“Ha? Bakit? Hindi na kailangan, Kuya.” Tumunog ang sasakyan, hudyat na nakabukas na ito. Nilagpasan niya ako at pinagbuksan ng pinto sa passenger seat.
“Huwag mong hintayin na kargahin kita papasok dito, Eva.” Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses niya. Bigla ay naalala ko ang nangyari noong huling nasa ganitong sitwasyon kami. Nakaramdam ako ng takot kaya naman wala akong ibang nagawa kundi pumayag sa gusto niya.
Gulong-gulo ako habang nakaupo sa passenger’s seat. Nagsimula siyang magmaneho papunta sa pamilyar na daan patungo sa university. Ni isa sa amin ay walang nagsalita.
Hindi ko talaga maiwasan na mainis sa kanya. Kung ginagawa niya ito para makipagbati, sana sabihin na lang niya. Okay naman ako sa thought na magkakaayos kami bilang kapatid hindi ‘yung may mga ganito pa siyang paandar.
Napaisip ako. Maybe he wasn’t doing it on that purpose. Baka binabantayan lang ako nito kaya bigla siyang nag-volunteer na ihatid-sundo ako. Wow, ganoon ba siya ka-against sa kay Lucas o sa pag-iisip na magkakaroon ako ng manliligaw?
Maya-maya ay nakarating na kami sa parking lot ng university. Walang sabi-sabing lumabas ako ng sasakyan. Mamaya kasi ay may sabihin nanaman ito na lalo kong ikakainis.
Kaagad akong dumiretso sa room namin at nakita kong kumpleto kaagad ang mga kaibigan ko doon. Malalaki ang ngiti nilang kumaway sa akin, lalo na si Shienel.
“So kailan ang next inom natin?” bungad ni Shienel pagkalapit ko. Naramdaman ko ang unti-unting paggaan ng loob ko. Hindi ko na muna iisipin si Kuya Adam dahil tiyak na ma-stress lang ako.
“Manahimik ka nga riyan, Shienel. Pakiramdam ko nga hanggang ngayon ay may hang-over ako,” iritableng sabi ni Tammy. Tumawa ako at si Alana.
“Grabe nga, hindi ako makabangon kahapon ng hindi nagsusuka o nahihilo. Ayoko na uminom,” umiiling na sabi ni Alana.
“Kahit ako eh, nakaka-trauma iyang alak na iyan. Never again.” Humalakhak si Shienel sa mga reaksyon namin.
“Ang hihina niyo namang tatlo. Paano tayo makakapag-bonding kung ganyan kahina ang pagkatao niyo? Mas kailangan niyo talaga ng practice. Inom tayo mamaya,” nakangising sabi nito. Mukhang alak din talaga itong si Shienel.
Binatukan siya ni Tammy at sinamaan ng tingin.
“Manahimik ka na nga, Shienel. Ang ingay mo, hindi ako makaporma sa pagtulog. Kapag ako nabwisit sayo, tatahiin ko ‘yang bibig mo,” inis na sabi ni Tammy.
Nagkatinginan na lang kami ni Alana at parehas na napatawa nang mahina. Magsisimula nanaman kasi sa pag-aaway ang dalawang iyan.
Dumating ang professor namin kaya nanahimik din kaagad ang dalawa. Dumukdok na si Tammy sa table niya habang si Shienel naman ay nag-ayos ng sarili.
Habang nakikinig ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Pasimple kong sinilip iyon at nakitang isang text iyon galing kay Lucas. Sasabay raw siya sa amin mag-lunch.
Isa pa iyang si Lucas, ang alam ko ay kami na lang tatlo nila Shienel ang hindi pa tumutumba noon bago ako inuwi ni Kuya. Wala akong naging balita kung anong nangyari sa kanya at kamusta na siya. Nakakahiya dahil minsan, siya na ang sumasalo sa inumin ko kaya naman kung nalasing ako sa gabing iyon, mas nalasing siya panigurado.
Nang dumating ang lunch ay naabutan namin si Lucas na naghihintay sa isang bakanteng lamesa sa canteen. Nag-apir sila ni Shienel pagkalapit namin. Nagtataka kaming tumingin sa kanilang dalawa.
Lumingon sa amin si Shienel at natawa sa reaksyon naming tatlo.
“Wala iyon. Pang mga sunog atay lang iyon. Bawal sa mga mahihinang nilalang.” Natawa si Lucas at binalingan ako.
“Kamusta naman ang unang hang-over mo kahapon?” I can hear his playful voice. Mahina kong hinampas si Lucas.
“Hindi nakakatuwa uminom. Ayoko na talaga.” Humalakhak si Lucas sa sinabi ko.
“Okay lang iyan. Masasanay ka rin.” Umiling ako sa kanya at napanguso.
“Hindi ako masasanay kasi hindi na ako ulit titikim.” Lalo itong natawa.
“Hindi mo naman maiiwasan ang alak. Atleast now, you already know your limit. Huwag ka na ulit sasagad doon sa susunod,” nakangiting sabi nito.
We already started eating. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami hanggang sa napunta na kay Lucas ang topic at sa basketball nito.
“So, player ka hindi ba? Magaling kang magpaikot ng bola? Baka naman pati si Eva paikutin mo ah?” mariing tanong ni Tammy kay Lucas.
Napakamot ng batok si Lucas. Magsasalita na sana ito nang unahan siya ni Shienel.
“Nako ang tagal sumagot. Ekis ka na sa akin, Lucas.” Natawa ako nang lumingon si Lucas sa akin na tila nanghihingi ng tulong. I just shrugged at him.
“Malinis ang intensyon ko kay Eva. I will do my best to not hurt her in any possible way.” Napuno ng kantyaw ang lamesa namin. Hindi naman ako nakaramdaman ng iba sa pang-aasar nila sa akin. Natatawa pa nga ako dahil sa mga mukha nila.
“Tawa ng tawa si Eva, kinikilig yata!” sigaw ni Shienel. Kaagad ko siyang pinatigil. Eskandalosa rin talaga eh. Ang ingay ng bibig pambihira.
“Masyado niyo nanamang pinagtutulungan sila Eva,” natatawang sabi ni Alana.
“Balik nga tayo sa pag-basketball ni Lucas. Hindi ka pa namin napanood maglaro. Kailan ba ang next game mo para naman mai-cheer ka namin?” tanong ni Shienel. Nakita kong napaisip si Lucas.
“Hindi pa ako sigurado pero hindi pa kasi start ng basketball tournament taon na to. Baka kasi mga next month pa iyon pero babalitaan ko kayo kaagad kung sakali. Galingan niyo sa pag-cheer ha?” nakangiting sabi nito.
“Ay matagal pa nga, malay mo naman kayo na ni Eva sa mga panahong iyon. Edi may cheerleader ka na agad sa bench!” pang-aasar ni Shienel. Pinandilatan ko ito ng mata.
“Tumigil ka na nga, Shienel. Masyado mo na kaming ginigisa rito ha,” mahinang sita ko dito.
As usual, hindi siya nadaan sa isang paninita lang. I already lost count on stopping her hanggang sa ako na mismo ang sumuko sa kakulitan ni Shienel.
Nang matapos ang lunch namin ay kaagad din kaming bumalik sa mga klase namin. Wala naman gaanong nangyari pa sa hapon na iyon. Puro pagtuturo lang. Naghahabol na nga sa lesson dahil malapit na ang finals week.
Mabuti nga at nakapag-aral kami ng maayos kila Alana bago ang birthday ko. Kahit papaano ay nalinawan ako sa mga topic at feeling ko naman ay may maisasagot ako kapag nag-exam. Pakiramdam ko rin naman ay ganoon din sila Tammy at Shienel.
Naging mahigpit kasi talaga si Alana no’n. Kinuha niya ang phone namin tapos hindi talaga siya pumayag na may distractions habang nagtuturo siya. Ang pagkain ay pinapaakyat niya lang kapag oras ng pahinga namin at speaking of pahinga, halos 15 minutes lang ang naging pahinga namin sa umaga at hapon!
Kaya nga nang makauwi ako noon ay pagod na pagod ako. It was more exhausting to use your brain rather than doing something in physical. Halos sumakit din ang ulo ko noon. Masyado kasing nagamit kaya siguro ganoon.
Bale ngayong weekends, sa bahay na ulit kami kaso nga lang, hindi ko alam kung okay ba sa kanila lalo pa’t nandoon nga si Kuya. Alam ko naman na hindi maganda ang dugo ng dalawa kay Kuya at baka maging dahilan pa iyon para ma-distract si Tammy at Shienel.
Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi nang maisipan kong sabihin ang tungkol doon.
“Okay lang ba na sa bahay tayo this weekend? Nandoon kasi si Kuya Adam...” Katulad ng inaasahan ay sumimangot kaagad si Shienel. Si Tammy naman ay sumama ang mukha habang si Alana ay napangiwi.
“Totoo ba? Hindi pa ba siya uuwi?” Napanguso ako at umiling sa tanong ni Alana.
“Mag-stay raw muna siya ulit dito sa Abra eh. Dala niya nga halos lahat ng gamit niya,” paliwanag ko sa mga ito. Bumaling si Tammy kay Alana.
“Alana, sa inyo na lang tayo ulit. Baka wala akong maintindihan dahil mag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing makikita ko ang kapatid ni Eva.” Bahagyang nalungkot ang mukha ni Alana.
“Hala, hindi pwede eh. May bisita kasi parents ko this weekend kasi nga usapan diba kila Eva na tayo ulit? Baka pwede sa inyo, Tammy?” Umiling nang mabilis si Tammy. Nanlaki pa nga ang mata nito at mukhang nabigla.
“Hindi tayo kasya sa bahay namin! Saka hindi kumportable doon kaya huwag na sa amin. Kila Shienel, baka pwede?” Umiling din si Shienel.
“Wrong timing, guys. May boylet nanaman kasi si Mommy na laging inuuwi. Well, kung okay sa inyo na makarinig ng ungol, pwede naman sa amin.” Napaubo ako dahil sa sinabi ni Shienel. Walang pakundangan talaga ang bibig ng babaeng ito!
“I think that’s too much information, Shienel.” Napangiwi kami ni Alana. Nabigla rin siguro pati siya. Si Tammy lang ang hindi nag-react sa amin. Wala akong ibang nagawa kundi huminga nang malalim.
“Sa amin na lang. Sasabihan ko na lang si Kuya na mag-aaral tayo doon kaya huwag siyang manggugulo o kahit magpapakita.” Tumango bilang pagsang-ayon sila Alana.
Dumating na ang mga sundo nila Alana at Shienel habang si Tammy naman ay umalis na rin kanina pa. Dumiretso kaagad ako sa spot kung saan ako madalas na naghihintay sa sundo ko. Kaagad na pumasok sa isip ko ang nangyari kaninang umaga.
Bigla akong kinabahan habang naghihintay ng sundo. Half-half ang nararamdaman ko. I was wishing for our driver to pick me up. Sana ito na ulit ang maghatid-sundo sa akin para hindi ako palaging kabado at natatakot. Pero hindi ko maiwasang isipin na sana si Kuya nalang. Ewan ko rin kung bakit. Ang gulo talaga. Pati ako naguguluhan na sa sarili ko! Bakit kasi hindi pa bumalik si Kuya Adam sa Maynila eh!
Nabigla ako nang may nagtakip ng mata ko. Kaagad kong kinurot ang kamay ng kung sino saka sinamaan ng tingin iyon. Narinig ko kaagad ang pamilyar na boses ni Lucas. Natatawa niyang hinimas ang kanyang daliri na nakurot ko.
“Sorry, ikaw naman kasi...” Humalakhak ito.
“Hindi ka pala dapat binibiro ng ganoon. Mapanakit ka pala kapag ginugulat.” Sumimangot ako sa kanya.
“Ewan ko sa’yo, Lucas.” Naupo ito sa tabi ko at tinitigan ako.
“Okay ka lang ba?” That’s it. He was doing it again. Nalalaman niya nanaman kung kailan ako hindi kumportable o kung may nararamdaman akong kakaiba. How can he do that? May powers ba siya? O baka masyado lang talagang halata sa mukha ko ang mga nararamdaman ko but nevertheless, I want to be like him.
Gusto ko kasing malaman ang nararamdaman ni Kuya Adam. I want to know why he’s doing this. He was so secretive at halos bihira siya magpakita ng emosyon. Kapag nangyayari naman iyon ay hindi ko rin malaman kung anong ibig sabihin. He’s so mysterious now. Hindi naman siya ganoon dati.
“May magic ka ba? Paano mo nalalaman kapag may bumabagabag sa akin?” nagtataka kong tanong dito. Tumawa siya.
“Wala ah. You’re just very transparent. Nahahalata agad sa iyo na may iniisip ka. Sometimes, your emotions are showing kaya nalalaman ko. Kaya nga sigurado ako na hindi ka magaling magsinungaling kasi madali kang basahin.” Tumango ako sa kanya at nagkibit-balikat. I don’t know if I can share to him what was bothering me pero mas pinili kong manahimik.
Mabuti nga at naramdaman niya na hindi ako magsasabi kaya sinubukan niyang ibahin ang usapan. Napangiti ako doon. He is really a good guy. There’s no doubt in it.
“Kapag ba may mga games na ako, magkakaroon ka ba ng time para makanuod?” He asked me curiously. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.
“Why not? Kung vacant time ko naman niyon at kung wala naman akong ibang gagawin then I can go and watch your games.” Unti-unting lumapad ang ngiti nito. He really looked joyful right now.
“Mabuti naman. Kahit kasi hindi ka na mag-cheer, Eva. Basta makita lang kita na nanunuod ay pakiramdam ko mawawala na ang pagod ko at gaganahan na ako lalong maglaro. Salamat ah?” Tinanguan ko siya.
“Ano ka ba, wala naman iyon. Kaibigan mo ako. Tiyak na kasama ko rin naman sila Tammy kung sakaling manunuod ako kaya hindi posible na hindi kami gagawa ng ingay doon. I was actually curious on how you play. Gusto ko rin talaga na mapanuod ka in one of your games.” Napakamot ito sa buhok at tila kinikilig na ngumiti sa akin.
“Huwag ka nga riyan, Eva...” Napahalakhak ako nang malakas. Ang kulit niya talaga! Bumaba ang tingin ni Lucas sa relo niya.
“Himala at wala pa ata ang sundo mo?” Nagkibit-balikat ako sa kanya.
“Hindi ko rin alam. Wala kasing paramdam ang sundo ko.” Kumunot ang kanyang noo.
“Ha? Bakit hindi nagsasabi ang driver niyo kung mahuhuli siya o kung nasaan na ba siya?” I took a deep breath.
“Baka kasi si Kuya ang sumundo sa akin kaya ganoon. May lakad ka pa ba? Okay lang naman kung mauuna ka na.” Muli itong tumingin sa kanyang relo saka umiling.
“Nope. I will wait for you to leave.” Sinimangutan ko siya.
“Hindi na, ayos na ako dito, Lucas. Sige na, umalis ka na?” Umiling itong muli. Nako, ang kulit talaga!
“Hintayin ko muna ang sundo mo bago ako umalis. Hindi naman mahalaga ang lakad ko.” Tinitigan ko siya bago tumango.
Muli kaming nagsimulang mag-usap tungkol sa mga random na bagay. I like how comfortable I am to him at nakakatuwa na lagi lang akong nakangiti habang kasama siya. How I wish that I could really like him eventually. Pero sa ngayon, sigurado kasi ako na kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may malakas na bumusina mula sa likod. Hindi pa iyon nakuntento at inulit pa ng dalawang beses. Sumama ang tingin ko nang makita ang sasakyan namin. Bumaba doon si Kuya Adam. Binalingan niya muna si Lucas bago diretsong tumingin sa akin.
“Get in.”