Natatandaan ko noon kapag may bakanteng oras si Kuya Adam ay sumasama siya sa pagsundo sa akin sa school. Noong unang beses na ginawa niya iyon ay talagang nabigla at natuwa pa ako.
I was alone in the playground of our school. Nakaupo ako sa swing at marahan na nag-aangat baba. My feet was already touching the ground, isang senyales na lumalaki na rin ako. Dito ako madalas na naghihintay sa driver namin and I didn’t really mind being alone.
I watched a group of children from afar. Naglalaro ang mga ito sa damuhan. Umaalingawngaw ang tunog ng tawanan nila mula sa kinalalagyan ko samantalang ako ay tahimik lamang na nagmamasid sa kanila. Nakakatuwa dahil kahit na ganoon ay hindi naman ako nakakaramdam ng inggit.
Nakatatak kasi sa akin na sa oras na makauwi ako ay naroon naman si Kuya Adam at siya ang makikipaglaro sa akin. We can play all day. Kahit na lalaki siya at mas matanda sa akin ay palagi naman siyang nakikipaglaro sa akin.
He didn’t mind if we played barbie doll. He didn’t mind if we drink imaginary tea on my tea house party. He was willing to do everything I want. Kaya bakit pa ako maiinggit sa mga batang ito kung may uuwian naman akong ganoon?
Nagliwanag ang aking mukha nang makita ang itim na sasakyan na papalapit gate ng playground. Iyon na ang sundo ko. Tumayo ako at kinuha ang aking gamit.
At first, I was walking with my normal pace. Akala ko kasi normal na araw lang iyon na sinusundo ako ng driver at yaya namin but when I saw Kuya Adam went out of the car, my eyes bulged with shock.
“Kuya Adam!” Napatili ako sa sobrang saya. I hurriedly run towards him. Siyempre, bata pa ako noon at sobrang sarap sa pakiramdam kapag may kamag-anak na sumusundo sayo. Especially when it was my brother.
Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napansin ang tinatapakan ko. May malaking bato na nakaharang sa dinaraanan ko at dahil doon ay bumagsak ako sa damuhan.
“Eva!” Nag-aalalang sigaw ni Kuya. Sa malalaking hakbang ay nilapitan niya ako at mabilis na inangat. I felt the pain on my knees. My eyes watered but I tried my best to stop my tears from flowing.
Sabi ni Kuya Adam, big girl na ako. I shouldn’t be crying over petty things.
“Eva, masakit ba? Bakit ka naman kasi tumatakbo?” Nag-aalalang tanong ni Kuya Adam. Umiling ako sa kanya. Kinusot ko ang aking mata upang mawala ang mga luhang nagbabadyang bumagsak doon then I smiled at him.
“Hindi po,” mahina kong sabi. Saglit siyang napatitig sa akin bago unti-unting ngumiti. Ginulo niya ang aking buhok.
“I thought you’re going to cry. Very good, Eva. Big girl na nga talaga ang kapatid ko ha. Let’s clean your wounds inside the car, okay?” Tumango ako sa kanya.
Humawak ako sa kamay niya. Akala ko kasi maglalakad na kaming dalawa patungo sa sasakyan. Laking gulat ko nang tumalikod siya sa akin at lumuhod. Unti-unting nagningning ang mata ko. My smile grew wider.
“Let’s have you a piggy back ride?” malambing na sabi ni Kuya. Masaya akong kumapit sa kanyang likod.
My small arms were all over his neck and my legs on his waist. Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang posisyon ko. Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad siya palapit sa sasakyan. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya hanggang sa hindi ko na namalayan na nasasakal ko na pala siya.
“Not so tight, baby. Hindi na makakahinga si Kuya,” pabirong sabi nito. Hindi ko napigilang mapabungisngis habang nag-sorry sa kanya.
Nang makapasok kami sa sasakyan ay agad niyang hiningi sa yaya namin ang first aid kit. Maingat niyang dinampian ng panglinis ang hindi naman kalakihang sugat sa aking tuhod. Halos maiyak nanaman ako habang ginagawa niya iyon. Pinaghalong hapdi at kirot ang nararamdaman ko.
“Masakit ba?” marahang tanong niya habang patuloy sa paglilinis ng sugat ko. Kahit totoong nasasaktan ako noon ay umiling ako. I am a big girl already. Hindi ang isang maliit na sugat ang makakapagpaiyak sa akin.
Tumango ito at napangiti.
“Next time, tumingin ka sa mga inaapakan mo ha? You should always be careful. Paano kung wala ako doon? Who would help you? Do you understand what I’m saying, Eva?” mabagal ngunit malinaw ang sinasabi niya sa akin.
That was something I really admire the most on my brother. Sobra ang pasensya na mayroon siya para sa akin. He knew how to explain everything to me in the simplest manner that my young mind can understand.
“I understand, Kuya Adam. I’m sorry...” Niyakap ko siya nang mahigpit. I felt him kissed my hair.
“It’s okay. Just don’t do it again. Nag-alala kaming lahat noong nakita kang bumagsak.” Napalingon ako sa driver at sa isang yaya na kasama namin. I even told them my sincere apology for making all of them worry. Pagkatapos niyon ay bumalik na sa paglilinis ng sugat ko si Kuya Adam.
If it weren’t for his gentleness ay baka mas malala pa ang naramdaman ko sa sugat. Sa tuwing napapadaing ako ay hinihipan niya ang sugat ko para mamanhid. I was very thankful for that. Malaking epekto iyon para mabawasan ang sakit ng pisikal na sugat. I could only hope that it can also lessen the pain he brought me now.
Pagkarating namin sa bahay ay wala pa sila Mama. Malamang ay nasa opisina pa ang mga iyon. Kuya Adam guide me upstairs until we reached our room. Agad din siyang bumaba at hinayaan akong magbihis muna sa kwarto.
Nang matapos ako ay sumunod ako sa kanya sa baba. I found him in the sala. May nakahanda ng meryenda doon. Umupo ako at sumiksik sa tabi niya. He giggled and hugged me sideways. That was one of the rare moments that he was not busy with school.
Nakakatuwa dahil nagawa niya pang isingit sa schedule niya ang pagsundo sa akin. Ang magiging problema nga lang niyan ay hahanap-hanapin ko na iyon palagi. Everytime I was waiting for our car on the playground, I would always anticipate for him. Makakaramdam nanaman ako ng disappointments kapag walang Kuya Adam na bumaba doon.
Automatic na ang channel sa cartoons kapag ganitong oras. Sabay kaming humahagalpak sa tawa sa tuwing may nakakatawang eksena doon. I find it cute that time when he was sincerely enjoying watching cartoons. He may be my brother but he was still young. Limang taon man ang age gap namin ngunit kaya niya pa rin makipagsabayan sa akin.
Natapos ang pinapanuod namin ng cartoon kinahapunan. Inaya ko siya na maglaro ngunit tumanggi ito. Mabilis akong napasimangot.
“Bakit hindi? Ayaw mo na makipaglaro sa akin?” malungkot kong sabi. Halos magtampo na ako sa kanya noon dahil lang sa tumanggi siya sa pag-aaya ko.
“Hindi ganoon, Eva. May mga assignments pa ako. Hindi ba kapag may assignments ka, gagawin mo muna ang mga iyon bago mag-play?” magaang na paliwanag niya sa akin. Naintindihan ko rin naman agad ang pinapahiwatig niya sa akin.
“Edi sama na lang ako sayo, Kuya. Wala akong assignments. Sasama na lang ako.” Niyakap ko siya at nilambing. He laughed and agreed immediately. Funny how he can easily grant my wishes when I was a child. Kaunting lambing lang sa kanya ay pumapayag na siya ngunit ngayon, sobrang dami na ang nagbago.
Hinayaan niya akong makapasok sa kwarto niya. This was not the first time I have been here. Ilang beses na rin ako laging pumapasok dito dahil hinahayaan niya rin ako na manggulo sa kanya. This time, I’m not here to disturb him. Narito ako para manuod lang at manahimik dahil magiging abala siya.
But then, I was still a kid. My curiosity was all around. Hindi mawawala sa akin ang mga tanong, pagtataka at ang maya’t-mayang pagkwento. Mabuti na lang din at mahaba ang pasensya ni Kuya Adam.
“What is that, Kuya?” kuryoso kong tanong sa kanya. Isa iyon sa mga tanong na hindi ko mapigilan. Nakakabagot din pala kasi kapag nakatunganga lang sa kanya at wala namang ginagawa. Maybe, he won’t mind if I do a little talking.
“Assignments, Eva. Are you sure you didn’t have any? Pwede kitang turuan kung mayroon.” He said that while his eyes are still glued on his notebook. Lumapit ako at dumungaw sa sinusulat niya.
Pumangalumbaba ako at pilit na binabasa ang mga iyon ngunit nahihirapan ako dahil masyadong malalalim at kumplikado ang mga salita. I was still in elementary. Hindi pa ako masyadong fluent sa pagbabasa lalo pa at pang-high school level na ang kay Kuya Adam.
“What subjects do you have? Do we have the same subjects, Kuya?” interesado kong tanong sa kanya. Napangiti ito at sumilip saglit sa akin.
“We have some subjects in common but in a higher level. Hindi mo pa iyon maiintindihan sa ngayon. Don’t worry, pagdaraanan mo rin naman ang mga ito sa susunod.” kalmadong sabi ni Kuya bago nito binalik ang tingin sa papel at muling nagpatuloy sa pagsusulat. Nasundan pa ng ilan ang mga tanong ko sa kanya sa mga oras na iyon.
Kahit na may ginagawa ito ay pilit pa rin niyang hinahati ang atensyon niya para makinig sa mga walang kwentang sinasabi at tinatanong ko. He even laughed with me everytime I was telling him fun stories. Napakaswerte ko lang talaga sa kanya.
Dahil sa pagod ay doon na ako nakatulog sa higaan niya. He woke me up early dahil may pasok kami pareho. Naaalala kong mas maaga itong umaalis kaysa sa akin kaya naman nang ginising niya ako ay naka-uniform na ito at bagong ligo.
“Eva, get up. Let’s eat then you should get ready for school,” he said. Inalalayan niya akong makatayo. I felt the pain on my knees while getting up. Napansin niya iyon kaya naman nilinis niya muna ulit ang sugat ko bago kami bumaba.
We saw Mama and Papa in the dining area. Nakaupo na silang dalawa doon at mukhang hinihintay kami. Agad na bumaba ang tingin ni Mama sa sugat ko. Nanlaki ang mata nito at naglandas ang pag-alala. Si Papa naman ay napailing lang sa akin.
“Eva, anak! What happened to you? Bakit may sugat ka?” Nag-aalalang wika ni Mama. Sa tabi niya ako naupo. She examined my wound as Kuya Adam walked and sat beside Papa.
“Nadapa siya kahapon noong sinundo ko sa school, Mama. She was running happily when she saw me.” Natatawang sabi ni Kuya Adam. Agad naman siyang sinegundahan ni Papa.
“She was excited to see you. Paboritong kapatid ka talaga ni Eva,” sabi ni Papa. Everyone including Mama laughed with them.
“Of course, Raymond. Siya lang naman ang nag-iisang kapatid ni Eva. Talagang siya ang magiging paborito,” wika ni Mama. I can’t quite comprehend what they were talking about that time. Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagtatawanan but it still made me happy.
Ang ganda ng epekto sa akin sa tuwing nagkakasabay kami sa kainan. Kahit isang beses lang iyon sa isang araw. Ang mahalaga ay nagkakaroon kami ng pagkakataon na makita ang bawat isa. Kahit na pagkatapos niyon ay magiging abala na ang lahat sa kanya-kanyang trabaho at pag-aaral. God, I missed those times.
We finished eating. Nilapitan kami nila Mama at Papa para mahalikan sa noo bago umalis ang mga ito. After that, my yaya urged me to go upstairs to prepare for school. Hindi ko na napansin si Kuya Adam dahil pinagmamadali na ako. Masyado kasing napasaya ang kainan at tumagal kami.
Inasikaso ni yaya ang gamit ko at ang susuotin ko saka niya ako pinaliguan. Muling nalinisan ang sugat ko bago pinasuot sa akin ang uniform. Pagkababa namin ay nagulat ako nang mamataan si Kuya Adam na nakaupo sa sala. Nakahanda na rin ang gamit nito at nang makita ako ay tumayo ito at lumapit sa akin.
“Ang tagal naman. Ang bata mo pa pero ang bagal mo nang kumilos. Paano pa kaya kapag nagdalaga ka na?” Naiiling na sabi nito. Ilang beses niya pa akong biniro-biro ng ganoon hanggang sa makarating kami sa sasakyan.
Walang mapaglagyan ang saya ko. Mula pa kahapon, he was there when our yaya fetched me from school. Ngayon naman ay sasabay siya sa akin pumasok. Sana ay palagi na lang ganito, but I knew better now.
Kung alam ko lang na hindi na pala ulit mangyayari na makakasama ko siya sa bawat pagpasok at pag-uwi ko galing sa school ay sana nakiusap na lang ako sa kanya na palagi niyang gawin iyon noon. Edi sana ay mas marami pa akong naipon na happy memories na kasama siya habang tumatanda ako.