Kabanata 15

2264 Words
I still haven’t decided about Lucas yet. Siguro ay hahayaan ko na muna iyon at isasantabi. I have so many things to prioritize right now. Lalo na ang pag-aaral ko dahil naghihingalo na ata ang grades ko. Natuturuan naman kami ni Alana, she was even willing to give her assignments and seatworks to us para makadagdag points. Ang hirap lang kasi kapag quizzes at exams na. Kahit ilang beses ng naituro ni Alana ay nakakalimutan ko talaga. Mental block talaga ang umiiral sa akin at kapag lumalabas ako ng room pagkatapos ng madugong exam, si Alana lang ang nakangiti sa amin. Ako, si Tammy at Shienel ay pare-pareho ng nalulungkot sa bumubulusok naming grades. Midterm exams na iyon at kapag sobrang lugmok ang score namin doon ay baka hindi na kami makabawi sa Finals. “Huwag na kayong malungkot, gusto niyo bang i-tutor ko kayong tatlo? Siyempre hindi naman pwedeng bumagsak kayo. Gusto ko, sabay-sabay tayong lahat na makakapagtapos.” Lalong sumimangot si Shienel at Tammy. Kasalukuyan kaming nasa Starbucks. Sobrang stressed kasi kami, lalo na si Shienel kaya inaya niya kami dito. Agad naman kaming sumama dahil libre raw. Sa aming apat kasi, si Shienel ang pinakagalante. Ito kasi ang pinakamayaman sa amin. Anak kasi si Shienel ng governor namin dito sa Abra. Noong unang beses nga naming nalaman iyon ay nagulat kami. Kilala ko ang mga anak ng governer dahil minsan na rin kaming nakadalo nila Mama sa mga event nila pero hindi ko pa naman nakita si Shienel doon. Anak pala ito sa labas ng governor namin. Gamit niya ang apelyido ng nanay niya at buwan-buwan ay may sustento siyang natatanggap sa governor in exchange of her silence. Wala raw kasi dapat makaalam na may anak sa labas ang governor dahil baka masira ang pangalan nito. She just trusted us that much kaya sinabi niya iyon sa amin. We have no plans on broadcast it to everyone either. Her secret is safe with us. Humigop sa kanyang inumin si Shienel bago nagsalita. “Masyado namang nakaka-pressure ang sinabi mo, Alana. Kung babagsak kami, okay lang naman sa amin. Masaya pa rin kami para sayo kung mauunahan mo kami, kailangan mong mag-aral ng mabuti para sa goal mong latin honor, hindi ba?” Nakita ko ang pagsama ng tingin ni Tammy kay Shienel. “Huwag mo akong idamay riyan ha, Shienel. Hindi okay sa akin na bumagsak. Wala na akong pera pambayad sa dagdag pang tuition ‘no,” iritableng wika nito. “Pwede naman kitang pautangin ha? Napakaarte mo kasi, hindi ka tumatanggap ng tulong. Maganda ka ba ha?” Napailing na lang ako nang magsimula na silang mag-asaran. Mabuti nga at hindi pa kami tinulugan ni Tammy. Maybe, she was also too stressed like us. Napabaling ako kay Alana dahil pinag-iisipan kong mabuti ang alok nito. “I think it’s a good idea, Alana. Mas maganda siguro kung mag-group study tayo tuwing weekends or tuwing kailan tayo bakante. Mas nakakasipag kasing mag-aral ng may kasama. Imagine, kapag ako lang mag-isa ay panay cellphone ang ginagawa ko, same with Shienel and with Tammy, we both know what she will be doing in case, right?” mahinhing tumawa si Alana. “Oo mas mabuti nga iyon. I could talk to Mom about it para sa bahay tayo minsan.” Tumango ako sa kanya. “Ako rin, kakausapin ko sila Mama para pwede rin tayo sa bahay. I’m sure that they will allow us. Para na rin mapakilala ko na kayo kila Mama. Matagal na niyang gusto na makilala kayo.” Iyon nga ang ginawa ko pagka-uwi. Sakto kasing ginabi kami dahil napasarap ang kwentuhan namin sa Starbucks kaya naman nang makauwi ako ay nakita ko na ang sasakyan nila Papa doon. “Ma, Pa, can my friends come over? Medyo nahihirapan na kasi kami nila Tammy sa subjects namin and Alana offered some help to teach us. There is no specific dates yet pero it’s either we will be here or at Alana’s residence,” kompartableng paalam ko sa kanila. “Pwede naman, Eva. I would love to welcome your friends. Basta sabihan mo lang ako kung kailan ba kayo dito para makapaghanda ako ng mga kakainin niyo,” nakangiting sabi ni Mama. Tinanguan naman ako ni Papa. “No problem with it. Atleast, nasa magandang circle of friends ka. That’s good enough for me to know that you’re helping each other.” Ngumiti ako kay Papa. Yup, I’m so lucky with them. Mula nang makapagtapos ako ng elementary hanggang high school, talagang wala akong naging consistent person sa buhay ko. That’s why it was a huge adjustment for me when Kuya Adam decided to break our ties with each other. He was the one I considered to be the consistent human in my life. My best friend. Kaya naman nang umayaw na ito sa akin ay hindi ko alam kung paanong magsisimula na makipagkaibigan sa iba. I was the happiest when one by one, Alana, Shienel and Tammy decided to talk to me when we were all fresh in college. Right there and then, alam kong sila na ang magiging matalik kong kaibigan kaya naman I really treasure them a lot. Kinabukasan, maligaya kong ibinalita kay Alana na pumayag sila Mama na minsan ay sa bahay kami mag-aral. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya at sinabing payag din daw ang Mommy niya na doon sila sa kanila. Lunch namin at nagpasya kaming kumain sa isang fast food malapit sa university. Tammy was already sleeping while her head is down on the table. Si Shienel ang nakapila ngayon para sa order. Habang naghihintay kay Shienel na makabalik ay nakita ko mula sa entrance ang grupo ng mga lalaki. Kapareho namin sila ng university pero iba ang uniform. Mga Business majors ang mga iyon. Isa-isa kong pinadaanan ng tingin ang mga lalaki hanggang sa mapatigil iyon kay Lucas na nakatingin na rin sa akin. He smiled at me and waved his hands. Mukhang napansin iyon ng mga kaibigan niya kaya nagsimula na silang tuksuhin ito. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita kung gaano ito makipagkulitan sa mga kaibigan habang pabirong sinusuntok ang mga braso nito. Saglit akong napabaling kay Tammy nang galit itong umangat at lumingon sa maingay na grupo nila Lucas. “Napakaingay naman! Ang sarap nang tulog ko eh mga bwisit talaga sa buhay ang mga lalaki!” Nagkatinginan kami ni Alana. “Oh, hater ka na talaga ng lalaki ngayon? Akala namin, snob ka lang ha?” magaang tanong ko dito. “Oo, hater talaga ako ng mga iyan. Lalo na iyang mga kasama ni Lucas. Bakit ba kaibigan niya ‘yang mga iyan? Siya lang ang matino riyan ha? The rest, mga nagpapalaki lang ng itlog.” Ramdam ko ang galit sa boses ni Tammy. Akala mo ay napakalalim ng pinaghuhugutan niya sa sinabi niyang iyon. Saktong napatingin ako kay Shienel na may dalang isang tray na puno ng pagkain. I was about to stand and help her when Lucas presented himself to Shienel and voluntarily brought the tray. Nakita ko pa nga ang pagkabigla ni Shienel dahil naroon din si Lucas bago ito unti-unting bumaling sa akin at dahan-dahang ngumisi. Pambihira, magsisimula nanaman siyang mang-asar. “Napaka-gentleman naman ni Lucas baby, kung ako sa iyo Eva, sasagutin ko na ito!” At iyon na nga ang sinasabi ko, nagsimula na siyang mang-asar. “Shienel, nako, nakakahiya. Hindi pa nga ako nanliligaw kay Eva. Huwag kang ganiyan, baka totohanin niya...” Napailing ako nang sinakyan pa iyon ni Lucas. Kaya tuwang-tuwa si Shienel sa kanya eh. Lumapad ang ngisi ni Shienel at nakipag-apir kay Lucas. “Kaya boto ako sa’yo eh. Salamat, Lucas baby! Dito ka na kaya kumain? Tabi kayo ni Eva, hindi naman talaga si Alana ang nakaupo diyan. Alis nga diyan, Alana.” Humalakhak si Lucas. Halos mapahawak ako sa noo dahil sa matinding hiya na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko. “Gustuhin ko man pero kasama ko ang mga kaibigan ko. Probably next time, it will be my treat.” Napapalakpak si Shienel dahil sa sinabi nito. Pambihira ka talaga, Shienel! Bumaling sa akin si Lucas at ngumiti nang matamis sa akin. Nagulat pa ako nang bahagya niya akong kinindatan. “Hello, Eva. Pasensya na sa abala ha. Puntahan ko na ang mga kaibigan ko.” Nagpaalam rin sila Alana dito habang si Tammy ay nagpahabol pa kay Lucas na pagsabihan ang mga kaibigan nito na huwag masyadong maingay dahil naiistorbo ang tulog niya. “May pakindat-kindat pang nalalaman! Kayo na siguro ‘no?” Mabilis akong tumanggi sa paratang niya. “Hindi ha! Grabe naman, nagulat nga rin ako...” Napatingin ako kay Tammy nang banggain niya nang mahina ang braso ko. “Kinilig ka ‘no?” Nanlaki ang mata ko at muling umiling. “Defensive naman ni Eva.” Para akong pagpapawisan nang makisali pa si Alana sa kanila. “Hindi naman talaga. Kapag naman may kakaiba akong nararamdaman, sasabihin ko naman sa inyo. Pero sa ngayon, wala talaga. Natutuwa ako kay Lucas, oo pero wala pa akong gusto sa kanya. Hindi ko naman siya pinagsasarhan ng pinto. Basta alam niya naman na iyon,” mahabang paliwanag ko sa mga ito. Kapag kasi hindi ko pinansin ang pang-aasar nila ay talagang iisipin nila ang gusto nilang isipin. Mas mabuti nang pinapaliwanag ko ang lahat sa kanila. Choice na lang nila kung maniniwala pa ba sila sa akin o hindi. Weekends is fast approaching. Napagkasunduan namin na sa bahay na muna kami. Naaatat na kasi si Mama kung kailan daw ba bibisita sila Alana sa bahay. Gustong-gusto niya na talagang makilala ang kaibigan ko. Pumayag naman sila na sa bahay kami mag-aral. “Sobrang excited si Mama na makilala kayo. Ang dami niya na ngang pinautos na bilhin kanina para sa pagdating niyo bukas. She’s even asking if may request kayong pagkain dahil ipapagluto niya kayo.” Tumawa nang mahina si Alana. “Ang cute naman ng Mama mo but I understand her naman, kami ang unang kaibigan na iuuwi mo sa inyo that’s why she’s excited,” nakangiting sabi ni Alana. “Ako, Eva. May request ako! I want kare-kare.” Sabay na nagsalubong ang kilay namin ni Alana sa sinabi ni Shienel. Si Tammy ay dahan-dahang umangat mula sa pagkakatulog. Pumupungas-pungas pa ito at tila nakikiramdam sa pinag-uusapan. “Shienel, mag-aaral tayo doon ha? Hindi mag-picnic.” Ngumuso ito. “Bakit? Kumakain ako ng heavy meal habang nag-aaral ‘no!” depensa nito. Agad na sumabat si Tammy. “Hindi ka nga nag-aaral. Nagpapatawa ka ata eh.” Mahina siyang kinurot ni Shienel. “Akala ko ba tulog ka? Matulog ka nga ulit!” bulyaw sa kanya ni Shienel. “Manahimik ka, Shienel. Kakagising ko lang ha. Baka gusto mong bunutin ko pilikmata mo gamit chopsticks?” iritableng sagot ni Tammy. “Tama na iyan, baka magkapikunan nanaman kayo. Ikaw ba, Tammy? Wala kang request?” Tumingin siya sa akin at bahagyang nag-isip. “Ayoko ng masyadong mahirap lutuin. Hindi naman ako katulad ni Shienel na kare-kare pa ang gusto pero gusto ko ng crispy pata. Iyon na lang.” Napapikit ako at napahawak sa noo. Agad siyang binatukan ni Shienel. Si Alana naman ay natatawa na lang habang pinapanuod kami. “Makaano ka naman sa akin, eh isa ka pa palang pa-espesyal. Bwisit ka talaga, Tammy!” inis na inis na sabi ni Shienel. Inirapan lang siya ni Tammy. Binalingan ko si Alana. Wala akong makukuhang matinong sagot sa dalawang ito sa ngayon. Puro kalokohan ang mga nasa isip eh. Alam ko naman ang paborito nilang kainin kaya iyon na lang ang ipapahanda ko. I might as well tell Mom about kare-kare and crispy pata pero kung hindi available, wala na silang karapatan na mag-inarte. “Ikaw ba, Alana? Do you want anything for tomorrow?” Ngumiti ito saka umiling. “Ayos na ako sa kahit na ano. Whole day tayo ‘no? Kung anong available na ulam at meryenda, I’m fine with it.” Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. Finally, a decent answer. Bumaling kami sa dalawa at nakitang nag-iirapan sila. Ang lakas nilang mag-asaran at magkapikunan pero sila rin ang pinakamalapit sa isa’t-isa. Kapag wala si Shienel o wala si Tammy ay hinahanap nila ang isa’t-isa. Lambingan lang nila ang pag-aaway ng ganyan. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad na papasok ng bahay. Nakita ko si Mama at Papa na nasa sala. Papa was busy watching the news habang si Mama naman ay mukhang may ka-video chat sa phone. “Oh, nakauwi na pala si Eva.” Bumaling siya sa akin at pinalapit ako sa kanya. “Sino iyan, Ma?” Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako paunti-unti ng kaba. “Si Adam ito. Oh, Adam, ito na si Eva. Kanina mo pa hinahanap eh, nagpaalam naman ito na lalabas silang magkakaibigan. Nga pala, bukas pupunta naman ang mga kaibigan niya rito kasi may group study sila.” Tumindi ang kaba ko nang makita ang mukha ni Kuya sa screen. Mukha ko na rin ang nakatutok doon at hindi ko malaman kung dapat ba akong ngumiti o bumati sa kanya. I really felt uncomfortable facing him now. Saglit siyang natahimik bago nagsalita. Abot-abot ang tahip sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi niya. “May lalaki ba, Eva? Mama, kapag may lalaki, huwag mong papapasukin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD