Kabanata 21

2416 Words
“Hi, Eva! Just by looking at you, may naiisip na ako kaagad na ipakitang design ng gown sa iyo. I don’t know if you’ll like it but I can guarantee you, my taste is excellent,” nakangiting sabi ni Ms. Sue. Medyo na-starstruck pa nga ako kasi kilalang model ito! Who wouldn’t know her, gosh! Tanyag siyang modelo at nakikita ko lagi ang mga damit na sinusuot niya ay talagang bumabagay sa kanya. She’s my favorite model and I admire her a lot! I was even looking forward to work in Seviah after I graduated and one of the reason was to meet her personally. Hindi ko naman inakalang makikilala ko siya beforehand! “Eva, huy, ayos ka lang ba?” I can’t contain my happiness. Naglabas ako ng papel at ballpen saka inabot sa kanya iyon. “Hello po, Ms. Sue! I’m a fan,” kinikilig ko pang sabi. Mukhang nagulat siya pero kaagad ding tumawa at pumirma sa blankong papel na binigay ko. “Picture? Baka gusto mo ng picture kasama ako?” I shrieked and get my phone. Ibinigay ko iyon kay Mama na halatang nahihiwagaan sa inaakto ko. Para akong tuod na malalaking nakangiti habang nakaharap sa camera. My goodness! Hindi talaga ako makapaniwala! Sure akong maiinggit sa akin sila Tammy! “Thank you, Ms. Sue!” She laughed at me. It was really true, talaga ngang nagbago na ang ugali niya. Mas naging maaliwalas pa nga ito nang ikasal at magkaanak. “Maraming salamat at napaunlakan mo kami dito. Nakakahiya at lumipad pa talaga kayo ng Abra. Kami na sana ang pupunta sa company niyo sa Manila para sa designs but you insisted to go here.” Umiling si Ms. Sue. “No, it’s fine. Kasama ko naman ang pamilya ko pagpunta dito sa Abra. Magbabakasyon na rin ng ilang araw kaya no worries,” wika nito. Nagsimula siyang magpakita ng mga designs na sa tingin niya ay magiging maganda sa akin. Halos wala na nga akong masabi dahil on hand kong nakikita ang designs ng Seviah! It was like a dream come true for me. Lalo pa at si Ms. Sue pa ang nagpapakita sa akin. Kinikilig talaga ako! Tinulungan ako ni Mama na makapamili ng gown out of the five suggestions of Ms. Sue. Sa huli ay napagkasunduan naming kunin ang blue ball gown. It was fitted for my chest down to my waist. Its royal blue color is very solid on top and it slowly fades starting from the waist down to the ends. What we liked about it is the details of the gown. Sobrang ganda ng pattern ng mga tahi at ang pagkakalagay ng beads. Napakaganda rin niyang tingnan lalo pa sa gabi kaya iyon ang isa sa mga suggestions ni Ms. Sue. She’s really the best fashion icon for me. Walang palya ang mga gusto niya dahil tiyan na may impact talaga iyon sa ibang tao, just like me! Pabilis ng pabilis ang araw at hindi ko na iyon halos namamalayan. Weeks before my debut, unti-unti kong nakikita ang pagdating mga damit na susuotin namin. Mula sa gowns ng mga magulang ko at ang dress na susuotin ko para sa after party ng debut ko. Hindi naman kasi pwedeng naka-heavy gown ako all through out the night. Siyempre ay sa main program lang iyon. Our dresses are from the Seviah also. Ilang beses ko pa ngang nakakausap si Ms. Sue tungkol doon and I was very pleased to have her number saved on my phone. She trusted me that much to give me her personal number! Hindi ko na talaga kinakaya! She was amazed when I told her one time that I’m a fashion designing student. Kaya raw pala ang bilis kong maintindihan ang mga sinasabi ko at nakikita niya raw sa akin kung gaano ko kagusto ang tungkol sa mga damit. I even showed her my portfolio and she immediately gave me the business card of Seviah. She will surely recommend me after I graduated. Nakakakilig, siya pa talaga mismo ang magpapasok sa akin! Nang malaman nga ito nila Tammy ay halos paulanan nila ako ng sugat at pasa dahil sa inggit. “Hello guys!” maligayang bungad ko sa kanila ng mga oras na iyon. Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Shienel. Tammy was sleeping and Alana looked curious. “Ang ganda ata ng gising mo? Nabagok ka ba at mukhang excited ka na rin sa debut mo?” Hindi ko napigilang mapangiti nang malapad. Mahina kong niyugyog si Tammy para magising. Excited na akong ibalita sa kanila ang tungkol kay Ms. Sue. Sinamaan pa ako nito ng tingin nang umupo ito nang tuwid. Nagkamot ito sa ulo at pumangalumbaba habang pumipikit-pikit pang humarap sa akin. Kinuha ko ang papel kung saan pumirma si Ms. Sue at kaagad kong hinanap ang picture namin. Inilapag ko iyon sa table ko at pinakita sa kanila. Lumapit ang mukha nila doon at hindi napigilan ni Shienel ang mapatili. “Oh my gosh! Eva!” gulat na sabi nito. Narinig ko ang pagsinghap ni Alana. “Hala, is this for real? Baka naman edited ito?” nabibiglang sabi ni Alana habang si Tammy naman ay napadilat ng malaki at kinuha ang phone ko para makita nang malapitan. “Kailan ito, Eva?!” gulat na gulat na sabi ni Tammy. Tila bigla itong nagising dahil sa nakita. Kinuha ni Shienel ang papel kung nasaan ang autograph ni Ms. Sue. “Sa Seviah kasi ang gown na gagamitin ko at ganyan din ang reaksyon ko nang makita ko siyang nakaupo sa sala namin. Siya pa nga ang nag-suggest sa akin ng gowns na babagay sa akin. I even saw their portfolio! The designs were fantastic,” maligaya kong sabi. Nakikita ko rin sa kanila na pati sila ay na-e-excite sa kwento ko. Tila naroon din sila at mga nagpipigil ng kilig. Simula noon ay lagi na nila akong kinukulit kung may times ba na magkikita kami ulit ni Ms. Sue para makasama naman daw sila. Medyo alanganin nga ako doon baka makulitan si Ms. Sue sa kanila. Ang kukulit pa naman lalo na ni Tammy at Shienel. Natapos na rin akong makapagbigay ng invitations. Ako na kasi ang inatasan doon ni Mama. Mostly naman family at friends ang binigyan ko. Of course, hindi na mawawala doon sila Shienel, Tammy ata Alana. Ganoon din si Lucas. Hindi ko na nga inimbita ang mga kaibigan niya dahil hindi ko naman close. Ang iba namang invitations ay para sa mga malalapit na kaibigan nila Mama at Papa sa industriya. All in all, talagang engrade ang magiging celebration ko dahil sa dami ng mga taong dadalo. “Adam! Bakit hindi ka uuwi? Pambihira, debut ni Eva iyon,” stressed na sabi ni Mama. I overheard their conversation. Hindi ko naiwasang mapangiti nang mapait. I was expecting that but I was still disappointed. Kahit manlang sana presence niya, okay na. Although alam ko naman na kapag nagkaharap kaming dalawa ay hindi maiiwasan na mag-away at magpang-abot kaming dalawa pero kaya ko namang magpigil lalo pa at may event sa araw na iyon. Birthday ko pa. Nakakalungkot dahil mukhang wala na nga talagang tiyansa na magkabati kami o umayos kahit papaano ang relasyon namin bilang kapatid. Gusto ko na nga magalit sa sarili ko dahil patuloy parin akong umaasa. Hindi na talaga ako nasanay. “Ma, marami akong mahahalagang gagawin dito.” Nasaktan ako sa sinabi niya. Para bang pinapamukha niya sa akin na wala talaga akong kwenta para sa kanya. May mas mahalaga pa kaysa sa akin para sa kanya. “Ano ka ba naman, Adam! Kahit isang araw ka lang naman dito. Sa mismong celebration lang ni Eva. Baka magtampo nanaman ang bunso natin niyan kapag hindi ka nakita,” naiinis na sabi ni Mama. “She won’t, Ma. Kakausapin ko na lang siya. Ipapadala ko na lang din ang regalo ko sa kanya,” matipid na sabi nito. Pilit kong inalis sa isip ko ang tungkol doon. Negativity iyon. Papangit lang ako doon. Kung ayaw niyang umuwi o pumunta, edi huwag. Sanay naman na ako. Few days before my debut, dumating na ang ball gown na susuotin ko. Kaagad na ipinasukat iyon sa akin ni Mama. She helped me wear it at nang matapos ay naiiyak itong humarap sa akin. “May dalaga na talaga ako!” Pinaharap ako ni Mama kay Papa at napangiti lang si Papa saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. “Time flies really fast. Ang laki-laki mo na, anak.” Papa said. “All is set! Ready na ang foods, the venue is already okay. Pati ang program mo. From 18 gifts, wishes, bills to 18 roses. Ako na ang nag-set. Surprise na lang iyon sa iyo anak,” nakangising sabi ni Mama. It was true indeed. Wala akong malay sa program. Nang ipinamigay ko kasi ang invitation ay properly sealed iyon kaya hindi ko nasilip. Ayaw namang ipakita ni Lucas at nila Alana sa akin dahil nasabihan pala sila ni Mama na surprise nga at huwag ipapaalam sa akin ang takbo ng program. Sa huling araw bago ang debut ko ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o na-e-excite. Pinilit ko ngang matulog nang maaga para kahit papaano ay hindi ako mukhang stressed bukas. Kinabukasan, nagising ako sa katok sa aking kwarto. Si Mama iyon at si Papa na kaagad naman akong binati. The look on their faces is surreal. Hindi sila pumasok ngayon para makapaghanda mamayang gabi. They rented a hotel kung saan idaraos ang debut ko. Nagulat pa nga ako nang malaman na pagmamay-ari pala iyon ng asawa ni Ms. Sue na si Mr. Kean Trinidad. Si Ms. Sue na raw kasi ang nag-suggest niyon. Kinikilig nanaman tuloy ako! Nang dumating ang tanghali ay kaagad na kaming nagtungo sa hotel. Nagsimula ang pag-aayos sa amin sa isang room na naka-book sa amin. Isang team ang kinuha ni Mama para mag-ayos sa amin. From our hair down to our gowns, talagang tinulungan nila kami para maging maganda ang itsura namin. Nang matapos sila Mama ay bumaba rin sila kaagad sa event hall para asikasuhin ang mga bisita. They told me to just stay here. Lalabas lang daw ako kapag magsisimula na at kapag tinawag na ang pangalan ko. Lumabas ang mga staff na kasama ko sa kwarto at naiwan akong mag-isa doon. Tumayo ako at humarap sa human-size length mirror at namamanghang napatingin sa sarili. I looked like a lady now. Time really flies so fast, tama nga si Daddy. Sobrang daming nabago but I’m happy with the way my life turned out to be. Napalingon ako sa ibang staff nang nagmamadali itong pumasok sa kwarto. Malapit na raw kasi akong tawagin kaya naman they guided me down the event hall and on the back door. Doon daw kasi ako lalabas sa likod para makapaglakad papunta sa harap kung nasaan ang upuan ko. “Let us all welcome our debutant, Ms. Eva Mikaela Peñafiel!” Bumukas ang pinto at halos masilaw ako sa liwanag ng paligid at iilang camera na tumutok sa akin. Narinig ko ang pinaghalong singhap at palakpak ng mga tao sa paligid ko. Nagsitayuan sila at namamanghang tumingin sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ngumiti hanggang sa makaabot ako sa stage. They guided me to sit and enjoy the program. Hindi ko alam na emosyonal pala ang mga ganito. May mga part kasi na mag-message ang mga malalapit na tao sa akin. Nakakaiyak ang mga sinabi sa akin nila Mama at Papa and I really felt so blessed to have them as my parents. Nang ang mga kaibigan ko naman ang nagsalita ay napuno nang tawanan ang paligid. Mga pasaway talaga itong sila Tammy! Napatingin ako nang makita ang table kung nasaan ang mga regalo na bigay sa akin. Halos mapuno na iyon. Nakakatuwa dahil talagang hindi ko in-expect ang nangyayari. The 18 roses started. Nagsimula iyon kay Papa. “Please stop growing too fast, Eva. Parang dati lang, karga ka pa namin at wala ka pang muwang sa paligid. Ngayon, dalagang-dalaga ka na talaga.” I hugged Papa tight. Kaagad din akong humiwalay para ngitian siya. “Wala naman pong magbabago doon, Papa. Age is just a number but I will always be your daughter.” Tinitigan niya ako nang mabuti saka unti-unting ngumiti. “Thank you, Eva. Thank you so much for being our daughter,” mariing sabi nito. Pagkatapos ni Papa ay nagsunod-sunod na ang mga kamag-anak kong lalaki mula sa mga Tito ko hanggang sa mga pinsan. Ang iba sa kanila ay binibigyan din ako ng mensahe habang karamihan sa kanila, lalo na ang mga pinsan ko ay binubwisit lang ako. “For our last dance, our debutant’s male friend, Lucas Tejada!” Hindi ko naiwasang matawa nang bigyang diin ng MC ang male friend. Dagdag pa ang panggatong ni Mama mula sa audience. “Soon boyfriend!” Nagtawanan ang mga tao. Hiyang-hiya tuloy ako nang isayaw na ako ni Lucas! “Ang ganda-ganda mo, Eva.” He looked at me in awe. I can see how amazed he is while looking at me. Nakakatuwa at nakaka-flatter ang reaksyon niya sa akin. I felt like I’m the most beautiful woman here because of the way he looked at me. “Ikaw din, maganda.” Napatawa ito sa sinabi ko. “Seryoso, Eva. Hindi ko akalain na may igaganda ka pa. Ang ganda mo na nga kapag wala gaanong ayos, mas lalo ka pa tuloy gumanda ngayon na na-enhance ang mukha mo. Grabe, ang ganda talaga!” Napailing ako at natawa muli. Hindi nakatakas sa amin ang kantyaw ng mga tao sa paligid namin. Pareho kaming napalingon sa paligid habang patuloy na sumasayaw. Ang malapad kong ngiti kanina ay unti-unting napanis nang may makita akong pamilyar na imahe mula sa dulo ng hall. Kahit madilim sa parteng iyon ay kilalang-kilala ko kung sino iyon. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang hindi sinasadyang mapadako ang ilaw sa gawi niya. Kitang-kita ko ang madilim nitong mukha at umiigting na panga. Tumindi ang kabang nararamdaman ko nang maglakad ito palapit sa direksyon namin. Napunta sa amin ang spotlight. Napahinto kami ni Lucas at napatingin sa kanya. “Mind if have a dance with my sister?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD