Kabanata 25

2307 Words
Bumalik ang tingin ni Kuya Adam kay Lucas. Bigla akong nataranta nang maramdaman ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. I looked on Lucas and smiled at him. “Ah, sige na, Lucas. Aalis na ako.” Tipid itong ngumiti sa akin. Tinignan ko si Kuya at sinenyasan ito na pumasok na siya ng sasakyan. Habang inaayos ko ang aking seatbelt ay bigla itong nagsalita. “You didn’t even bother to introduce me to him?” malamig na tanong nito. Napalingon ako sa kanya. “Bakit? You already saw him twice. Alam niya rin naman na kapatid kita. I think there’s no need for that,” matipid kong sagot. His jaw clenched on my remark but he remained silent. Nagsimula itong magmaneho. Inabala ko ang sarili ko sa cellphone. I even wore my airpods to listen on the videos I want to watch. Mamaya kasi ay bigla akong pababain ni Kuya sa gitna ng daan kapag nag-ingay ako. Ramdam ko namang masama na naman ang timpla nito kaya ako na mismo ang nagkusa. Atleast ako, marunong ako makiramdam. Itong si Kuya Adam, ewan ko talaga. I accidentally looked on the time written on my phone. Nagtaka ako nang halos thirty minutes na nang makaalis kami sa university. Hindi naman iyon kalayuan sa bahay namin. Madalas nga ay fifteen to twenty minutes lang ang byahe namin kapag ang driver ang kasama ko. What was taking him so long? I looked around and the place was unfamiliar to me. Hindi ito ang daan pauwi. Naglakas loob akong magtanong kay Kuya. “Where are we going?” Bigla akong nakaramdam ng kaba. May plano bang hindi maganda si Kuya Adam sa akin? Papatahimikin niya na ba ako habang buhay? Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Lingon ako nang lingon sa bintana at mukhang mas lalong nairita si Kuya. “What are you thinking? Tingin mo may gagawin akong masama sa’yo?” mariing tanong nito sa akin. Nakasimangot ito habang nakatingin sa dinadaanan namin. Napalunok ako at napaupo nang tuwid. “H-Hindi naman. Saan ba tayo pupunta?” Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I can’t believe I’m feeling scared and nervous at the same time while I’m with him. “May consultation ako sa isang building at kailangan kong puntahan iyon ngayon. Now, calm down. Wala naman akong gagawing masama sa’yo.” Unti-unti akong kumalma. I pouted when I felt guilty on thinking badly of him. Huminto ang sasakyan nang makarating kami sa isang mataas na building. Tinanggal ni Kuya Adam ang seatbelt nito kaya naman ginaya ko siya. Lalabas na sana siya nang mapatingin siya sa akin. Salubong nanaman ang kilay nito. “Stay here.” Napasimangot ako. “Gusto kong sumama, Kuya.” Umiling ito. “No. Hindi safe doon. Manatili ka na lang dito,” he said with finality. Hindi na niya ako hinayaan na makapagsalita at lumabas na siya. Napairap ako sa kawalan dahil sa pinaghalong inis at bwisit sa kanya. Sinundan ko siya nang tingin habang nakikipag-usap ito sa guard ng construction. Napansin ko rin na may ibang mga trabahador ang bumabati kay Kuya. Nang matapos siya sa guard ay dumiretso na ito papasok sa building. Lalo akong napasimangot. Gusto ko talaga lumabas din. Bihira lang ako makapunta sa mga bagong lugar kaya na-curious talaga ako. Pakiramdam ko ay hindi naman talaga nawala ang pagiging makulit sa pagkatao ko kaya kahit sinabi na ni Kuya Adam na hindi ako pwedeng lumabas ay lumabas ako. Napunta sa akin ang atensyon ng mga trabahador doon. Napangiwi ako nang maamoy ko ang alikabok mula sa paligid. I was wearing my uniform kaya naman nang umabot na ako sa guard house ay hinarang ako. “Miss, bawal ka dito,” sabi ng guard na nakausap kanina ni Kuya. “Uhm, kasama ako ni Engineer Peñafiel. Bawal ba ako pumasok?” Tumango ito. “Oo, Ma’am. Bawal ka doon lalo na at mukhang minor ka. Tapos wala ka pang protective gears. Mas okay kung doon ka na lang sa sasakyan niyo maghintay. Maiinitan ka pa rito saka medyo marumi at maalikabok.” Bumalik ang tingin ko sa sasakyan saka tumingin muli sa guard. “Eh dito, Kuya? Bawal din ako dito? Baka kasi matagalan si Engineer. Nakakabagot sa loob ng sasakyan maghintay.” Napakamot ito sa ulo. “Pwede naman, Ma’am. Sigurado ka ha?” Lumapad ang ngiti ko saka tumango sa kanya. I started talking to the guard. Pakiramdam ko ay nagtataka na nga ito sa akin dahil masyado akong feeling close. Ewan ko ba, ayoko kasi muna sa sasakyan. Lowbat na kasi ang cellphone ko kaya wala akong magagawa doon habang naghihintay. Might as well stay here and talk with someone. Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaan ang guard. Hindi nagtagal ay may ilang workers na rin ang lumapit sa amin. “Kaano-ano mo si Engineer, Miss?” tanong ng isa sa mga workers doon. “Girlfriend mo siguro si Engineer?” sabat ng isa. Nanlaki ang mata ko at kaagad na umiling. Pati ang kamay ko ay sumenyas. Natatawa pa ko. I can’t understand why they thought that I’m Kuya’s girlfriend. “Kapatid ko pa siya. Hindi po ba halata?” natatawang sabi ko. Nakita ko ang gulat sa kanilang mukha. Napansin ko rin ang iba na tila nakahinga nang maluwag. “Talaga? Nako, hindi kasi halata! Parang hindi ko naman nakikita na magkahawig kayo.” Napahawi ako sa aking buhok. I actually get that a lot pero tinatawanan ko na lang. Napapansin ko naman kasi ang resemblance ni Kuya kay Papa habang ako naman kay Mama. Kaya siguro nasasabi ng mga tao na hindi kami magkamukha. Nagpatuloy ang mga tanong nila sa akin at ganoon din sa kanila. Nakakatuwa na ang dami kong nalalaman sa buhay na mayroon sila. Magkaiba kasi ang alam ko at ang mga nakasanayan ko kumpara sa kanila. I am privileged. I can have anything I want without working hard for it. I grew up having to live my life in a comfortable way. Kaya nga ngayong naririnig ko ang mga kwento nila ay gusto kong maawa at magbigay ng tulong kaso naiwan ko ang wallet ko sa sasakyan. “Uhm, mga kuya, wait lang po. May kukunin ako sa sasakyan.” Akmang tatalikod na ako sa kanila para bumalik nang marinig ko ang isang malamig na boses sa likod ko. “What are you all doing here? Oras ng trabaho at lahat kayo nakatambay dito?” Nakaramdam ako ng takot dahil sa nahihimigang inis sa boses ni Kuya. Dahan-dahan akong bumaling sa kanya. Nagtama ang mata naming dalawa. Labis akong kinabahan. Kaagad na humingi ng dispensa ang mga workers. Maging ang guard ay humingi ng pasensya niya. Tinanguan lang siya ni Kuya saka ako nilapitan. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Eva.” Umigting ang panga nito. “S-Sorry, gusto ko lang naman kasi na sumama para makaikot. Lowbat na ang phone ko kaya anong gagawin ko doon habang naghihintay sa’yo?” Tumingala ito at huminga nang malalim. He looked on the guard and speak. “May extra pa bang hardhat diyan?” The guard nodded fast and gave the hard hat on Kuya Adam. Nanghiram ito ng pamunas at alcohol saka niya nilinisan ang hard hat na hiniram niya. Pagkatapos niyon ay lumapit ito sa akin saka maingat na isinuot sa akin iyon. Bahagyang bumaba ang mukha nito hanggang sa tumapat iyon sa akin. Kaagad akong napaatras. Halos mabingi ako sa malalakas na t***k ng puso ko. Humakbang siya palapit sa akin at inayos ang hard hat. He tucked my hair neatly behind my ears para walang buhok ang nakaharang sa mukha ko. Halos mapaso ang balat ko nang accidentally ay dumidikit sa pisngi ko ang kanyang kamay. “Huwag ka ngang malikot,” sita nito sa akin. I almost stop my breath when our eyes met. Halos dalawang segundo rin ata iyon bago niya natapos ang pag-aayos hanggang sa lumayo na siya sa akin. “Huwag kang lalayo. Just stay beside me and please, refrain from talking with the workers. Huwag mo silang i-distract sa trabaho nila. That may already cause delays.” Nagsimula itong maglakad at sinikap kong sumunod sa kanya. My heart was uncontrollable. Ilang beses akong humihinga ng malalim. Hindi ko na mabilang iyon pero hindi pa rin ako makakalma. When I already felt that I was calming down, halos makipagkarerahan nanaman ang puso ko kapag napapatingin ako sa likod ni Kuya Adam. What is wrong with me? Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko kay Kuya. Siguro epekto lang ito ng pagkakalayo namin ng maraming taon. Marami ang nagbago sa aming dalawa. Marami na akong hindi nalalaman sa kanya at hindi na ako sanay sa presensya niya. Siguro naman, ngayong mag-stay siya sa Abra ay kahit papaano, masasanay na ako ulit sa kanya. The feeling of being scared and nervouse whenever he’s around will stop in time. Nakita ko ang isang grupo ng mga tao na mukhang mga ka-level ni Kuya. Hindi kasi sila mga workers tignan. “Sorry for the interruption. Okay lang ba kung sinama ko na ang kapatid ko dito sa loob?” Napunta sa akin ang mga tingin nila. Nagsitanguan naman ang mga ito at binati ako. Nasa lima ata ang mga lalaki na naroon. Ang dalawa ay medyo may edad na habang ang tatlo ay kaedaran lang siguro ni Kuya. Muli silang nag-usap tungkol sa project. I actually don’t understand it kaya naman nilibot ko na lang ang tingin sa paligid. Hindi naman ako makaka-relate sa kanila dahil malayo naman ang kurso ko sa kanila. Nang makita kong nagsimula silang maglakad ay kaagad akong sumunod. I even walked beside Kuya Adam dahil paakyat kami sa hagdan na wala pang mga railings. Nakakatakot at nakakalula noong sinilip ko sa baba. Nabigla ako nang maramdaman ang paghawak sa akin ni Kuya Adam. It was as if he was guiding me on the stairs. Ipinagitna niya pa nga ako sa kanila ng mga kasama niya para siya ang nasa dulo. I felt shy. Kulit mo kasi Eva. Ipinilit mo pa kasing sumama. Iyan tuloy at nakakadagdag pa ako ng alalahanin ni Kuya. Nang makaakyat kami sa sumunod na palapag ay halos mamangha ako nang makita ang ginagawa ng mga workers mula sa ganitong view. Pare-pareho pa sila ng uniforms habang nagtatrabaho sa baba. I can’t help myself but to be amazed. Bigla ay nakaisip ako ng kung anong pwedeng i-design na damit bilang uniforms nila. Long sleeve siguro para protected sila sa init. I know that they were working from the morning until the evening. I will make it by using a thin cloth para hindi makadagdag ng init sa pagtrabaho nila. Napalingon ako nang makitang bumaba na ang dalawang matanda na kasama namin. Bale ako na lang at si Kuya pati ang tatlo na medyo kaedaran niya. “Thank you for coming, Engineer Peñafiel. It’s a pleasure for us to have you as one of our consultant and I’m sorry of thinking lowly of you. You may not have many experience yet but the knowledge that you have in this field is incredible,” mahabang sabi ng isang lalaki. “No worries, Engineer. I always get that and slowly, I was already getting used to it.” Nakailang usap pa sila tungkol sa trabaho hanggang sa mapabaling sila sa akin. “What’s the name of your beautiful sister?” nakangiting sabi ng isa sa mga lalaki. Medyo hindi ako naging kumportable sa paghagod niya ng tingin sa katawan ko kaya naman medyo napausog ako kay Kuya. Napatingin ito sa akin bago sumagot sa tanong. “She’s Eva,” matipid na sagot ni Kuya Adam. I was shocked when one of the guys lend his hand on me. “Hi, Eva. I’m Matt. Nice to meet you.” Alanganin akong ngumiti sa kanya saka tinanggap iyon. Kaagad rin naman akong bumitiw. Kuya Adam stepped forward to cover me behind his back and talked to the guys. “So that’s it. Aalis na kami. I’ll visit here again next week to see the progress and changes that I suggested.” Hinawakan akong muli ni Kuya at inilayo na sa mga lalaki. Pagkabalik namin sa guard house ay sinimulan niyang tanggalin ang hard hat na suot nito. Sinubukan ko rin na tanggalin ang sa akin ngunit nahihirapan akong luwagan iyon. Nang matapos si Kuya ay mukhang napansin niya ang problema ko kaya tinulungan niya rin ako kaagad. Pagkapasok namin sa sasakyan ay nabigla ako nang dumungaw si Kuya sa compartment sa banda ko. Napausog pa nga ako dahil sa biglaan niyang pagkilos. Naramdaman ko ang dibdib niya sa hita ko ngunit hindi naman nagtagal iyon dahil kaagad niya ring nakuha ang dapat niyang makuha sa compartment. It was an alcohol. Nanlaki ang mata ko nang walang sabi-sabi nitong kinuha ang kanang kamay ko at ilang beses na nag-spray ng alcohol. May kinuha ito sa kanyang bulsa. Isang panyo saka niya ipinamunas sa kamay ko iyon. “W-What was that for, Kuya?” Umangat ang tingin niya sa akin. His jaw clenched once again. “Tinanggal ko lang ang germs. Marumi sa labas kaya dapat lang na mag-alcohol ka,” he said in a flat tone. Nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa kanang kamay ko na hawak niya pa rin hanggang ngayon. “If that so, bakit ang kanang kamay ko lang ang in-acohol-an mo? How about my left hand?” Bumagsak ang tingin nito sa isa ko pang kamay. Napapikit ito. “Akin na nga, hindi pa kasi ako tapos. Atat ka masyado.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD