Kabanata 1

2152 Words
Lumaki ako na kasama siya palagi. Hindi siya nawawala sa tuwing may mga mahahalagang okasyon sa buhay ko. He was still there even with the smallest details that has happened in my life.   Lumingon ako sa paligid habang nagsisimulang magkantahan ang mga tao. It was my seventh birthday, probably the best one that I had so far. I saw many children singing to me a happy birthday song. Some of them were familiar to me, some were not. Siguro ay mga naimbitahan lang nila Mama na may kinalaman sa business ng aming pamilya.   I’m not really fond of other kids. Kahit noong nag-umpisa akong mag-aral sa elementarya ay hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Mas sanay ako na mag-isa. Some approached me, trying to be friend with me but maybe I got them bored. Walang tumatagal sa akin dahil hindi naman ako sanay na nakikipag-socialize sa mga batang kaedaran ko.   “Eva, make a wish and blow your candle!” masayang sabi ni Mama. All of them were anticipating. Muli kong inikot ang paningin sa paligid. Halos bumagsak ang balikat ko nang hindi ko siya makita.   That’s when I closed my eyes and wished for him to be here. Sana dumating na si Kuya Adam. May pasok kasi ito sa paaralan. He was in high school during that time and he was very busy the entire week.   Sana ay makauwi na si Kuya. He promised that he will come here as soon as he finished his classes. Iyon lang ang hinihiling ko sa oras na iyon. Just to see my brother.   Dumilat ako at marahang hinipan ang mga kandila. I smiled sadly, contrary to everyone’s smiling face and clapping hands. Pinaupo na ako ni Papa sa ginawang thrown ko. Binigyan nila ako ng pagkain doon. They eventually left to attend with the needs of our visitors.   Nag-umpisa na ang kainan. Wala akong gana habang ginagalaw-galaw ang pagkain ko. Anong oras na at wala pa rin si Kuya Adam. Nag-uumpisa na akong magtampo sa kanya sa mga oras na iyon. It was my birthday and he is absent! Ngayon pa lang iyon mangyayari kung sakali.   Ni hindi manlang niya sinabihan si Mama kung mahuhuli ito ng uwi para naman sana hindi ako naghihintay.   “Eva, what’s wrong? Why are you not eating your food?” Malumanay na sabi ni Mama.   Pinipigilan kong maiyak noon nang tumingin ako sa kanya. My lips trembled as I speak.   “Where’s Kuya Adam, Mama? Why is he not here yet?” Nalulungkot na sabi ko. I saw how her smile lessen a little bit. Marahan niya akong hinawakan sa aking likod upang mapakalma. Hindi niya alam na mas lalo lang akong maiiyak kapag inaalo ng ganoon.   “Your brother called us a while ago. Hindi raw siya makakaabot sa party mo. Masyadong maraming ginagawa si Kuya sa school. Dibale, I’m sure he will make it up to you, okay?” malambing na sabi ni Mama sa akin.   Tears started flowing. I was so young back then. Masyadong mababa ang luha at kaunting kibot lang ay maiiyak na ako. I can even consider that problem small pero noong mga panahong iyon ay feeling ko aping-api ako at sobrang kawawa dahil sa hindi nakaabot si Kuya Adam sa mismong birthday party ko.   Natapos ang party na iyon na mababa ang energy ko. Bago umuwi ang mga bisita ay lumapit ang iba sa kanila sa akin upang muli akong batiin. I tried my best to smile at them because Mama told me to do so. Kung ako lang ang masusunod ay kanina pa ako nag-tantrums doon at nagkulong sa kwarto.   Nakatalukbong ako sa kumot ko ng gabing iyon. I busied myself crying. Akala mo talaga ay napakalaking problema ang pinagdadaanan ko dahil sa kadramahan ko noon.   Ibinaba ko ng kaunti ang kumot nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng aking kwarto. It was already dark in my room but upon seeing his shadow, alam ko na agad kung sino iyon.   I immediately covered myself tightly inside the blanket. Nagtatampo ako sa kanya. Hindi siya nakahabol sa birthday ko. Sobrang babaw pero sa mga oras na iyon ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. That was the very first time he didn’t keep his promise. That was the first disappointment I have ever received from him.   Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi. My blanket was so thin that I can almost see his shadow. Nakikita ko itong nakabaling lang sa akin. He remained silent for a minute before he took a deep breath and held my arms.   “Eva...” he said in a hoarse voice. Sinikap kong hindi gumalaw kahit pa medyo natatakot ako sa boses niya. Unti-unti na kasing lumalalim ang boses niya noon kumpara sa nakasanayan ko. Mama said it was because Kuya Adam is getting older and in the stage of puberty, something that I can’t understand yet during that time.   Marahan niyang hinaplos ang braso ko. Dahil sa manipis ang kumot ay damang-dama ko pa rin ang hawak niya. Pakiramdam ko tuloy maiiyak ako lalo but no. I have to pretend sleeping.   “Eva, baby...” Hinigpitan ko ang kapit sa kumot na hawak ko. My body betrayed me when one sob came out of my lips. Nagsunod-sunod iyon hanggang sa tuluyan na akong naiyak ng mahina. Muli kong narinig ang malalim nitong paghinga.   Nahiga ito sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit mula sa aking likod. Mabilis niya akong nailapit sa kanya. He let my cry. Hindi siya nagsalita at pilit lang akong pinapakalma.   Nang tumagal ang ilang minuto na umiiyak pa rin ako ay doon na siya nagsalita.   “Shh, stop crying. Nandito na si Kuya. I’m sorry,” mahina niyang sabi habang patuloy ang pag-alo niya sa akin. He made me face him. Maingat niyang tinatanggal ang kumot na nakatalukbong sa akin.   Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang aking mukha nang tuluyan na niyang maialis sa mukha ko ang kumot. I don’t want to see him. Nagtatampo ako.   Muli niya akong niyakap. Sumiksik ang aking mukha sa kanyang dibdib.   “Eva, sorry na. May regalo si Kuya sayo. Do you want to see it?” He said excitedly. Parang biglang nagliwanag ang mukha ko noong sinabi niya iyon. Talagang bata pa nga ako noon, mabilis magtampo, mabilis ding masuhulan.   Dahan-dahan akong lumayo upang makita ang mukha niya. Lumitaw ang ngiti sa kanyang mukha. Right, he got me with the gift. Kung siguro ay wala siyang regalo bilang pampalubag ng loob ay nagtatampo pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin siya papansinin. Manigas talaga siya diyan.   Bumangon siya. He urged me to get up too. Ayoko pa nga sana at balak ko pang magtalukbong ulit ng kumot ngunit agad niya akong kiniliti. Kahit ayoko man ay humalakhak ako. I laughed, yes but that doesn’t mean that we were already okay! Nagtatampo pa rin ako sa kanya ‘no.   “Bati na ba tayo?” Naglalambing na sabi ni Kuya Adam. Sumimangot ako sa kanya. Umiling ako at inayos ang buhok kong nagkagulo. Pinunasan ko rin ang mga luha sa aking mukha.   “Bakit hindi ka nakapunta sa birthday ko?” Puno ng pagtatampo ang aking boses. He shook his head and smiled sweetly. He checked the wall clock inside my room.   “It’s still ten in the evening. It’s still your birthday, baby.” Nangingiting sabi nito. Muli akong umiling.   “No! My party is over. Hindi ka pumunta!” I said accusing him. Lumapad ang ngiti nito hanggang sa mapatawa ito ng mahina.   “You looked so cute when annoyed.” Pinanggigilan niya ang aking pisngi at kinurot iyon. Napangiwi ako at pilit na nilalayo ang mukha ko sa kanya but what else can I do. I was just a kid that time. Hindi ko siya kayang patumbahin.   Nang matapos niya akong kurutin sa pisngi ay may kinuha ito sa kanyang bulsa. Nagningning ito nang may tumamang kaunting liwanag mula sa labas. A necklace with a pendant of my name.   Nakangiti siya habang isinusuot iyon sa akin. My young heart was overflowing with joy and amazement upon seeing it. It was my first time having my own necklace. Sa tuwing nagsusuot kasi ako nito kapag may mga importanteng events sa kumpanya ay madalas na hinihiram kay Mama ang mga iyon. But now, Kuya Adam gave me a necklace and it was really mine because my name was engraved on it!   “It suits you.” Nakangiting sabi ni Kuya Adam. Napayuko ako at hinawakan ng maigi ang kwintas. It felt cold and fragile against my hand. I promised to myself right there and then that I will do my best to keep and treasure this.   Sa wakas ay lumitaw na rin ang ngiti sa aking mukha. I hugged my brother tightly. Agad din naman niya iyong ginantihan ng yakap.   “I’m sorry, Eva. Sorry kung hindi ako nakahabol sa party mo. Marami akong ginawa sa school. Atleast naman diba ay nandito na ako? Umabot ako sa mismong birthday mo at may regalo ako sayo but I will still make it up to you. Let’s play all day tomorrow. Do you want that?” Naglalambing na sabi ni Kuya Adam.   Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa sinabi niya. My innocent heart screamed happiness. Sobrang excited ako noon dahil talagang makakabawi si Kuya Adam sa naging atraso niya sa akin.   Sa higaan ko siya natulog sa gabing iyon. I slept while hugging him and with a smile on my face. This marked my best birthday ever. Kahit na nagsimula iyon na malungkot at parang may kulang. Natapos naman iyon ng masaya dahil kay Kuya. Siya lang talaga ang makakagawa niyon sa akin kahit noon pa.   Sa tuwing hindi ako mapakalma at mapatahan nila Mama, they will call Kuya Adam because they were sure that he can tame me. He can make me calm. Hindi ko rin alam. Iba rin kasi talaga ang comfort na binibigay ni Kuya sa akin. The feeling of having a brother that is willing to protect me whatever it takes.   The feeling that someone got my back. Palagi siyang nakaalalay sa akin at isang tawag ko lang sa pangalanan niya ay nandyan na agad siya sa tabi ko.   Paggising ko kinabukasan noon ay mag-isa na lang ako sa higaan. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. I tried looking for Kuya Adam in his room but it was locked. Wala akong ibang nagawa kundi bumaba. Nag-umpisa akong kabahan at malungkot.   Paano kung may kailangan nanaman siyang gawin sa school niya? What if he broke his promise again? Parang na-trauma ako bigla sa nangyari kahapon. Nagkaroon ako ng trust issue sa kanya pero sigurado naman ako na mabilis lang din ako makakarecover doon sa oras na paglaanan na niya ako ulit ng oras.   My face brightened when I saw him on the dining area. He was waiting for our maids to cook the food. May dala siyang plato habang sumisilip sa pinaglulutuan. Unti-unti kong napansin ang pagbabago sa kanya.   Mabilis ang naging pagtangkad niya. His voice became deeper than before. Unti-unti na ring na-enhance ang features ng kanyang mukha. Nagiging visible na rin ang magandang body built nito. That was still some small changes I noticed on him during that time. Far from what I’m seeing now that he’s already a full grown man.   Nilagay niya ang plato sa kainan at umangat ang kanyang tingin sa akin. He smiled at me softly. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya upang mayakap siya ng mahigpit.   “Careful, baby,” maingat na sabi nito. Pinaupo niya ako at ipinagsandok ng pagkain. I was very happy at that moment. Akala ko kasi ay umalis nanaman ito. Akala ko ay hindi niya tutuparin ang pangako niya na babawi siya sa akin.   We started eating. He told me that Mama and Papa left early for work. Wala namang kaso iyon sa akin dahil sanay na ako. As long as Kuya Adam is with me, it’s fine. May makakasama at makakalaro naman ako kaya okay lang.   “What do you want to do for today?” Maligayang sabi ni Kuya. I tried thinking of anything that we could do. My young mind can only think of playing, eating and watching movies that time. Iyon ang sinabi ko sa kanya. Agad naman niyang sinang-ayunan iyon.   Just like what he promised, we stayed together for that day. Hindi siya umalis sa tabi ko. We watched my favorite cartoons. We ate my favorite food. We played a lot.   Kung alam ko lang na magbabago pala ang pakikitungo niya sa akin ngayon, sana ay sinulit ko na ang lahat ng atensyon na ibinigay niya sa akin noon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD