabalatan ng buhay ni Kuya habang nakatalikod ako. Umupo ako sa tabi ni Mama. I stopped myself to look on Kuya Adam when he seated beside me. Mas naamoy ko ang pamilyar niyang pabango na lagi kong naamoy sa tuwing umuuwi kami ng Manila. That didn’t change in him. Kaya nga nang maamoy ko iyon ay nagkaroon na ako kaagad ng ideya na nasa sasakyan si Kuya Adam even before our eyes met. Umalis ang waiter pagkatapos naming maka-order. Nagsimula naman sila Mama at Papa na mag-usap. Paminsan-minsan ay kasali si Kuya sa usapan. Ako lang ang tahimik na nakatulala sa malayo. Tumitingin din ako sa paligid maliban sa gawi ni Kuya Adam. Nang mabagot sa paghihintay ng pagkain ay naisipan kong mag-cellphone na lamang. “Mabuti naman talaga at nakauwi ka, Adam. Tama lang na magbakasyon ka naman muna dito kahit ilang araw lang habang wala ka pang project. The LVLEX project is incredible! Tiyak na magtutuloy-tuloy na ang mga projects mo ngayon especially that you are on GA,” maligayang sabi ni Mama. I can feel in her voice how proud she is of my brother. Who wouldn’t right? Halos isang taon pa lang siya sa industriya and yet, he already became one of the engineers in LVLEX. That was a good point to put on the resume. “I won’t stay for long, Mama. Aalis din po ako kaagad bukas,” matipid nitong sagot. Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita na nakatingin din pala ito sa akin. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya at ibinalik sa cellphone ko. Kinakabahan nanaman ako! I kept on scrolling pero wala na talaga akong naiintindihan sa binabasa ko ngayon. I am just doing it to get away from my brother’s dark look on me. Halatang hindi maganda ang mood nito dahil tahimik lang din siya. Hindi ko malaman kung bakit pero parang normal naman na iyon dahil magkasama kami. Magugulat pa ako kung masaya siya ngayong nakikita niya ako. It’s been what? Almost seven years nang magsimulang ganito ang turingan namin sa isa’t-isa. Wala nang bago doon. The food was served and I started eating. I was just focusing on my food when all of the sudden, the topic was diverted to me and Lucas. Napaubo ako. “I like that guy, Eva.” Ngumiti si Mama at humawak sa braso ni Papa. Nakita kong napangiti rin si Papa. “Me too. Halatang mabait na bata. He knows and understands what Eva wants and that’s enough for me. Kung magugustuhan mo si Lucas, Eva, or if you already like him, go for it. We will support you.” Nakaramdam ako nang hiya dahil sa sinabi ni Papa. “Pa, friends lang po kami ni Lucas...” mahinang sabi ko. “Sayang naman kung friends lang kayo. Gusto ko talaga siya para sa’yo, anak. Try to know him more. Sigurado naman akong magugustuhan mo rin siya, maybe not now, but in the future.” Napailing ako at mas piniling hindi magsalita. I accidentally glanced on my brother’s side. Kitang-kita ko ang madilim nitong mukha at umiigting na panga. Nagsalubong ang kilay ko. May problema ba siya? Kanina pa hindi maganda ang mood niya at natatakot na ako para sa sarili ko. Kapag nga wala siya sa mood ay nagagalit na siya sa akin sa hindi ko malaman at maipaliwanag na dahilan. Ngayon pa kayang napakasungit ng mukha niya? Baka makalikha lang ako ng maliit na ingay ay sisinghalan niya na ako. Nang tumikhim si Kuya Adam ay lalo akong natakot. “Ma, don’t you think she’s too young for that?” malamig na sabi nito. Napahinto si Papa sa pagkain at napatitig kay Kuya. “Ano ka ba, Adam. We’re not the strict-type of parents. I am very cool with it, same with your father. Mas okay nga iyon para maging open kayo sa amin tungkol sa relationships niyo so we can guide you on the right path. Kaysa naman maghigpit kami at palihim na magkaroon ng boyfriend itong si Eva? Edi mas lalo tayong nagkaproblema?” mahabang paliwanag ni Mama. “Mama, alam ko naman and I understand your point but can she atleast wait for her to turn in 18 or in legal age bago siya magdesisyon na mag-boyfriend o lumandi kung kani-kanino?” Parang may kumirot sa puso ko dahil sa sinabi ni Kuya. He’s doing it again. Sobrang sakit niyang magsalita and I was even surprised now to still feel the pain from his words. Akala ko kasi nasanay na ako sa kanya throughout the years pero may hapdi pa rin akong nararamdaman. Ang taong minsang pinapalakas ang loob ko noon. Ang taong nangunguna pang magalit sa mga taong nananakit sa akin ay siya pang nagbababa sa pagkatao ko ngayon. Why is it so easy for him to talk ill of me? Parang ibang tao naman ako. I’m his sister. If he can’t treat me nicely then he can atleast refrain from saying something that might hurt me. Sana naiisip niya iyon pero mukhang hindi. “Adam, hindi ako natutuwa sa lumalabas sa bibig mo. Why are saying things like that to you sister?” iritableng sabi ni Papa. Galit na sumagot si Kuya Adam. “Pa, I’m just telling the truth. She’s only what? Seventeen? She’s still immature to handle things kaya bakit niyo siya pagkakatiwalaan na pumasok sa isang relasyon?” Napayuko ako. Ayokong ibuka ang bibig ko dahil sa oras na iyon, baka imbis na salita ang marinig nila sa akin ay baka hikbi ang mga iyon. I have to endure everything he would say to me right now, tonight and even tomorrow morning. Pagkatapos niyon, uuwi na siya ulit sa Manila at matatahimik na ulit ang buhay ko. Ilang oras lang, Eva. You can do it. “How can you say that, Adam? Stop accusing her of things. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganyan ang iniisip mo kay Eva? Maybe because the both of you grow apart and you were unable to see how Eva grow. She’s mature to handle everything, Adam.” Mama said in a disappointed voice. “Tumigil ka na, Adam. It was really offensive not only on Eva’s part but also to us. Kami ang nakasamang lumaki ni Eva. We saw her grow into a beautiful and kind-hearted lady. If you’re accusing her of that then you mean to say we didn’t guide her enough?” diretsong sabi ni Papa. Akala ko magsasalita pa si Kuya pero nanahimik na ito. I didn’t dare to look at his reaction. Baka kasi makita ko kung gaano siya kagalit sa akin ngayon at baka tuluyan akong maiyak. Alam ko kasing nagtitimpi lang ito at sa oras na makauwi kami, posible na kumprontahin niya akong muli para mas malaya niya akong mapagsabihan ng kung ano-ano. Pakiramdam ko pagod na pagod ako habang nasa byahe kami pauwi. I felt exhausted of being near Kuya Adam. I just didn’t like his presence. Sana hindi na lang siya umuwi. Okay na nga ako eh. Napagaan na ni Lucas ang loob ko. Kuya Adam really had to go all the way just to destroy my day. Nakakainis. Pagkauwi ay walang sabi-sabi akong dumireto sa kwarto ko. I can’t face him and I won’t do it until he left for tomorrow. Sigurado naman akong maaga itong aalis bukas. Tiyak kapag bumaba ako at naghanda para sa pagpasok ay nakaalis na siya. Humiga ako at nanatiling nakatulala sa kisame. Hindi ako makatulog dahil sobrang masama talaga ang loob ko. I can’t believe on how bad my brother thought of me. Ano ba ako sa tingin niya? Malandi? Kung kani-kanino pumapatol? Ang lakas ng loob niya na pag-isipan ako samantalang hindi naman na niya ako kilala. There were so many things that had changed in me for the past years. Kung ang Eva na kilala niya noon ang basehan niya kaya nasasabi niya ang mga ito then he was wrong! I changed and I matured and he was not here to see all of that. Kaya wala siyang karapatan na pagsalitaan ako. Kasi hindi niya ako nakasama. He chose to push me away. Halos putulin niya ang ugnayan namin. Wala lang siyang choice dahil magkadugo kami. Dapat kapag ganoon, wala na lang pakialamanan. Iwasan na lang namin ang isa’t-isa at huwag na kaming mag-uusp kahit na kailan. Wala na rin siya dapat binibigay na opinyon tungkol sa akin because I wasn’t saying anything, either good or bad, against him. Nang maikot ko na ata ang lahat ng pwesto sa higaan ko ay nagpasya akong bumaba para makainom ng gatas. Kapag kasi hindi ako makatulog ay ginagawa ko iyon para makakalma ako. Nagsimula iyon noong mga panahong nagkakalayo na ang loob namin ni Kuya at noong tuluyan na siyang umalis. Hindi ako lagi makatulog noon kakaisip sa mga bagay-bagay at ang naging paraan ko para makakalma ay ang pag-inom ng gatas. Weird but it really effects on me. Naupo ako sa dining area at doon ay marahang hinahalo ang gatas sa baso. Nakapangalumbaba pa ako habang ginagawa ko iyon. Napahikab ako. Mabuti naman at kahit papaano ay nakakaramdam na ako nang kahit kaunting antok. Sinimulan kong inumin iyon hanggang sa maubos. Saktong pagbaba ko ng baso ay napatingin ako sa lalaking naglalakad papalapit sa direksyon ko. Ang inaantok kong diwa kanina ay gising na gising nanaman! Nakakainis talaga! Kaya nga ako bumaba para magpakalma at magpaantok tapos makikita ko naman siya? Edi wala ring silbi ang ginawa ko! Lalo nanaman akong hindi makakatulot nito pagkaakyat ko. Tumayo ako at hindi siya pinansin. Dumiretso ako sa lababo para hugasan ang ininuman ko at nang matapos iyon ay naglakad na ako pabalik. Malalampasan ko na sana siya nang marinig ko itong magsalita. Napahinto ako dahil doon. “Eva.” He said. Hindi ako nagsalita. I waited for whatever he was about to say. Hindi na ako nag-abalang umasa na mag-so-sorry siya sa sinabi niya kanina. I was even expecting to hear more hurtful words from him. “Please don’t rush on growing up. Enjoy your life. You’re still young. Huwag ka munang mag-bo-boyfriend.” Nabigla ako nang mahimigan ang pagiging kalmado nito. I did not expect that! Hindi ko napigilang humarap sa kanya. Umusbong ang matinding kaba sa akin nang makita ko siya. It was dark but I can still see his emotionless face. “You don’t need to worry, Kuya. Hindi ako nagmamadali na pumasok sa ganyang bagay,” matipid kong sagot dito. “Then what about that guy you were talking to?” Nagsalubong ang kilay ko. “Lucas is a friend. I know, I’m aware that he was feeling something for me but he understands the situation. Wala ka naman ding dapat na ipag-alala kay Lucas. Mabuti siyang tao, kung iyan ang iniisip mo.” Napansin kong umigting muli ang panga nito saka ako tinalikuran. Bahagya akong nagtaka sa inasal niya pero kalaunan ay umakyat na rin ako sa kwarto. Kinabukasan, nagising ako sa pag-iingay ng cellphone ko. Tumatawag si Tammy sa group chat namin. Sinagot ko iyon at agad na bumungad sa screen ang mukha naming apat. Ako at si Tammy ay pareho pang nakahiga habang si Shienel at Alana ay mukhang kakagising lang pero wala na sa higaan. “Ano ba iyon, Tammy? Ang aga-aga mo naman manggulo?” naiinis na sabi ni Shienel. “Tinawagan ko kayo ngayon para sabihing hindi ako papasok. Inaantok ako eh.” Hindi ko napigilang matawa. Ganoon din si Alana. Narinig ko naman ang galit na pagmumura ni Shienel. “Alam mo sasakalin kita talaga, Tammy! Sana nag-chat ka na lang, bwisit ka!” Tumawa si Tammy nang binaba ni Shienel ang tawag. Naiwan ang mukha naming tatlo sa screen. “Bakit kailangan mo pang umabsent, Tammy? There is no difference. Kahit naman pumasok ka ay natutulog ka lang rin naman sa klase. Why not go to the university and sleep there instead na mag-absent ka?” suhestiyon ni Alana. Tumawa si Tammy. “Papasok naman talaga ako, gusto ko lang na inisin si Shienel, Nag-away kasi kami kagabi. Atleast ngayon, alam kong bati na kami,” natatawang sabi nito. Saglit pa kaming nag-usap bago tuluyang pinatay ang tawag. Nagsimula akong maghanda at nang maayos na akong nakabihis ng uniform ay bumaba na ako dala ang aking bag para kumain. I was shocked to see Kuya Adam on the dining area. Siya na lang ang naroon. Nakaalis na siguro sila Mama dahil mas maaga talaga silang umaalis kaysa sa pasok ko. I thought sasabay na si Kuya Adam sa kanila para makaalis pero nang makita ko ang mga maleta na nakahanda sa sala ay doon ko naisip na maya-maya pa ang alis nito. I was silent when I started eating. Napansin kong may pagkain pa ito sa kanyang plato na halos hindi magalaw dahil sa sunod-sunod na mga texts at tawag na ginagawa niya. Nang matapos ako ay nagpasya na akong tumayo at ilagay sa hugasan ang pinagkainan ko. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang ganoon din ang ginawa ni Kuya. Pagkalagay niya ng plato ay naglakad ito palapit sa akin. Ibinaba niya ang tawag at tinitigan ako sa mata. Naramdaman ko ang pagsikdo ng puso ko. “Sabay na tayong umalis para hindi hassle sa driver. I will accompany you to your university before we go to the airport.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD