Kabanata 23

2356 Words
Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman na parang hinahalukay ang tiyan ko. Kaagad akong tumakbo sa banyo para sumuka. Halos wala na akong nailalabas pero ang sama pa rin ng pakiramdam ng tiyan ko. Hapong-hapo akong napaupo sa sahig. Doon ko lang napansin na nakabihis pala ako ng pantulog. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo ko. Ramdam ko pa rin ang hilo at parang wala akong ibang gustong gawin kundi mahiga at magbawi ng tulog. Bumalik ako sa pagkakahiga at sinikap na matulog. Wala talaga akong maalala sa nangyari kagabi. The last thing that I could remember is that I was still on the hotel drinking with Shienel. Hindi ko na alam kung sino ba ang naghatid sa akin pauwi o kung kamusta kaya sila Alana na naiwan doon. Unti-unti akong hinila ng antok. Muli akong nagising sa katok sa pinto ko. Dahan-dahan akong bumangon at napansin ang pagbabago sa pakiramdam ko. Kahit papaano ay kumalma na ang tiyan ko at hindi na rin ganoon kasakit ang ulo ko. Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa akin si Kuya Adam. Nagulat ako at halos mapaatras. Tila bigla akong nagising at nawala ang hang-over na nararamdaman ko. “Kumain ka na raw. Tanghalian na pero wala ka pang kinakain,” malamig na sabi nito. Nabigla ako sa sinabi nito. Hindi ko talaga namalayan ang oras. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayon dahil kung hindi, tiyak na absent ako at nararamdaman kong ni isa sa mga kaibigan ko ay wala ring papasok. Pinakiramdaman ko rin ang sarili at hindi naman ako nagugutom ngunit para makaiwas sa galit ni Kuya ay tumango na lamang ako. “Sige, Kuya. Mag-aayos lang ako.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Kaagad ko siyang sinaraduhan ng pinto. Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang kaba sa dibdib ko. Napahawak ako doon habang naghihilamos. Grabe na siguro talaga ang takot ko sa kanya kaya kaunting presensya niya pa lang ay sobrang kinakabahan na ako. Kailan kaya siya uuwi? Sana naman within this day. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Naroon na sila Mama at Papa habang si Kuya naman ay nakaupo sa tapat ni Mama. Mas pinili kong umupo sa tabi ni Mama. Hindi ko naiwasang mapatingin kay Kuya na kaharap ko pero abala lang ito sa kinakain niya. “Wow, Eva. You really go all the way last night. Was that your first try in drinking? Answer me honestly,” kalmadong sabi ni Mama. Hindi naman ito galit pero ramdam ko ang pagkagulat sa kanya. Nahiya tuloy ako bigla dahil mukhang lasing na lasing nga talaga ako kagabi. Napatingin ako kay Papa at nakitang napangisi ito. “That was my first time and probably my last, Mama. Hindi naman sana kasi marami ang iinumin ko, sila Shienel lang naman at Tammy ang nag-push sa akin. Lucas was even there to stop them pero masyado talagang makulit ang dalawang iyon,” mahina kong sabi. Napatingin kaming tatlo kay Kuya Adam nang malakas na tumunog ang kutsara niya sa plato habang kumakain. Umangat ang tingin niya sa amin, particularly sa akin. Halos tumaas ang balahibo ko dahil sa malamig na titig niya sa akin. “Sorry, dumulas sa kamay ko.” Tumango si Papa at bumaling sa akin. Nakangiti ito sa akin. “Okay lang naman iyon. Para naman magkaroon ka nang mga experience sa mga ganyang bagay. Hindi ka naman namin pagbabawalan basta alam mo ang limitasyon mo at lagi kang magpapaalam sa amin ng Mama mo.” Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Ganoon din naman ang gusto ko. Saka wala akong balak na sirain ang tiwala sa akin nila Mama. Maswerte nga ako at hindi sila mahigpit sa akin. They’re very supportive of the things I needed to learn and experience. Hinahayaan nila ako na matuto sa sarili ko. Kaya nga mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Ganoon din sana si Kuya. Ganoon din naman talaga siya noon. Kaya nga siya ang pinakapaborito kong miyembro sa pamilya namin noon but things went differently as time passed by. “Your father’s right, Eva. Hindi ka namin pipigilan sa gusto mo. If you want to drink with friends, or if your friends wants you to drink then it’s fine with us. Basta ipaalam mo sa akin. Saka may isa pa pala, gusto ko kasama mo si Lucas.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko ang marahas na paghinga ni Kuya. “Ma, bakit ba parang sobrang laki naman ng tiwala mo sa lalaking iyon?” Nahimigan ko ang galit sa boses ni Kuya Adam. Lalo akong nagtaka. Nagtataka na nga ako sa sinabi ni Mama, mas lalo pa akong nagtataka sa kinikilos ni Kuya Adam. “Hay nako, Adam. Napaka protective mo naman masyado kay Eva. Paano magkakaasawa iyan kung ngayon pa lang ay pinipigilan mo na ang mga lalaking lumapit sa kanya?” natatawang sabi ni Mama. I saw Dad glanced on Kuya. Napansin ko naman ang mabilis na pagdaan ng kung anong emosyon sa mukha ni Kuya bago bumalik iyon sa pagiging iritable. “Ma, that’s not my point here. Bata pa si Eva. Saka hindi niyo pa nga lubusang nakikilala ang Lucas na iyon tapos ipinagkakatiwala niyo na agad si Eva sa kanya.” Huminga ako nang malalim at nagsalita. “Kuya, mabait si Lucas. Kung ano man ang mga pagdududa mo sa isip mo ay hindi niya iyon magagawa.” Umigting ang panga nito. “Totoo nga naman ang sinabi mo, Adam. Since hindi pa naman natin siya ganoon kakilala, let’s invite him here some other time! Para makilala nating lahat, hindi ba?” nakangising sabi ni Mama. Kaagad na nanlaki ang mata ko. Ganoon din si Kuya Adam. “Ma, I think that unnecessary. Friends lang kami ni Lucas...” Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Pambihira. “Bakit? Sila Tammy rin naman friends mo ha. Pero nakapunta na sila dito. Ikaw itong nag-iisip ng iba sa suggestion ko eh.” Halos mapailing ako sa sinabi ni Mama. Sa tono pa lang ng boses niya ay parang wala ng makakapigil sa gusto niyang mangyari. “Wait, Ma! That’s not what I meant!” Humalakhak si Papa. “Pabayaan niyo na ang Mama niyo. Hindi pa naman sa ngayon. Eva, Adam, calm down. There’s nothing wrong in inviting a friend here in our house,” sabi ni Papa. “Kaya nga! Saka okay na iyon, Adam. Para makilala mo rin ang mga umaaligid kay Eva. Hindi naman habang-buhay na magiging OA kang kapatid sa kanya. Maganda na rin na mas pinili mong dito muna mag-stay para kahit papaano ay may makasama si Eva sa tuwing nasa trabaho kami.” Lalo akong nabigla sa sinabi nila Mama. Anong ibig nilang sabihin doon!? Lumingon ako kay Kuya Adam. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtanong ako sa kanya ng direkta. “You’re staying?” gulat kong tanong. Iritable itong tumingin sa akin. “I already told you last night. Lasing na lasing ka kasi kaya hindi mo na maalala,” galit na sabi nito. Napasinghap ako. Parang doon lang bumuhos ang alaala ko sa nangyari kagabi. Siya ang nag-uwi sa akin kagabi! He also asked Mama when they come home to fix me because I was a total mess. Oh gosh, nakakahiya! Pinili kong manahimik na. Mabuti at ganoon din si Kuya pero nakasalubong ang kilay nito. Halatang hindi sang-ayon sa naging takbo ng usapan. Nakakainis. Kasalanan niya kasi ito. Ang dami pa kasing sinasabi! Kung nanahimik na lang siguro siya ay hindi maiisip ni Mama ang papuntahin si Lucas dito. Oo, tama! Kasalanan niya iyan! Nang matapos kaming mananghalian ay dumiretso na ako kaagad sa kwarto. Kung normal na araw lang ito ay baka nasa sala ako at nanunuod pero dahil nandito si Kuya Adam at hindi ko alam kung kailan siya aalis ulit ay mukhang mapapadalas ang pagtambay ko sa kwarto para lang maiwasan siya. Kung ano-ano na ang ginawa ko sa kwarto ko. Pinilit kong matulog ulit pero dahil busog pa ako ay hindi ako dinadalaw ng antok. Tinignan ko ang group chat namin at puro wala pa silang paramdam. Kahit si Lucas ay walang message sa akin. Siguro ay mga patay na bata pa ang mga iyon. Hindi ko alam kung ilang oras akong tumunganga hanggang sa hindi ko na kayanin ang pagkabagot at lumabas ako. Dumiretso ako sa sala para manuod. Mabuti na lang at walang tao doon kaya naman prente akong naupo doon. Mama and Papa already went for work. Half day nga lang. Akala ko nga ay buong araw na silang hindi papasok pero kailangan talaga na magpunta sila doon sa kumpanya kahit saglit lang. Nasa kalagitnaan ako ng panunuod nang makita ko si Kuya Adam na pababa ng hagdan. I ignored him and focused my eyes on the TV pero nabigla ako nang pinatay niya iyon. Naupo siya sa harap ko at sinamaan ako ng tingin. Ano bang problema nito ni Kuya? Hindi na talaga ako natutuwa. Feeling ko anytime ay sasagot na ako sa kanya at baka may masabi na akong hindi maganda. Alam kong magagalit siya at isisisi niya nanaman sa kung sino, especially my friends ang pagbabago kuno ng ugali ko pero wala na akong pakialam. Napipikon na ako sa inaasal niya sa akin. Mas mabuti pang huwag na lang kaming magpansinan katulad nang dati kaysa naman sa ganito na pinapakialaman niya ang bawat ginagawa ko tapos makakarinig lang ako sa kanya ng kung ano-anong masasakit na salita. “Let’s talk,” matigas na sabi nito. I took a deep breath to calm down. “Tungkol saan, Kuya?” marahang sagot ko sa kanya. “Do you like that guy?” Kumunot ang noo ko. Does he mean Lucas? “Of course, I like him. He is my friend.” I answered honestly. Umiling ito. “Do you like him more than a friend?” mariing tanong nito. Sa hindi ko malaman na dahilan ay umusbong ang kaba sa akin dahil sa tanong niya. Tila isang maling sagot ay mag-aaway kami. “Nope. Not yet,” mabilis kong sabi. Nakita kong kumalma ito at nakahinga nang maluwag. “Good.” I looked at him weirdly. Hindi ako nagsalita at dumaan ang ilang minutong pananahimik sa pagitan naming dalawa. I was waiting for him to talk or ask me again ngunit mukhang wala na ata. Aabutin ko sana ang remote para mabuksan na ang TV nang inunahan niya ako. Napanganga ako sa ginawa niya. “What was that?” takang tanong ko dito. Sumimangot siya saka itinago ang remote sa likod niya. “We’re not yet done talking.” Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Hindi ko napagilang samaan siya ng tingin. “Hindi ka naman na nagsasalita, Kuya. Ano pa bang gusto mong pag-usapan natin? Wait, bakit mo ba ako kinakausap, Kuya? Hindi ba ayaw mo akong kausap? Ayaw mo nga akong nakikita kaya bakit ka pa mag-stay dito sa Abra?” I saw something flashed through his eyes ngunit bago ko mabasa ang emosyon na iyon ay kaagad ding nawala. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko na magsalita kay Kuya Adam. Siguro dahil naipon ang lahat ng sama ng loob ko. Siguro ay naiinis ako sa kanya. Siguro dahil naiinis ako sa sarili ko. There was this part in me that was wishing for the better between our relationship. Hinihiling ko na sana ay kahit papaano, magkaayos na kami. Sana iyon ang isa sa dahilan niya kung bakit siya mag-stay dito sa Abra. And I hate myself for hoping again. Hindi ka pa ba napapagod, Eva? Alam mo naman na ang mangyayari pero bakit hindi mo pa rin maiwasan na umasa? “Bawal na ba akong makipag-usap sa kapatid ko ngayon?” Sinamaan ko siya lalo ng tingin. “Wow, kapatid mo pa pala ako. Sorry, Kuya Adam. Hindi kasi ako informed.” Pakiramdam ko ay unti-unti akong sumasabog kaya ganito ako makipag-usap sa kanya. Naiirita talaga ako. Naiinis. After all those years that he pushed me away at kakausapin niya ako na parang wala lang? Yes, gusto kong magkaayos kami but I still deserve to hear him saying sorry to me. Kahit isa lang, o mga lima! O kahit ilan hanggang sa makuntento na ako at gumaan ang loob ko. Natahimik siya. I took that opportunity to walk away. Bumalik ako sa kwarto dahil mas okay doon. Mas payapa. Gusto ko pa sanang manuod kaso paano ko gagawin kung naroon si Kuya Adam at binubwisit ako. Maaga akong nagising kinabukasan. May pasok na kasi ulit at medyo excited akong kitain ngayon sila Tammy. Halos buong araw kasi kaming hindi nakapag-usap sa group chat dahil lahat ay may tama ng hang-over. Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Kuya Adam sa kusina. Kumakain din ito. Parang umatras bigla ang gutom na nararamdaman ko ngunit hindi naman ako pwedeng mag-skip sa pagkain. Mahaba pa kasi ang klase at matatagalan pa ang vacant ko para makakain. I had no choice but to sit with him and eat silently. Binilisan ko ang pagkain at halos maunahan ko pa siya sa pagkain. Ubos na ang laman ng plato ko kaya naman dinala ko na iyon sa hugasan. I was surprised when Kuya Adam was right behind me. Dala nito ang plato niya na may kaunting laman pa saka ipinatong din sa hugasan. Hindi ko na siya pinansin. Nag-ayos ako ng sarili at dumiretso na sa garahe. Nabigla ako nang makita na wala ang driver namin na nakaabang sa akin. Routine na iyon na ganitong oras ay naghihintay na siya sa akin. Anong nangyari at bakit wala pa siya? Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Kuya sa likod ko. Masyado silang malapit at kaagad akong dinapuan ng kaba. “Ako ang maghahatid at susundo sa iyo simula ngayon. Hintayin mo ako sa sasakyan at mag-aayos lang ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD