“Have you seen the news, Eva? Natapos na ang project ng Kuya mo! We can visit him in Manila dahil kahit papaano ay may free time na siya ulit bago siya ulit sumalang sa malakihang project. This time, it’s a bridge in Mindanao!” excited na sabi ni Mama.
I couldn’t help myself to be happy of how proud my parents are for my brother. Masayang-masaya sila na maganda ang naging takbo ng buhay ni Kuya sa pinili niyang landas. I wonder if they would be proud at me like that or maybe, I would cause a lot of disappointments to them dahil hindi naman ako kasing galing at kasing talino ni Kuya Adam.
“May pasok po ako, Mama. If you want to visit him, you can go. Makakasama ko naman po ang mga kasambahay dito.” Nalungkot si Mama at nilapitan ako.
“Hindi ka ba pwedeng umabsent? Puntahan natin ang Kuya mo para makapag-celebrate.” Ngumiti ako at umiling.
“Hindi pwede, Ma. Nag-uumpisa na ang projects sa major subject namin. I couldn’t miss that, baka magkabagsak pa ako at mahirapang makahabol.” Saglit akong tinitigan ni Mama saka tumango.
Of course, that was a lie. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng prelims kaya wala pa gaanong pinapagawa lalo na sa major subjects pero kung hindi ko sinabi iyon ay tiyak na pipilitin nanaman akong pasamahin ni Mama.
I won’t repeat the same mistake again. Baka hindi ko na kayanin at maisumbong ko na kila Papa kapag napagsalitaan pa ako ni Kuya Adam.
Katulad nga ng sinabi nila Mama ay nagtungo sila sa Manila ni Papa. I was actually amazed on how supportive parents they are. Kada milestone kasi sa buhay ni Kuya Adam ay walang pakundangan silang pumupunta ng Manila. As if Manila is just one kilometer from Abra. Akala mo ay nasa kanto lang ang Manila kung makapag-decide sila na pumunta doon.
Parang normal na araw lang sa akin habang kumakain ako mag-isa. Madalas na nangyayari iyon at sanay na ako dahil busy pa rin naman sila Papa sa trabaho kaya madalas ay sa weekends o sa mga araw na walang pasok lang kami nagkakasabay sa kainan.
Nang matapos akong kumain ay agad na akong naghanda para sa pagpasok. I wore a simple high waist jeans and a body fitting crop top. It is our wash day kaya naman hindi namin kailangan na mag-uniform.
Pagkahatid sa akin ng driver ay kaagad na akong nagtungo sa room namin. I was surprised that my friends were not there yet. Kahit si Alana na palaging thirty minutes early before class ay wala pa. I checked my watch and saw that they still have fifteen minutes left before the class starts.
Tumingin ako sa paligid at kakaunti pa lang din ang tao sa room. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa phone ko nang may isang lalaki ang naupo sa tabi ko. I glanced at the guy and saw Lucas’ smiling face.
“Hello, Eva!” He said full of energy. I smiled at him.
Kahit na alam na ng lahat, including me, na may feelings siya sa akin ay hindi naman sapat na rason iyon para maging masama ang pakikitungo ko sa kanya. I have been rejecting him nicely dahil wala naman sa plano ko ang boyfriend. Although my parents were very open minded against it, ako talaga ang umaayaw.
“Hi, Lucas.” Lalong lumapad ang ngiti niya. He looked handsome, I will give him that.
Palaging nakaayos ang buhok nito. His clothes are decent too. Maayos siyang tignan kaya naman marami rin ang nagkakagusto sa kanya but since he was very open for his feelings towards me, marami rin tuloy mga babae ang hindi maganda ang trato sa akin.
Akala naman nila ay inaagaw ko si Lucas sa kanila. I’m just being friendly and I see no harm on being friends with Lucas. I appreciate him liking me but he clearly knows that I wasn’t ready yet.
“Himala at wala pa ang mga kaibigan mo?” magaang tanong nito.
“Oo nga eh, wala nga rin silang mga reply. Baka may mga emergency or na-late lang. Sasabihan naman nila ako kapag absent sila.” Pagkasabing pagkasabi ko niyon ay sunod na sunod na chat mula sa gc namin ang natanggap ko.
Bumaaba ang tingin ko doon at sunod-sunod na binasa ang mga chats nila.
Alana: Guys, hindi ako makakapasok, hindi maganda ang pakiramdam ko.
Shienel: I can’t go to school today. Hangover, nakipag-inuman ako kila Daddy and Uncles.
Tammy: Me also. I’m sleepy.
Alana: Hala, walang kasama si Eva? Eva, are you already in school?
Hindi pa ako tapos magbasa ng sunod-sunod na chats nila nang tumawag si Alana sa group chat namin. I immediately answered. It was a video call. Napatingin ako kay Lucas at ngumiti. Bahagya siyang umatras at lumayo.
“Eva? Nasa school ka na?” Tumango ako dito.
“Yup, but don’t worry. Okay lang naman ako. Magpahinga ka na lang diyan, Alana.” I said to her while assuring her.
“Tammy, bakit kasi hindi ka pumasok? Pumasok ka na para may kasama si Eva! Para namang bago na inaantok ka,” iritableng sabi ni Shienel.
“Bakit ba, Shienel? Edi ikaw ang pumasok tutal hindi rin naman bago na nakikipag-inuman ka sa pamilya mo,” bwisit ding sagot ni Tammy.
Narinig kong natawa si Lucas sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya at naiiling.
“I’m sorry, medyo malakas kasi ang volume kaya kahit hindi ko gustong makinig ay naririnig ko,” sabi nito habang humihingi ng dispensa.
“Eva? Eva? Sinong kasama mo?” pang-uusisa ni Shienel. Bahagya kong iginalaw ang phone para makita rin si Lucas sa camera. Lucas immediately smiled widely and waved his hands to my friends.
“Hello, Alana, Shienel and Tamara.” Nanlaki ang mata ni Tammy at ni Shienel. Parang nawala bigla ang antok ni Tammy at ang hang over ni Shienel.
“Lucas baby! Wow, saktong-sakto, baka pwedeng paki-entertain muna si Eva kasi absent kaming tatlo eh. Dibale, pagkatapos nito, pipilitin namin iyang si Eva na ikaw naman ang i-entertain bilang manliligaw.” Pinandilatan ko ng mata si Shienel dahil sa sinabi niya.
Kung sabihin niya iyon ay parang wala ako doon ha! Bakit pakiramdam ko ay binubugaw na nila ako kay Lucas? Samantalang wala naman akong gusto sa lalaki. I just see him as a friend.
“Pakiramdam ko nagising ako bigla ha. Hoy, Lucas, pakibantayan muna si Eva habang wala kami ha? Matutulog lang ako ng isang buong araw.” Natawa si Lucas sa sinabi nila Tammy at Shienel.
“Eva, I think Shienel and Tammy are right. It would be better if Lucas will join you today. Para hindi ka mabagot dahil wala kang kasama,” kalmadong sabi ni Alana.
Lumingon ako kay Lucas and he just nodded.
“It’s definitely okay with me. Don’t worry, I will keep her a company,” magaang na sabi nito.
Dumating na ang professor namin at agad na kaming nagpaalam kila Alana. Umalis si Lucas ng room dahil hindi naman namin siya kapareho ng course. Business Administration ang course na ito at hindi ko ng alam kung bakit napadpad iyon dito ngayon.
Kapag walang klase si Lucas ay nakikisit-in siya sa klase ko. Sinamahan niya rin ako sa mga vacant time ko. Kahit sa pagkain ko ay sabay kaming dalawa hanggang sa paggawa ko ng ilang assignments sa library. Nararamdaman ko na agad na kakalat ang issue sa pagitan naming dalawa.
“May assignment ka pa ba? Do you want me to help you?” marahang tanong ni Lucas. Napakamot ako sa ulo at inilabas ang assignment na tungkol sa history at buhay ni Jose Rizal.
“Okay lang ba? Pasensya na, hindi kasi ako matalino tulad ni Alana. Nagpapatulong lang din ako sa kanya sa mga ganitong bagay.” He smiled softly at me.
“It’s okay, Eva. I am always willing to help you,” nakangiting sabi nito.
While he was helping me with my assignments, hindi ko napigilan na mapaisip kung naong nagustuhan niya sa akin. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na siyang na-re-reject pero heto pa rin siya at hindi sumusuko sa paglapit sa akin.
Kasi kung ibang lalaki iyan ay unang rejection pa lang, aayawan na agad ang babae. I was quite impressed with Lucas’ determination.
“Huwag mo naman akong masyadong titigan ng ganiyan, Eva. Kinikilig ako...” Natawa ako dahil sa sinabi niya.
“I’m sorry. I’m just really curious. Bakit lumalapit ka pa rin sa akin? Bakit ang bait mo pa rin sa akin? I rejected you not only once or twice but many times. Kotang-kota ka na nga sa rejection mula sa akin, pero bakit nandito ka pa rin? Hindi ba masama ang loob mo sa akin?” kuryoso kong tanong.
“Yie... you’re starting to get curious on me, Eva. That’s a good start. But to answer your question, I understand your reason. Wala akong karapatan na sumama ang loob sa iyo kasi ako naman itong nangungulit. Maswerte pa nga ako na hindi mo ako tinataboy tulad ng ginagawa ni Tamara. Saka, I am willing to wait, Eva, because you are worth it.” He softly looked at me.
Halos matunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya. I appreciate it, really, pero hindi pa talaga ako handa na pumasok sa ganoong bagay. Maybe, if he continued being like this, baka dumating ang panahon na mahulog ako ng tuluyan sa kanya.
Lucas is not hard to like. He is almost perfect interms of his physical aspect and asidde from that, I can see right through him that he is a good person. He isn’t faking all of this just for me to have a good impression on him. He is genuine and sincere and I can feel that.
Pasasaan ba at magugustuhan ko rin siguro siya sa pagdating ng panahon? There’s no need to rush things.
“I am willing to be your friend if that’s the only thing you could still offer for me. We’re still young, Eva. Hindi naman ako nagmamadali. I liked it more that way for me to know you more and for you to see me in a different light. Kaya huwag kang mag-alala. Even if you rejected me a thousand times, I will always go back to you a thousand times tougher to face you.”
Since then, napadalas na ang pagsama niya sa amin. My friends were quite fond of him. He’s a heart stealer for women. Ang bilis niyang nakuha ang loob ng kaibigan ko.
“Why don’t you let him court you, Eva?” seryosong tanong ni Tammy. This is one of the rarest moment that she’s not sleeping inside the library.
“I don’t feel like I’m ready to commit to someone, Tammy.” Umiling si Shienel.
“Lucas courting you doesn’t mean that he’s entitled to be your boyfriend. Kaya nga hayaan mong manligaw sa iyo para mas makilala mo siya. Kung hindi mo nagustuhan o wala talagang spark para sa iyo then you can always tell him to stop. Give Lucas baby a chance to prove himself to you,” mahabang sabi ni Shienel. This is also one of the rarest moment that she’s expressing herself with a sense.
“I agree, Eva. Lucas deserves the chance to prove himself to you. Kung wala ka talagang maramdaman, I bet he would accept it fairly. Halos ilang buwan na siyang consistent na nagpaparamdam sa iyo, Eva. Giving him a chance to court doesn’t mean that you’re already saying yes to him as a boyfriend,” paliwanag ni Alana.
“You all really liked him, ‘no? Feeling ko binubugaw niyo na talaga ako,” pabiro kong sabi sa kanila.
“We like him for you, Eva. I can feel how sincere he is to you. Pero ikaw pa rin naman ang magdedesisyon niyan. We are only here to support you. Tulog muna ako, napagod akong magpayo sa iyo.” Agad na dumukdok si Tamara sa lamesa pagkasabi niya niyon.
“Yup! I super like him for you, Eva. Ako na talaga sponsor niyo tuwing anniversary kapag naging kayo!” natatawang sabi ni Shienel.
“We like him, yes, pero ang tanong, gusto mo rin ba siya? All of us know that you’re not yet there but I’m sure that you’ll get there soon once you let him in. Stop thinking of anything. Baka na-pressure ka na sa amin ha? Basta, kung saan ka masaya at kumportable, doon din kami.” Alana said while giving me an assuring smile.
Tumatak sa akin ang mga sinabi nila. It really helps to have a friend like them. Nalilinawan ako sa mga nangyayari sa akin. Hindi naman kasi lahat ay alam ko. Medyo inosente rin ako sa mga bagay-bagay sa mundo kaya I still need guidance. If only Kuya Adam is here and we’re okay, baka matagal ko ng kinonsulta sa kanya ang tungkol dito.
He can probably give me a good advice regarding this at tiyak kong makikilatis niya si Lucas kung maganda nga ang intensyon ng tao sa akin.