“Eva! Okay lang iyon. Ang cool nga ng Mama mo eh. Mabuti ka pa nga at hindi strict ang parents mo tungkol sa mga ganyang bagay. Huwag mo na kaming i-snob-in diyan!” Niyakap ako ni Shienel at inumpisahang lambingin.
Naloka talaga ako nang sinabi niya kay Mama ang tungkol kay Lucas. Agad nga iyong nakarating kay Papa. Tuwang-tuwa pa si Mama habang sinasabi iyon at mabuti na lang talaga at maluwag sila sa akin tungkol sa ganoong bagay.
If there’s someone who’s strict, that’s Kuya Adam. Mabuti nga at hindi pa ako kinakausap niyon. Maybe, he have no idea yet or he doesn’t care.
“Panay na tuloy ang pangungulit nila sa akin kay Lucas. Mamaya kasi iniisip na nila Mama na may gusto rin ako kay Lucas samantalang wala naman talaga.” Umiling si Shienel.
“Hindi, Eva. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Huwag ka ng mataranta riyan. Kalma lang, oh, ayan na si Lucas baby.” Humiwalay siya sa akin at naupo nang maayos. Malalaki ang ngisi nito habang pinapanuod si Lucas na naglalakad palapit sa amin.
“Hello, girls.” Ngumiti ito sa mga kaibigan ko at isa-isa silang binati.
“Hi, Lucas baby! Upo ka...” Tumayo si Shienel at lumipat sa tabi ni Tammy. Agad siyang sinimangutan ni Tammy na tuloy-tuloy lang sa pagkain. Habang si Alana ay napapailing na lang dahil sa ginagawa ni Shienel.
We were currently on the canteen at kumakain ng lunch. Medyo maraming tao dahil marami ring taga-ibang courses ang nandito dahil halos alas-dose na ng tanghali. Pasimple kong pinagmasdan ang paligid at pansin na pansin ko ang sama ng titig sa akin ng mga babae.
Ito rin ang isa sa mga naiisip ko. Lucas is a heartthrob, there was no doubt in that. Dagdag pa ang kaalaman na player ito sa varsity ng university namin kaya medyo sikat talaga siya lalo na sa mga babae.
Iniisip ko na ang hirap ma-attach sa ganoong tao. Mas gusto ko kasi ng pribadong relasyon kung sakali man na magkakaroon ako ng boyfriend. Ang hirap niyon kung maraming mata ang nakasunod sa amin. Ngayon pa nga lang ay marami na akong naririnig sa iba dahil sa malaya kong pagtanggap kay Lucas.
Some of them have already concluded about us. Pakiramdam ko nga ay kumakalat na sa lahat na kami na ni Lucas dahil napapadalas na talaga ang pagsama nito sa grupo namin.
“Eva, ayos lang ba kung tatabi ako sa iyo?” maingat niyang tanong sa akin. Maybe he noticed my face. Tipid akong ngumiti dito at tumango. Nagtagal ang titig nito sa akin. Pasimple nitong inayos ang pagkain na dala niya saka mahinang nagsalita.
“Are you okay, Eva? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong nito.
“Ha? Oo naman.” Tumawa ako nang mahina saka nagpatuloy na sa pagkain. I was silent the whole time that we were eating. Ramdam ko ang maya’t-mayang pagtingin sa akin ni Lucas but he wasn’t pushing himself to know what was going on in my mind and I appreciate that. Nakikitawa na lang ito at attentive sa mga kwentuhan nila Shienel at Tammy.
Tahimik ako sa araw na iyon at hindi na rin ako nagawa pang kulitin ni Shienel. I can also feel Tammy’s eyes on me habang si Alana naman ay hindi na muna nagtangka na magtanong sa akin. They know that I will open up voluntarily once I’m fine.
Naghihintay ako sa sundo ko sa isa sa mga bench malapit sa parking lot. Tulala lang ako ng mga oras na iyon hanggang sa maramdaman ko ang isang tao na naupo sa tabi ko. Lumingon ako at nakitang si Lucas iyon.
“Lucas, anong ginagawa mo rito?” kalmadong tanong ko sa kanya. He smiled sadly at me.
“I just want to talk to you. I feel like there’s something up to you. You know, Eva, I’m your friend. You can always talk to me.” Huminga ako nang malalim at muling ibinalik ang tingin sa malayo.
“I don’t know if I should tell you this but I felt pressured right now. Pakiramdam ko ay ang babaw ng iniisip ko pero ngayon ko lang kasi naranasan ito.” He nodded and listened attentively.
“You can tell it to me. Buong hapon kitang pinagmasdan. Hindi kasi ako napanatag nang makita kong tahimik ka sa tabi ko habang sumasabay ako sa inyo kanina. I really felt that something is bothering you and I felt the need to go to you and comfort you for whatever it is. You didn’t talk it out to your friends and I was hoping you could tell it to me,” mahinahong sabi nito.
“Alright, it is something about you Lucas.” Mukhang nabigla siya sa sinabi ko. Nagsalubong ang kilay nito at inosenteng itinuro ang sarili niya.
“Me? What about me? Don’t tell me nagkakagusto ka na sa akin? Nako, Eva. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi ka pa ready ha? May mga priorities ka pa at kahit magkagusto ka sa akin, rerespetuhin ko ang desisyon mo at hindi kita pipilitin na makapasok ako sa buhay mo,” magaang sabi nito habang nakangiti.
Hindi ko napigilang matawa nang kaunti dahil sa naging pahayag niya. Halatang nagbibiro siya pero sa paraan ng pagkakasabi niya ay akala mo seryoso siya sa mga iyon. Hindi mo malaman kung nagyayabang o ano.
“Ewan ko sa iyo, Lucas.” Ngumiti ito at napakamot ng ulo.
“Atleast I made you smile, hindi ko nakita iyan ngayong maghapon. So kidding aside, what about me is bothering you?” seryosong sabi nito.
“My parents accidentally knew about you. Nabanggit ka kasi ni Shienel, kilala mo naman iyon hindi ba? Bukod sa sobrang boto iyon sa iyo, napakadaldal at napakakulit pa ng babaeng iyon. She told my mother some stuff about you and now, my parents are kind of pressuring me to bring you home.” Mabagal na tumango si Lucas habang iniintindi ang sinabi ko.
“Okay, I understand. Do you want me to face them and tell them myself that we’re just friends? Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kanila,” suhestiyon niya.
Tinitigan ko ang mukha niya. I have been thinking of something since last night. Lucas is a good friend to me and he is a very kind person. Hindi lang sa akin kundi sa mga kaibigan ko at ganoon din ang naririnig ko mula sa ibang tao tungkol sa kanya. It was his nature and he is not doing it just to make me like him.
Alam ko sa sarili ko na wala akong nararamdaman kay Lucas na higit sa isang pagiging kaibigan. But maybe, my friends were right. How can I like him if I’m not giving him the chance to prove himself to me?
Kaysa ma-stress ako sa kakaisip sa mga sinasabi sa akin ng mga nakapaligid sa akin ay siguro, dapat ko ng magdesisyon. I shouldn’t be playing safe. I can always reject Lucas kung maramdaman kong wala talagang spark o hindi talaga mag-work.
Besides, he will just court me. Hindi naman ibig sabihin niyon ay kami na talaga. I just want to clear things out in my mind and other people’s mind. Nababaliw na kasi ako sa mga sinasabi ng tao, my friends and my parents.
Gustuhin ko mang hindi pansinin ay ang hirap gawin. I don’t know, maybe it was just me and my attitude. Ang bilis kong madala sa mga sinasabi ng iba. I was emotionally weak even before. Ang bilis kong maapektuhan.
“Lucas, mind if I ask you something?” mahinang tanong ko dito. Kuryoso itong tumingin sa akin at tumango.
“Why am I feeling nervous? Ano iyon, Eva?” Ngumiti ako sa kanya at tinitigan siya sa mata.
“Why do you like me? Ano bang nagustuhan mo sa akin? There’s nothing special about me.” Nagsalubong ang kilay niya.
“What made you think that nothing is special about you? If I can only lend you my eyes to let you know what I see in you. You are more than what you think of yourself, Eva. There is no doubt that I would fall head over heels on you. I can see how sincere your personality. You, just being yourself is way more attractive to me more than you could ever imagine.” He looked at me softly.
There is something on the way he’s looking at me and with the words he’s saying to me that makes me feel light. I have always thought of this before. Sobrang kumportable ako sa kanya to the point that it was so easy for me to get along with him and be friends with him kahit na alam ko ang nararamdaman nito sa akin.
“There were so many things I like about you but above of it all, I just like how simple you are and just being yourself without trying to impress anyone. That’s so rare to find nowadays, Eva. Nakikita ko sa mga babae ngayon na nagpapaangatan sila. They didn’t like being left behind and that’s one thing I like the most about you. You are not trying hard to be the perfect woman. You’re just you, being unique in your own way,” nakangiting sabi nito.
I can feel the sincerity on it. He is really good with words and maybe, that’s why maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Definitely the good boy type that could make every woman’s heart flutter with just his flowery words.
“Wow, you left me almost speechless,” namamanghang sabi ko dito. Napahawak ito sa kanyang batok.
“Pasensya na, ang dami ko na bang nasasabi? Ang daldal ko talaga pagdating sayo. Baka kinikilig ka riyan ha? Wag muna, hindi ka pa ready.” Napatawa akong muli dahil sa hirit niyang iyon. Ang kulit, Lucas!
“Lucas, pinapayagan na kitang manligaw sa akin.” Napatigil ito at gulat na gulat sa sinabi ko. Naging seryoso ang mukha nito at umiling sa akin. Wow, I did not expect that reaction.
Akala ko kasi ay magliliwanag ang mukha nito at baka magsisigaw pa dahil finally, I let him court me but no. Mukha hindi pa siya natutuwa sa naging desisyon ko.
“Eva, don’t decide on things that was just pressuring you. If you decided on something, make sure that it was out of good will. I told you already, I’m not rushing you. I will wait whenever you will be ready,” diretsong sabi nito.
“Pero Lucas...” Umiling itong muli. Unti-unti ay napangiti ako. He is really a different guy. He is really amazing.
“Wala ng pero, pero, Eva. Huwag mo nang ipilit kasi baka pumayag na ako. Bahala ka talaga riyan.” Natawa na lang ako sa kanya. Lalo akong naging kumportable sa kanya dahil sa naging pag-uusap naming dalawa ngayon.
Saglit pa kaming nag-usap sa mga random na bagay. We totally dropped the topic a while ago at nagsimula itong magkwento sa akin para mas gumaan ang pakiramdam ko. Sa mga oras na iyon, puro tawa lang ang ginawa ko. He is a good speaker and once he talks, something in you will make you listen to him.
Nakakatuwa kasi nakalimutan ko ang mga iniisip ko ngayong araw at kagabi. Naging malinaw din sa akin ang mga gumugulo sa isip ko sa araw na iyon. Mabuti na lang talaga at mabuting tao itong si Lucas. He didn’t take advantage of it and from there, I can definitely say that he have good and pure intentions on me.
That’s a good point for me. So far, wala pa akong nakikitang hindi maganda sa kanya. Besides of being makulit, wala na talaga.
Napatigil kami sa pagkukwentuhan nang may pumaradang sasakyan sa harapan namin. Nagsalubong ang kilay ko dahil pamilyar ang sasakyan na iyon pero hindi iyon ang sasakyan na ginagamit ng driver namin sa pagsundo sa akin.
Sabay kaming tumayo ni Lucas. Nagulat ako nang bumaba mula sa passenger’s seat si Papa. Sa back seat naman ay si Mama. Malalaki ang ngisi ni Mama sa akin saka lumapit sa amin ni Lucas.
Napakamot ako sa ulo at binalingan si Lucas.
“They’re my parents.” Napatayo ito nang tuwid at ilang beses na tumikhim. I felt like he was a little nervous based on his gestures pero hindi iyon kita sa mukha niya. He still managed to smile.
“Good afternoon po, Mr. and Mrs. Peñafiel. Ako po si Lucas Tejado, kaibigan ni Eva.” Umangat ang magkabilang kilay ni Mama.
“Ay, bakit kaibigan lang? Akala ko nanliligaw ka sa anak ko?” Natawa si Lucas at umiling.
“Saka na po siguro iyon kapag handa na si Eva. Sa ngayon, magkaibigan po kami,” magaang sabi nito. Agad na napangiti si Papa. Mukhang nagustuhan ang sagot ni Lucas. Aba, good shot agad sa magulang ko.
“It was nice to meet you, Lucas. Do you want to come and join us? Kakain kasi kami sa labas kaya kami na ang sumundo kay Eva,” magaang sabi ni Papa. Magsasalita na sana si Lucas nang mag-ring ang kanyang phone. Napakamot ito sa ulo at nahihiyang ngumiti kila Mama.
“Pasensya na po, gustuhin ko man ay may naka-schedule po kasi akong lakad kasama ang mga magulang ko ngayon.” Tumango ang mga magulang at nagpaalam kay Lucas.
Binalingan ako ni Lucas at nagpaalam ito sa akin bago nagmamadaling umalis at iniwan kami.
Habang papasok kami ng sasakyan ay nag-umpisa na agad si Mama sa pangungulit nito sa akin.
“Gwapo naman pala si Lucas, Eva! Magpaligaw ka na!” Kung kahapon ay hindi ako kumportable sa mga ganyan nila Mama ay ngayon, kaya ko nang itawa ang mga iyon dahil talagang gumaan ang loob ko sa naging pag-uusap namin ni Lucas.
Napatigil ako sa pagtawa nang may maamoy akong pamilyar na pabango sa loob ng sasakyan. Umikot ang mata ko sa paligid hanggang sa tumama ang mata ko sa rear view mirror ng sasakyan at nakita ang malamig na mga matang nakatingin sa akin.
Agad na kumalabog ang dibdib ko sa matinding kaba nang makita ko ang galit na mukha ni Kuya Adam. What is he doing here?!