“Wala naman, Kuya... tatlong babae ang mga kaibigan ko.” Hindi ko alam kung bakit ang tindi ng kaba ko sa mga oras na iyon. He looked so serious. His lips formed a thin line while his jaw is clenching.
“Higpit mo naman, Adam. Ano naman kung may lalaking kaibigan si Eva? Mas mabuti nga iyon dahil wala ka rito. Kinukulit ko nga minsan itong si Eva na mag-uwi naman ng manliligaw dito. Hindi ako naniniwala na walang nagkakagusto sa kanya ‘no.” Halos mapalunok ako nang makita ang pandidilim ng mukha ni Kuya.
“Mama, she’s still young for that. I am totally against it kaya huwag siyang magtatangka,” mariing sabi nito. Nakaramdam ako ng takot.
“Cut it, Adam. Whatever you say, basta sa oras na may magustuhan si Eva ay welcome na welcome iyon dito sa bahay.” Mama said while dismissing him.
Hindi ako mapakali nang makahiga na ako sa kama. Minsan talaga nagugulat na lang ako kapag kinakausap ako ni Kuya. Wala namang pinagbago dahil galit pa rin siya kung makipag-usap sa akin. Halatang naiirita ito sa akin pero nakakagulat na mas pinipili niya akong pansinin minsan.
Hindi na nga ako kumportable sa kanya. Mas okay na ako sa set up namin ngayon na hindi ko siya nakakasama at nakikita sa bahay. Nakakatakot siya at nakakaba. Pakiramdam ko ay ibang tao na siya at hindi na siya si Kuya Adam.
Kinabukasan ay nakita kong abala si Mama sa kusina. When I told her the requests of my friends, hindi manlang siya nagdalawang isip at maligaya pang sinunod ang mga putaheng gusto nila Tammy at Shienel. I can’t believe her but I really can’t blame her.
Totoo ang sinabi ni Alana. Kaya ganito na lang ka-excited si Mama dahil kahit kailan, wala akong napakilala sa kanyang kaibigan lalo na noong high school at elementary. The fact that I was even bullied before added up to that.
I remembered her asking me if I already have a friends at ganoon na lang ang nakikita kong lungkot at dismaya kay Mama sa tuwing sinasabi kong wala. Napansin din siguro nila ang malaking pagbabago sa akin noong nawala dito sa bahay si Kuya Adam kaya mas ginusto niya na magkaroon ako ng kaibigan pero wala kasi talaga.
Kaya naman ngayong pupunta sila Tammy, I’m sure that Mama’s willing to give them everything they want. Talagang ma-i-spoil sila ng sobra. Baka hindi na kami mag-aral kila Alana at mawili silang tatlo dito.
Wala namang problema sa akin ang idea na iyon. I actually like it. Para naman may makasama ako dito sa bahay. Mas nakakapag-isip kasi ako nang malulungkot kapag mag-isa lang ako sa bahay. Having them here would make it different.
Bandang alas-nuebe nang makatanggap ako ng message sa group chat namin saying that they were already at the village’s gate. Nagpaalam ako kay Mama na susunduin sila and she even shrieked in excitement. Grabe, parang mga anak niya rin ang uuwi.
Nagpahatid ako sa driver namin at nang makarating kami sa gate ay agad kong pinasakay sila Alana sa sasakyan. May ilang gamit na dala si Alana habang si Shienel ay may maliit na body bag, akala mo ay may gala kung saan. I looked at Tammy and saw her brought nothing but herself.
“Tammy, wala kang dala maski notebook o ballpen?” Nakita kong humikab ito saka bumaling sa akin.
“Wala, bakit? Para saan?” inosenteng tanong nito. Hindi ko alam kung totoo iyon o talagang sinasadya niya. Narinig ko ang pagtawa ni Shienel.
“Wow naman, Tammy. Sleep over ata ang ipinunta mo dito kila Eva eh,” pang-aasar nito. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Tammy.
“Nakakahiya naman sa’yo? Saan ang gala?” Inirapan siya ni Tammy. Nagsalita si Alana.
“Nag-away pa kayong dalawa eh pareho lang naman kayo,” umiiling na sabi nito.
Nakarating kami sa bahay. Narinig ko ang singhap ni Tammy at nang bumaba kami ay hindi ito makapaniwala habang tumitingin sa bahay namin. Alana and Shienel also gazed on our house and there was the amazement in their eyes.
“Sobrang yaman niyo pala, Eva? Bakit parang hindi mo naman sinasabi? Ilang beses pa kitang nilibre, afford mo naman pala,” natatawang sabi ni Shienel. Napakamot ako sa ulo.
“Ikaw naman kasi ang nag-aaya palagi. Saka hindi naman kailangang ipagkalat ang tungkol sa mga ganyang bagay.” Napalingon kaming tatlo nang makita si Mama na malalaki ang ngiti na nakatingin sa amin.
“Mama, this is Alana, Tammy and Shienel. Sila po ang mga kaibigan ko.” Isa-isa kong tinuro ang mga kaibigan ko. Isa-isang nagmano at humalik sa pisngi ang mga ito. Hindi pa nga nakuntento doon si Mama at niyayakap niya pa ang mga ito.
Napansin ko ang naluluhang mata ni Mama nang hinawakan ang kamay nila Alana.
“Welcome to our home, beautiful ladies. Pasok kayo...” Nauna silang apat na pumasok habang ako ay nangingiting nakasunod sa kanila. Para akong kinalimutan bigla ni Mama bilang anak niya but no worries, hindi naman ako galit o nagtatampo.
I was even happy. Masaya ako kasi tanggap na tanggap ni Mama ang mga kaibigan ko at alam ko, nararamdaman kong ganoon din iyon para kila Alana. Matagal ko nang hinihiling na mangyari ito sa akin. Mabuti na lang talaga at nakilala ko sila.
Dumiretso kami sa bakanteng kwarto kung saan kami mag-aaral. Ilang beses ko ngang sinabihan si Mama na sa balcony na lang sana kami dahil duda ako na makakapag-aral kami dito sa kwarto lalo pa at may higaan.
Panigurado kasi na didiretso kaagad si Tammy doon at wala pang isang minuto ay baka nakatulog na ang babaeng iyon. At kapag nakita naming natutulog si Tammy, siyempre, maiinggit kami. Tatamarin na kami mag-aral. Gusto ko na lang mapailing sa sinagot sa akin ni Mama.
“Edi mas okay, para lagi silang babalik dito para makaaral kayo. Huwag na sa balcony, Eva. Maiinitan kayo doon kapag tanghali at baka mabasa kapag umulan. Nasa inyo naman iyan kung tatamarin kayo o hindi. Isisisi mo pa sa kwarto...”
Sana nga huwag kaming tamarin. Sana umubra ang powers ni Alana na makumbinsi kami, lalo na si Tammy.
“I hope you liked the place. May gusto ba kayo? Hindi ba kayo nagugutom? Magpapaakyat ako ng meryenda. May request ba kayo?” Napahawak ako sa noo ko. Wala pa nga kaming ginagawa tapos ang dami na agad paandar ni Mama. Grabe.
Kaagad na naupo si Tammy sa higaan. Si Shienel ay iniikot ang kwarto habang si Alana lang ang dumiretso sa nakahandang lamesa at naupo doon. Nararamdaman ko na talaga. Nakikini-kinita ko na ang sitwasyon ngayong araw.
Magsasalita na sana sila Tammy nang unahan sila ni Alana.
“Kahit ano lang po na meron, Tita. Ayos na po kami doon.” Ngumiti si Mama saka nagpaalam na sa amin.
Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay kaagad na humiga si Tammy.
“Tammy!” sabay na sabi namin ni Alana. Ngumisi ito saka bumangon ulit.
“Masyado kayo! Hindi ako matutulog. Mag-aaral tayo. Sige na, start na.” Tumayo siya at naupo na sa tabi ni Alana. Binalingan ko si Shienel.
“Shienel, tara na, start na tayo.” Huminto ito sa paglalakad at naupo sa higaan. Sinamaan siya ng tingin ni Tammy.
“Hoy, halika na dito, Shienel. Baka gusto mong kaladkarin pa kita papunta dito.” Dumila si Shienel saka humiga sa kama at pumikit.
“Shienel!” sita naming tatlo sa kanya. Umalingawngaw ang halakhak nito saka bumangon na at tumabi na rin kay Alana. Grabe, ang aga pa, pero pakiramdam ko wala na akong lakas mag-aral. Parang gusto ko na rin tuloy mahiga. Pambihira kasi itong sila Tammy.
Nagsimula kaming mag-aral. Nakakahiya nga kay Alana dahil ang kukulit talaga nila Tammy. Ako itong desididong makinig ay na-di-distract din sa kanila. Ilang beses tuloy inuulit ni Alana ang tinuturo niya.
Si Tammy, nanghingi pa sa akin kanina ng papel at ballpen pero pagpapanggap lang pala ang mga iyon. Napakalinis ng papel niya at wala na siyang ibang inaatupag kundi kumain ng mga meryendang pinaakyat ni Mama. Hindi nga ito tulog, panay kain naman!
Sabayan pa ni Shienel na paminsan-minsan ay kinukulit si Tammy. Ang naging ending tuloy sa umagang iyon ay halos sinisita lang namin sila ni Alana.
Nakarinig kami ng katok at pumasok doon si Mama. She’s inviting us for lunch. Nakakaloka pa, nauna pa ang dalawa na bumaba at kami ni Alana ay nakasunod lang sa kanila. Nahihiya akong tumingin kay Alana.
“Alana, sorry ha? Napapagod ka lang sa wala. Baliw kasi talaga ‘tong sila Tammy.” Tumawa si Alana at umiling sa akin.
“Ano ka ba, Eva? Okay lang sa akin. I kind of expected this already. This is okay tutal unang araw naman ito ng pag-tutor ko sa inyo. I won’t tolerate it the next time. I’m really serious about this. Gusto ko, lahat tayo papasa. Lahat tayo, ga-graduate on time.”
Sobrang bait talaga ni Alana. She’s so heartless and she’s willing to give and do everything for the sake of common good. She’s selfless and I’m proud to have a friend like her.
Pagkababa namin ay pare-pareho kaming apat na napanganga sa dami ng nakahanda sa lamesa. Gosh, halos limang putahe ata ang nakahanda doon kasama na ang request ni Tammy na kare-kare at crispy pata naman kay Shienel!
Binalingan ko si Mama na ngiting-ngiti habang pinagmamasdan ang reaksyon namin. She winked at me. Pakiramdam ko ay may birthday! Napakaraming handa samantalang mag-aaral lang kami, hindi pa nga nangyayari!
“G-Grabe, Tita, last meal na ba namin ito?” Hindi makapaniwalang sabi ni Alana.
“Tita, pwede paampon? Dito na lang ako.” Nakangangang sabi ni Shienel habang nakatingin sa mga pagkaing nakahilera sa lamesa.
“Tita, baka kailangan niyo ng tagabunot ng d**o sa labas, ako na lang. Gusto ko na lang tumira dito,” nabibiglang sabi ni Tammy.
Humalakhak si Mama at halatang nag-eenjoy. She urged us to eat. Kasabay namin siyang kumain at nagsimula na itong magkwento ng tungkol sa akin.
“Alam niyo ba, kayo ang unang kaibigan ni Eva na inuwi dito. Na-bully kasi iyan dati. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit, wala namang mali sa anak ko at kahit meron man, that doesn’t give anyone the rights to bully someone,” seryosong sabi ni Mama. Napatingin sa akin sila Alana. Ngumiti lang ako sa kanila.
“Kaya naman ngayong may kaibigan na siya, I was so excited to meet all of you. Kasi alam kong mababait at totoong tao kayo kahit hindi ko pa man kayo nakikita. You accepted my daughter and be friends with her kaya alam kong magugustuhan ko kayo. I couldn’t thank you all enough for making my Eva happy,” naluluhang sabi ni Mama.
“Ma, huwag ka namang umiyak. Maiiyak din sila,” pabiro kong sabi.
“Tita, huwag po kayong mag-alala. We will always be with Eva. Para na kaming magkakapatid at hindi na lang talaga kaibigan ang turingan namin. Wala ng makakapang-bully sa kanya kasi yari sila kay Tammy.” Siniko ni Shienel si Tammy na abala sa pagkain. Huminto si Tammy at bahagyang nagpunas ng bibig.
“Opo, Tita. Kami ang bahala kay Eva. Walang makakapanakit sa kanya hangga’t nandito kami. We’re like sisters with different mothers,” nakangiting sabi ni Tammy.
“Nagpapasalamat nga rin po kami sa inyo, Tita. Your warm welcome for today is really appreciated. Ang sarap tuloy mag-stay dito dahil kumportable kami at very welcoming kayo sa amin,” maligayang sabi ni Alana.
Nagpatuloy kami sa pagkain at nagkwentuhan pa saglit. Masyadong maraming tinatanong si Mama tungkol sa amin at ito namang mga kaibigan ko ay panay lang din ang sagot sa mga tanong ni Mama. Hindi ko na nga namalayan kung saan-saan na napunta ang kwento hanggang sa mapasok ang usaping manliligaw at boyfriend.
“May mga boyfriend ba kayo?” tanong ni Mama. Sabay-sabay na umiling ang tatlo.
“Hindi ko kailangan ng boyfriend, Tita. Mas okay pa sa akin na matulog,” sagot ni Tammy.
“Wala rin akong plano na mag-boyfriend sa ngayon, Tita. Ayokong ma-stress at pumangit,” sabi ni Shienel.
“Studies first po ako, Tita,” mabilis na wika ni Alana.
Namamanghang tumingin si Mama sa amin.
“Wow, ang babait niyo naman pala talaga. Mabuti iyan, pero kung sakaling may lalaki mang dumating ay hindi naman masama na i-entertain niyo. Masarap magkaroon ng inspirasyon habang nag-aaral. Ito bang si Eva, wala ring boyfriend? Wala bang umaaligid sa kanya sa university niyo?” Napaubo ako ng wala sa oras.
Kinabahan ako at pinagpawisan ng malagkit nang sabay-sabay na napunta sa akin ang mata nilang apat. Unti-unti ang pagngisi ni Shienel. Si Tammy naman ay napainom ng tubig habang si Alana ay nakangiting umiiling.
“Tita, well... ganito kasi ‘yan,” panimula ni Shienel. Napapikit ako at sinabi sa sarili na pupukpukin ko sa ulo si Shienel mamaya pagkabalik sa kwarto.
“Wala siyang boyfriend kasi sabi niya, wala pa raw sa isip niya ang mga ganoon. Pero, may lalaking umaaligid diyan sa anak niyo!” The excitement on her voice is very visible. Handang-handa na talaga siyang ihulog ako sa sarili kong ina.
“Talaga ba? Anong pangalan?” natutuwang sabi ni Mama.
“Lucas Tejado po! Gwapo iyan saka sobrang mabait. Very gentleman pa, kaya nga sinasabihan na namin iyang si Eva na tanggapin na iyon kahit bilang manliligaw lang.” Napapikit ako nang tuluyan nang sinabi ni Shienel ang tungkol kay Lucas.
“Nako, sinasabi ko na nga ba! Dalhin mo nga dito iyang Lucas na iyan at nang makilatis ko!”