Kabanata 22

2108 Words
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Kuya Adam sa bewang ko. That was the first time in how many years that he held me gently. Madalas kasi ay marahas niya akong hinahawakan o hinihila kung saan sa mga nakalipas na taon. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko nang pumalibot ang kanyang braso sa aking bewang. Hindi ko alam kung ano na ang reaksyon ng mukha ko ngayon ngunit diretso lang ang tingin ko sa kanyang dibdib. I can’t face him. Tumugtog ang panibagong tugtog. Kahit napakalakas niyon ay pakiramdam ko mas nabibingi pa rin ako sa t***k ng puso ko ngayon. Lalo pa nang marahan niya akong igalaw para makasayaw. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang mga balikat. Nanginginig pa nga ang kamay ko sa mga oras na iyon. No, my whole body is shaking! Masyado akong nabibigla sa presensya ni Kuya dito at nadadagdagan pa iyon dahil sa nangyayari ngayon. Para akong kinakapos ng hininga nang ilapit niya ang katawan ko sa kanya. He hugged me lightly as we slowly moved to the rhythm of the song. Nagsimulang mag-init ang mata ko. I don’t know why I’m being emotional right now. Wala namang ibang sinasabi si Kuya. He is just swaying me a little bit while his hands were all over me. Hindi pa nga ako sigurado kung bukal ba sa loob niya itong ginagawa niya dahil baka sapilitan itong pinagawa sa kanya nila Mama. Speaking of, alam ba ito nila Mama? Akala ko ba hindi makakadalo si Kuya. He was the last person I was expecting to see today kaya naman hindi talaga ako makapaniwala ngayon! Mariin kong kinagat ang aking labi nang matapos ang kanta. Kaagad din siyang humiwalay sa akin at iniwan ako sa gitna. Medyo natulala pa nga ako ng mga oras na iyon at kung hindi lang kinuha ng emcee ang atensyon ko ay baka ilang minuto pa akong nakatunganga doon. Sinundan ko ng tingin si Kuya hanggang sa makaupo siya table kung nasaan sila Mama. Hindi mawala ang tingin ko sa kanya at sa tuwing napapagawi rin ang tingin niya sa akin ay hindi mapigilang sumikdo ng puso ko sa matinding kaba. Halos wala na akong naintindihan habang patapos ang program. Pagkatapos kong magbihis sa isang simple at mas magaan na dress ay dumiretso ako sa table nila Mama at naupo sa tabi ni Kuya para kumain. “I was surprised, Adam! I thought you wouldn’t come!” masayang sabi ni Mama. Tipid lang na ngumiti si Kuya at nag-focus na muli sa kanyang pagkain. I don’t know but he seems tired. Dumiretso ba siya dito pagkarating niya? Hindi siya nagpahinga? “Mabuti na lang talaga at nakahabol ka. Baka magtampo nanaman si Eva sa’yo niyan,” magaang wika ni Papa. Huminga ako nang malalim at nginitian si Papa. Pagkatapos niyon ay sinikap kong ubusin ang pagkain ko para makalayo na sa lamesa namin. Gusto ko sa table nila Tammy. Atleast doon, makakalma ako. I felt like I was being suffocated while I’m sitting beside Kuya Adam. Ang lala ng kaba ko ngayong magkalapit kami at hindi ko malaman kung bakit. Siguro ay dahil natatakot ako sa kanya. Natatakot ako na may masabi nanaman siya sa akin o may magawa siyang makakasakit sa akin ngayon pang mismong araw ng birthday ko. I was just wishing for him to tone it down just for today. Makisama naman sana siya. Let me have a peaceful birthday. Halos kasabayan ko lang sila Mama na natapos kumain. Tatakas na sana ako papunta sa table nila Alana nang pigilan ako ni Mama. “Adam, Eva, halika kayo. Ipapakilala ko kayo sa mga business partners natin.” Hindi ako nakatanggi sa sinabi ni Mama. Sumunod kami ni Kuya Adam habang nauuna sila Mama at Papa na naglalakad. Tahimik pa rin si Kuya Adam at walang sinasabi sa akin. Kahit batiin man lang ako ng simpleng happy birthday ay wala. Wala pa itong emosyon at halatang hindi natutuwa. Ni hindi niya ng akao tinitignan! Halatang ayaw na ayaw niya sa presensya ko. Lalo lang akong nalungkot. Edi sana hindi na lang siya nag-abalang pumunta. Mamaya ay ipamukha niya pa sa akin ang pagpunta niya. I didn’t push him to come. Napanatag pa nga ako na hindi siya makakapunta dahil kahit papaano, wala akong iisipin para sa ngayong araw but he really had to come and make me feel like this on my birthday! Nakailang ikot din ata kami sa mga tables. Puro mga pagbati iyon sa akin at ilang papuri dahil nga sa pagpasok ko sa legal na edad. Some were even praising our parents for raising two children. Naging maganda raw ang pagpapalaki sa amin, lalo na kay Kuya. Mayroon ding mga pag-uusap sa negosyo at pangangamusta sa trabaho ni Kuya Adam. Some people couldn’t drop it, really. Mga walang pinipiling lugar. Kahit sa ganitong mga event ay naipapasok talaga ang trabaho but I can’t blame them. Nang matapos ang pag-iikot ay bumalik kami sa lamesa namin. Kaagad akong nagpaalam kila Papa. “Pa, punta lang muna ako sa table nila Lucas ha?” Kaagad itong pumayag at hinayaan ako. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Kuya Adam. Nakita kong napatingin ito sa akin. Napansin ko ang paggalaw ng mga panga nito ngunit wala itong sinabi. Kinabahan ako at mas lalong ginustong makalayo na roon. Kulang na lang ay halos takbuhin ko papunta sa table ni Tammy. Malalaking ngiti ang ibinigay nila sa akin. Ang natatanging bakanteng upuan sa table nila ay sa tabi ni Lucas at Alana. Paikot kasi ang lamesa. “Ang ganda naman pati ng after party dress! Iinom ka na, Eva ha!” Kaagad akong napailing sa sinabi ni Shienel. “Ayokong uminom, Shienel. Hindi mo ba nakita, nandyan si Kuya. Baka masampolan nanaman ako niyan kapag nakita akong uminom.” Sumama ang mukha ni Tammy saka iritableng tumingin sa direksyon ni Kuya. Napagaya ako sa kanya at nakitang tila agila ang mata ni Kuya na nakamasid sa amin. Halos mapatakip ako ng bibig nang irapan ni Tammy si Kuya. Pasaway talaga! “Natatakot ka riyan? Huwag kang matakot diyan! Alana, lumapit ka nga doon sa table nila at ipaalam mong papainumin natin si Eva. Sigurado akong papayag kapag ikaw ang magsasabi.” Kumunot ang noo ni Alana. “Huwag niyong pilitin kung hindi handa si Eva. Hindi naman required na kapag debut ay dapat ng makatikim ng alak,” wika nito. Napalingon ako kay Lucas nang nakangiti nitong inayos ang ilang hibla ng buhok ko. “Oo nga, huwag niyong painumin kung ayaw. Pangit kapag ipinipilit ang alak sa tao, lalong pumapait,” biro nito. “Kaunti lang naman! Para namang lalasingin namin si Eva. Ikaw, Lucas, hindi pa nga kayo, protective ka na!” malakas na sabi ni Shienel. Nakangisi pa nga ito at nakakahiya dahil baka may ibang nakarinig. Napasulyap ako ulit sa gawi nila Kuya at nakita kong matalim na ang titig ni Kuya sa akin. Madilim na rin ang mukha nito at ano mang oras ay parang sasabog na. Napaupo ako nang tuwid. “Uy, hindi ha! Suportado ko naman kung anong gusto ni Eva. Kung gusto ni Eva na uminom ay ayos lang kasi nandito naman ako para makontrol siya pero kung ayaw niya, mas mabuting huwag nating ipilit,” depensa ni Lucas sa kanyang sarili. “Mabuti naman kung ganoon. Sa oras na maghigpit ka kay Eva, sasamain ka talaga sa akin, Lucas.” Tumango nang mabilis si Lucas sa sinabi nito. Nabalik kay Alana ang pangungulit nila Shienel at Tammy. Wala kaming ibang nagawa kundi pumayag. Dumiretso si Alana sa table nila Mama at ipinaalam ako. Malugod namang tumango si Mama at Papa at bumaling sa akin. Ngumiti sila sa akin at ipinakita sa akin ang kanilang hinlalaki bilang sensyales na okay sa kanila na uminom ako. Muli ay napatingin ako kay Kuya Adam nang padabog itong tumayo at naglakad palabas ng hall. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan itong nawala. I looked on Shienel when she brought down one bottle of whiskey on our table. Ang laki ng ngisi nila ni Tammy. Halatang ang dalawa talaga ang may pagkasugapa sa alak. Sa aming apat kasi ay sila talaga ang regular na nakakainom. Si Alana naman ay medyo good girl at occasional lang nakakainom. Samantalang ako ay never pang nakatikim sa tanang-buhay ko. Ilang beses nga akong niyaya nila Tammy noon pero tumatanggi lang ako. Ngayong makakatikim na ako ay mukhang wala na akong maidadahilan sa kanila kapag nag-aya sila ulit. Si Lucas ang naglalagay ng shots namin. Kasama rin siya sa umiinom ngunit tulad nga ng sinabi niya ay kontrolado ang ipapainom niya sa akin. “Napakadaya naman nito ni Lucas! Sa amin, ang taas-taas tapos kay Eva, wala pa sa kalahati!” Napansin ko ang unti-unting pamumula ng mukha ni Shienel. Si Tammy naman ay mapungay na ang mata habang tumatawa sa amin. Si Alana ay tahimik lang na nakatingin. Katulad ni Shienel ay namumula na rin ito. “Oo nga! Paano malalasing si Eva kung ganyan ang mga bigayan mo?” malakas na sabi ni Tammy. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa iniinom namin. Nararamdaman ko na rin ang antok at pagkahilo. Gusto ko na ngang tumigil pero hindi ko naman matanggihan ang binibigay nila Shienel. “Wala sa usapan na lalasingin si Eva, Shienel, Tammy. Unang beses niya at hindi siya sanay kaya ayos lang iyan.” Umiling ng mabagal si Shienel at idinuro si Lucas. “Hindi ka naman marunong eh! Dapat nga sagarin natin si Eva para masanay kaagad ang hibla ng bituka niyan! Okay lang naman na malasing si Eva dahil nandito naman ang pamilya niya. Akin na nga iyang bote!” Inagaw ni Shienel ang whiskey at pinuno ang shot glass ko. Halos mapamura si Lucas dahil mabilis ang naging galaw ni Shienel at hindi niya ito napigilan. Pakiramdam ko ay mahihilo ako lalo nang makita kung gaano kataas ang inumin ko. Narinig ko ang pagdighay ni Tammy at inilapit sa akin ang alak. “Shot! Shot! Shot!” Sinimulan niya ang pag-cheer na sinegundahan naman ni Shienel. Nakita kong pipigilan ako ni Lucas ngunit nginitian ko lang siya. “Okay lang, pagbibigyan ko na sila.” Kinuha ko ang inumin at inisang lagok iyon. Napapikit ako nang maramdaman ang paglandas ng mainit na inumin sa lalamunan ko. Kaagad akong napainom ng juice dahil muntik ko pang maisuka alak. Naghiyawan sila Shienel at nakita kong natawa si Alana dahil sa ginawa ko. Hindi ko namalayan kung ilang beses pa akong nabigyan ni Shienel ng ganoon kataas na shot hanggang sa halos sumuko na ako at kusang tumigil. Tinignan ko ang table namin at nakitang nakadukdok na si Tammy sa lamesa at humihilik na. Ganoon din si Alana. Napabaling ako kay Shienel nang makitang naglalagay pa ito ng inumin sa baso niya. “Lasinggera ka pala, Shienel?” Hindi makapaniwalang sabi ni Lucas. Namumula na rin ang mukha nito pababa sa kanyang leeg pero maayos pa naman magsalita. Hindi katulad ni Shienel na halos kinakain na ang salita kaya hindi na namin maintindihan. Pumangalumbaba ako nang makaramdam nang matinding antok. Pakiramdam ko ay nakatulog na ako ng mga oras na iyon. Nagigising-gising na lang ako nang maramdaman na nasa gumagalaw na sasakyan ako. Pinilit kong idilat ang mata ko pero hindi ko talaga kaya at nakakatulog ako ulit. Tuluyan akong nagising nang marinig ang paghinto ng sasakyan. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa bahay na ako. Nakaupo ako sa passenger’s seat. Automatic na napalingon ako sa kung sinong nagmamaneho. Ngumiti pa nga ako nang malapad dahil akala ko si Lucas ang naghatid sa akin pero halos bumaba ang tama ko nang makitang si Kuya Adam pala iyon. Walang emosyon ang mukha nito nang bumaling sa akin. “Kaya mo bang maglakad papasok?” malamig na sabi nito. Wala sa sarili akong napatango at kusang lumabas ng sasakyan. Pagkalapat ng paa ko sa sahig ay halos matumba ako sa matinding hilo na naramdaman ko. Narinig ko ang pagmumura ni Kuya at mabilis itong lumabas at umikot para alalayan ako. Pumalibot ang braso niya sa bewang ko at ang braso ko naman sa kanyang balikat habang inaalalayan akong maglakad. Nang pagkapasok namin sa bahay ay kaagad na bumungad sa akin ang tatlong maleta na nakalagay sa sala. Nanliit ang mata ko doon saka napatingin kay Kuya Adam. Tumikhim ako at sinubukang magsalita ng diretso. “Magtatagal ka ba dito?” tanong ko dito. Bumaba ang tingin niya sa akin. Our eyes met before he speak. I felt my heart beating rapidly. “I am going to stay here for a while. Mayroon akong kailangang bantayan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD